Yong feeling na niyaya ka ng date. Uuuy, #ASA!

3.7K 71 1
                                    


CHAPTER FIVE

PAPATAWID pa lang si Trixia sa direksyon ng Magallanes building ay nakita na niya ang taong walang habas kung pakabugin ang puso niya. Nasa tapat ng building si Todd, nakasandal sa motorsiklo nitong nakasandig naman sa isang poste. Nang makita siya nito ay ngumiti ito at kumaway. Agad na niyang sinungitan ang mukha habang papalapit.

"Bakit ka narito?" bungad niya.

"Uhm..." he paused and looked above, as if in deep thoughts. Maya maya ay pumalatak ito. "Wala ako'ng maisip idahilan. Sasabihin ko na lang ang totoo. Gusto kitang pigilang makipag-date."

Hindi niya inaasahan ang naging sagot nito. Biglang nautal siya. "B-bakit?

"Uhmm..." tumingin na naman ito sa taas, tapos pumalatak na naman. "Ewan ko rin. Masama kasi ang pakiramdam ko sa ka-date mo. Si Matthew."

Nag-desisyon siyang hulihin ito. "Bakit mo alam na may ka-date ako? Alam mo pa ang pangalan."

Ngumiti lang ito. "Ipinagtanong ko kay Patrice." hindi na ito nagsinungaling. "Alam ko rin ang chat name niya. Matthew69. Makikipag-date ka sa may 69 sa chat name?"

"Eh ano naman?" tinaasan niya ito ng kilay.

"Hindi mo ba alam ang 69?" namimilyo ang ngisi nito. "Ano 'yon, iyong posisyon—"

Tinampal niya ang noo nito. Natawa na lang ito.

"Masyado kang green-minded," sabi niya. "Nagsasayang ka lang ng oras. Makikipag-date ako kay Matthew kahit ano pang sabihin mo."

"Bahala ka. Basta kapag niyaya kang makipag 69—"

Inambahan niya ito ng bag.

He chuckled. "I mean, kapag binastos ka niya, I'm just a call away," then he winked at her.

Tiningnan niya ito ng matiin. Tatambay ito ro'n habang nakikipag-date siya? Sa kalsadang iyon? Baka magahasa ito kapag nagkataon. At ano naman ang purpose nito at balak pa siyang bantayan sa pakikipag-date? Huwag nitong sabihing wala lang.

"Bakit mo pa ako babantayan?" tanong niya.

Nagkamot ito ng baba. "Ewan ko eh."

"Bahala ka," nilampasan na niya ito at lumapit sa Magallanes building. Napaaga siya ng limang minuto sa takdang usapan. Hindi naman siya excited. Hindi gaano. Sa lahat kasi ng naka-chat niya, si Matthew ang pinaka-guwapo. Moreno ito. Lalaking-lalaki ang dating. Kamukha nito si Alfred Vargas.

Nakahalukipkip siya habang naghihintay. Napapasulyap pa kay Todd na ngayon ay pinapanood siya. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi nito habang ginagawa nito iyon.

"'Wag ka ngang tumitig!" asik niya.

Masarap kasing matitigan ng mga mata nito. Hazelnut brown ang kulay ng bilog niyon, isang sulyap lang sa'yo, para kang mantikilya na ibinabad sa disyerto. Kaya ngayong halos hindi nito alisin ang titig nito sa kanya, nakaramdam siya ng panghihina ng mga tuhod.

What would it be like, to stare at those eyes up close? And by up close she means their noses touching, their breaths tangling, their lips brushing.

Would she see fire on those eyes as he kisses her?

"'Wag ka sabing tumitig!" bulyaw na niya.

"Ano namang masama? Tnititigan lang naman kita."

"Nakakabuwisit," kaila niya.

"Ako, hindi nabubuwisit. Natutuwa ako'ng tinititigan ka."

Pinigil niya ang sariling manginig sa kilig. "Bahala ka, mapapanaginipan mo ako," pananakot niya.

Mas Bagay TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon