NAIINIS ako kasi walang pumapasok sa utak ko na idugtong sa nobelang ginagawa ko ngayon (Just like the Author XD) pero kailangan ko ng magsulat para di ako abutan ng deadline. Hindi naman ako namo- mroblema sa pera pero ayokong tumigil sa pagsusulat ehh.. I really love writing XD.
Aiishh kainis kasi! Wala akong makitang inspirasyon man lang.
Nandito ako ngayon sa terrace ng kwarto ko nakatulala habang nakikinig ng music sa speaker ko para kahit papaano man lang ay baka may pumasok ng kahit ano sa utak ko! Pero kainis lang eh! Wala talaga.
Napatingin ako sa terrace na katapat ng terrace ko isang metro lang ang pagitan ng mga hangganan ng mga ito.
Huwag niyo ng hulaan kung sino ang nakatira diyan dahil sasabihin ko naman. Oo, si Tukmol nga ang nakatira diyan. Nagtataka nga ako kung bakit pinalagyan niya ng terrace yung kwarto niya ehh dati naman wala yun! Actually siya lang ang nakatira diyan kasi independent na siya kahit 19 palang siya simula pa yun nung mag forteen yung gorilyang yun! Hindi ko alam kung bakit pero sabagay may kaya ang pamilya nung ungas saka ang alam ko since he was thirteen may company na siyang hawak. Tapos isa pa siyang modelo.
Marunong siyang magluto.
Matalino.
Masipag mag- aral.
Gwapo.
Matangkad.
Hindi marunong magalit.
Malambing.
Macho.
Mayaman.
At Mabait..
"Teka?!" Biglang sabi niya at napakunot ang noo.
"Bakit siya ang iniisip ko?!! Ano ba yan! Kaya wala akong maisip na isulat dahil puro Junk thoughts ang naiisip ko eh!! Kainis! Bwiset!! " Saka iritadong sinabunutan ang sariling buhok.
"Gwapo?? Hello!! Precious!! Malabo na ang mata mo! Malambing?? Hello Precious araw- araw ka ng iniinis ng isang yon tapos malambing pa rin?" Pinapagalitan ko na ang sarili ko dahil kung ano- ano ng basura ang iniisip ko.
"Matalino? Utak manok yun! Saka anong Macho?? Baka puro taba ang meron dun!"
"Pero in- love ka naman?"
"Anong inlove? Hello Out love ka' mo! Yung feeling gwapo na yun? Saka feeling hot? Mai- inlove ako?! No way!"
"Wee?"
"Ambaho ng hininga nun noh!" Inis na bulyaw niya tapos saka siya napalingon sa kabilang terrace ulit!
"Ohhh- Emmm- Ghiiiiieeeee!!!" Napatayo siya sa pagkagulat.
"Clyde!" Gulat na bulalas niya.
"Ako ?? Mabaho hininga ko??" Nakangiting turan nito habang ang isang daliri ay nakaturo sa sarili.
"For your information hindi ikaw yun! Saka bakit ka ba nakikialam sa akin!
"De ibig mong sabihin hindi mabaho ang hininga ko? Hindi ako yung utak manok? Yung puro taba? Saka Feeling gwapo? Feeling hot? Hindi ako? " He was grinning like a kid.
"Ikaw yun!" Inis na sabi ko sa tukmol na gunggong na to!
"So iniisip mo nga ako?" Mas lumaki pa ang ngisi ni Unggoy.
BINABASA MO ANG
The Playboy Vs. The Playboy Hater
Teen FictionIsang PLAY BOY at isang galit sa playboy.. May KINABUKASAN KAYA?? Precious is despirately looking for love everywhere.. Pero pano niya magagawa yon kung laging nasa paligid niya si Clyde! Ang kapit bahay nilang playboy na walang pakundangan ipinagm...