Weeks Passed...
Di na ulit kami madalas mag chat ni Noah.
Ibinaling kong muli ang atensyon ko kay Frex pero muli kaming nag away.
"Bakit ba ang dami mong arte" inis nyang sabi sakin
"Ka artehan ba yan Frex?bakit mo pa chinachat yang Ex mo?"inis ko ding sabi"Bakit chat lang yan"asik nya kaya nainis ako
"Chat LANG yan? Lang? eh gago ka pala kung ano ano sinasabi mo sa Ex mo na may nararamdaman ka pa sakanya"singhal ko sakanyaNANAHIMIK SYA
"Di ako tanga Frex nabasa ko yung text mo sakanya!"singhal ko sakanya
DI SYA SUMAGOT
"Kung di mo na ako mahal magsabi ka papakawalan kita"walang gana kong sabi sakanya at tinalikudan sya nagtungo ako kay Wendlie at saktong naabutan ko si Noah dun.
Hanep na pagkakataon paano ako mag dadrama neto?Lumipas ang mga oras at kwentuhan kami hanggang sa mapunta ang topic sakin pero di pa din muna ako kumibo.
Nalaro kami ng truth or dare
Laftrip kasi mung ewan si Noah nauuna ang tawa bago ang kwento plus yung takip bibig nya habang tumatawa haha
Panandalian kong nakalimutan ang problema ko"Truth"sabi ni Noah kaya sya ang tatanungin ni Wendlie
"May gusto ka ba kay Koreen?"biglang tanong nito kaya nasamid ako bigla at nanlaki ang mataAng tanong na nagpahinto ng buong sistema ko
"Wala" wika nya
Isang salita..
Apat na letra..
Pero bumaon sa puso ko
"Hahaha baliw ka Wendlie"natatawa ko kunyaring sabi pilit ko ng pinipigilan ang luha ko pigil na pigil...
Nagtanungan pa sila ng kung ano ano pero di kona maintindihan pa ang sinasabi nila.Tumingin ako sa Cellphone ko at pinilit na libangin ang sarili ko.
Nararamdaman ko na ang sakit.
Hanggang sa tumulo na ang luha ko
"Koreen??!! bakiit?"nag aalalang tanong sakin ni Wendlie kaya napayakap ako sakanya at ang kaninang luha kong pinipigilan at bumigay na...
"S-si Frex kasi eh parang inaayos nya ang relasyon nila ng Ex nya" sabi ko di ko balak sabhin na dahil sa sinagot ni Noah ang dahilan ng pag iyak ko"Ano! anong ginawa nya sayo?!"sigaw ni Wendlie at niyakap akong muli di nako kumibo at umiyak nalang
Sorry kung diko masasabi ang totoong dahilan ko masyado ng kumplikado dahil maging ikaw ay kahati ko.Gusto mo din si Noah pero walang kaso sakin.
Ayos lang sakin."Pabili po"may bumibili sa tindahan nila kaya humiwalay ng pag kaka akap sakin si Wendlie
"Sandali lang" sabi nya at pumasok sa loob ako naman iniharang ko nalanga ng kamay ko sa mukha koNanlamig ang buong sistema ko ng umupo sa tabi ko si Noah at inilapit ang ulo ko sa dibdib nya..
"Wag kana umiyak ng dahil sakanya"sabi nya at tinapik pa ang likod ko
*tug dug tug dug tug dug tug dug*
Sana Noah hindi mo nalang ginawa to.
Di mo alam na ikaw ang dahilan ng mga luhang to...-----
Nang medyo umokay nako....
Inasar asar ko na ulit sila
"Cactus ka!"sigaw ko kay Noah pero di nya ako pinansin
"Bakit naman ako naging Cactus aber?" tanong nya sakin kaya ngumisi ako
"Dahil lahat ng nadidikit sayo nasasaktan"sabi ko"Edi wag kang dumikit sakin"seryosong sabi nya kaya napalunok ako
Kung kaya ko lang wag dumikit sayo matagal ko ng ginawa pero parang kang magnet at ako ang bakal dahil kahit anong layo ko sayo mahagip ka lng ng konti kusa akong nalalapit.At maging ako diko yun mapigilan.
Months Passed...
Frex and I broke up!
Dahil mukhang magkakabalikan na sila ng Ex nyaNakakatawa dahil ako daw ang nakipagbreak sakanya! at Mahal ko pa daw ang Ex ko yun ang sabi nya sa Ex nya hanep whooo sobrang hanep!!
Di ako nahirapang mag Move on yeah i cry not because of him sya lang ang dinadahilan ko dahil ayoko ng Issue.
Mas napadali pa nga ang buhay ko ehAt eto ako ngayon nagpapaka tangang muli sa taong never akong ginusto wala eh baka eto na ang tadhana ko lol.
Months and months passed...
Mas naging close kami ni Noah minsan nasasabihan ko sya ng problema ko inaasar ko pa nga minsan eh haha
pero sa chat langKoreen:Cactus ang cute ko
Noah: SEEN
Koreen: Cactus
Noah: SEEN
Koreen: Ay seen lord
Noah: SEENSa sobrang badtrip ko ayun inunfriend ko at blinock ko pero kinabukasan inadd ko ulit haha ganun ako kabaliw haha pero okay lang no choice nga kasi...
Meron pa one time trip ko na naman mag papansin sakanya
Koreen: Dodong miss ka na daw ni Barbie
Noah:Luh?
Koreen: oo nga uwi ka na daw di na sya galit
Noah: Eww Barbie
Koreen: Maka eww to! Type mo naman si Barbie eh!
Noah: Lol
Koreen: Lol MotoThen ayun sineen nya na ulit ako haha plastic at snob kasi sya sa chat.
Pag di ka nya trip i chat di yang mag chachat pero
Nung nakaraan badtrip ako sakanya
Actually winallpaper ko na sya mag kachat kasi kami tas maya maya sasabhin nya"TTY (Talk to you later)"
May ka chat daw sya pinasa nya pa yung convo englishan silang dalawa edi wow!!
Foul yun ah!!
Nagmumurahan lang sila tsk so ayun sa badtrip ko dinelete ko yung pic nya at pinalitan ko ng barbie wallpaper ang phone ko kupalets sya eh
Sabi ko di ko na sya papansinin pero dahil traydor nga ang puso ko patuloy pa din ako haha pero binabaling ko na sa iba ang atensyon ko at sana this time magtagumpay na ako
Sawa nako magpapansin sakanya dahil di naman ako napapansinMagsama sila ni barbie bagay sila !!
Lol Hahaha xD
PS. Nung sumunod na balik namin sa Antipolo nag Overnight lang kami kila Eirech uminom kami FYI haha hinalikan ko sya pero promise wala ako sa wisyo nun nung umaga ko na naalala yung ginawa ko lol.
PPS.Naglaro pa kami ng kasal kasalan kikiligin na sana ako kaso sya daw yung babae ako yung lalaki kingina ang bakla nya dun hahaha tas manganganak pa daw sya kunwari.
PPPS. Umiyak na naman ako dahil sakanya lol
PPPPS. Nag effort ako i type to noh!
To be continued...
Pero the end na talaga ayoko na umasa haha
-Koreen

BINABASA MO ANG
Traitor Heart (Short Story)
Short StoryNagmahal ka na ba? Minahal ka na ba? Naranasan mo na bang traydorin ng puso mo? Yung tipong alam mo sa sarili mo na wala ka nang nararamdaman para sakanya pero iba ang sinasabi ng puso? Okay lang sana kung may karapatan ka... Kaso... Wala dahil han...