Lester's POV
"Hahahhahha. You're Funny Iha.Ohh here kain kalang. Kayo din." -Mr. Raymond.
What the heck? Siya ba talaga to?. Ang dating napaka istriktong tao ngayon tumatawa na parang walang bukas. Amazing!. Magugunaw naba ang mundo? Kahit si William parang hindi makapaniwala ee. Napapailing nalang.
*Flashback*
"Son" Halos napatigil kami sa mga ginagwa namin ng marinig namin ang maotoridad na boses niya.
"Hi Dad." Bati ni William na halatang hindi niya din inaasahan ang pagdating ng kanyang ama.
"Ahh-Ehhh Good Afternoon po Mr. Padilla." Sabay sabay namin bati din. Pwera kay Rachelle.
Lumapit naman siya samin at isa isa kaming tinapik sa balikat. Ganun talaga siya magresponse. Nakatingin lang si Rachelle sa kanya. Siguro natatakot tong si Rachelle, hindi makaimik ee. Hahhaha. Nakakatakot naman talaga kasi.
"Helloo0o0 po!" Biglang sigaw ni Rachelle pero hindi ganung kalakas na literal na sigaw. Yung tama lang. Aisszz hindi ko maexplain pero isang lang ang alam ko. LAGOT SIYA. Ayaw pa naman ni Tito Raymond ng mga taong maiingay. Kaya nga biglang tahimik kami ee.
"Ohhh. Hi." Taas kilay pang bati ni Mr. Raymond.
PAKTAY KANG BATA KA.
"Dad. Wag mo siyang takutin." -William.
"Son, Im not threatened her. Im just responsed to her greet. Am i right?"-Mr. Raymond.
Awtsss..Ang creepy nilang mag usap mag ama. Napaka seryoso!. Pwede nabang um-Exit dito?.
"Ano kaba Kuya William. Di niya naman ako tinatakot ehh. Diba po? Atsaka ang bait niya kaya. Hindi siya katulad ng iba na hindi nagreresponse kapag binabati.Igaya mo pa siya sayo na hindi manlang tumitingin kapag kinakausap." Sabi ni Rachelle na parang easy easy lang. Yung totoo?
"Rachelle, hindi kaba natatakot sa kanya?" Bulong ko. Katabi ko kasi siya.
"Huh? Bakit naman ako matatakot? Hindi naman din siya nakakatakot ehh." Nakanguso pa niyang bulong. Seriously? Wala ba talaga siyang kinatatakutan?.
"Anong binubulong-bulong mo Mr. Lester?" Tanong ni Mr.Raymond. Ako ata ang paktay dito ehh. Awtsss.!
"Ahh-ehh Mr. Raymond."
"Sabi niya po kung hindi daw po ako natatakot sa inyo." Sumbong ni Rachelle. Patay ka sakin mamaya. Humanda kang babae ka. Napatingin naman ako sa Daddy ni William.Bigla siyang ngumisi. What's that smile huh? Nakakatakot. (>.<) Umupo siya sa bakanteng upuan sa harapan ni Rachelle.
"Ahhh. So anong sagot mo?" seryosong tanong niya.
"Sinabi ko pong hindi ka naman po nakakatakot. Sa mga engkanto, aswang at multo nga di ako natatakot ee. Sa inyo pa kaya?. Pinag iisip talaga ni Kuya Lester ee. Tsk. Mukha ba akong natatakot? Hindi naman po diba?."
"Tsss. Daldal mo."-William.
"Hahahhahha. You're Funny Iha.Ohh here kain kalang. Kayo din." -Mr. Raymond.
*End of flasback*
Lahat kami napanganga ng tumawa siya. Ee sino ba naman kasi ang hindi?.
"Stop it Dad. You're disgusting." Saway ni William sa Daddy niya habang nailing. Alam kasi namin na hindi naman talaga natawa si Mr. Padilla.Pero yung tawa niya ngayon halatang hindi pilit.
BINABASA MO ANG
Ms. Annoying
Teen FictionIto ang istorya kung saan puno ng Kakulitan, kaweirduhan kalokohan, Kabaliwan, kaShungaan at iba pa.<3 New Kathniel's Story ^O^ Enjoy Reading Guys :*