Kabanata I

665 7 2
                                    

JS Prom ang pinakahihintay ng mga estudyanteng hyskul. Ito kasi ang araw kung saan sila ay magpaparty at maaari rin nilang makasayaw ang mga napupusoan nilang makasayaw. Ngunit kakaiba ang pananaw ni Angela dahil para sa kanya ay boring daw iyon at wala naman silang napapalang maganda doon. Mabuti na lang daw na matulog siya sa bahay at doon ay mag-aral ng leksyon niya.

"Angela!" tawag ng matalik niyang kaibigan na si Joyce.

"Ano na naman ba?" walang kabuhaypbuhay nitong sagot dito.

"Iyong sinabi ko nga pala sa iyo. Napag-isipan mona ba iyon?" sagot nito dito habang nakangiti na parang gustong-gusto makarinig ng magandang balita dito.

"Iiisa lang naman ang sagot ko dyan sa tanong mo. Hindi na iyon magbabago. Period." Pagtanggi nito sa matalik na kaibigan.

"Hindi na ba talaga? Napaka-KJ mo talagang tao. Ano ba ang pwedeng makapagpabago ng isip mo ah?" sambit nito dito.

"Wala! Walang makakapagpabago sa isip ko. Ayoko talaga sa mga ganyang okasyon." Sagot nito dito.

Napatigil sila nang makita ni Angela ang Crush nitong si Ezekiel na Team Captain ng Basketball team nila. Nabigyan naman ng ideya kaagad si Joyce kung paano nito mapapayag si Angela.

"Kahit ba alukin ka ni Ezekiel ng date sa Prom?" panunukso nito dito.

Natigilan saglit si Angela at napaisip sa sinabi ni Joyce ngunit nangibabaw pa rin ang pagtanggi nito.

"Ah... ah basta. Hindi parin ako pupunta sa Prom. Huwag mona kasi ako pilitin pa." pagtanggi pa rin niya dito.

"Edi ikaw na ang KJ Queen. Last year na nga natin ito e." pagtatampu nito sa kaibigan.

Bigla naman nagring ang bell na nagsasaad na tapos na ang break nila. Agad naman silang pumasok sa loob ng kanilang silid aralan. Isang napakaboring na class session dahil history ang topic nila ngayon at iyon ang pinaka nakakaantok na subject nila. Kaya naman inilabas ni Angela ang headset at nakinig na lang siya sa music playlist niya sa cellphone nito. Isinubsub niya ang kaniyang ulo sa desk ng kaniyang upuan.

"Ms. Ramirez! Ms. Ramirez!" ang paulit-ulit na tawag ng instructor nila kay Angela. Ang problema ay nakaheadset ito kaya naman tinapik siya ng kaklase niya sa likod.

"Angela! Angela!" yugyug nito sa kaniya.

"aah.. aah." Nagulat ito ng makita ang propesor nila na galit na galit at nakatingin sa direksyon niya.

"Yesss.. ma'am. Ano po iyon?" bigla niyang pagtayo.

"Pambihira. Hindi ka parin nagbabago sa klase ko. Kung matutulog ka lang din ay umuwi kana lang. now na."

"Ngayon na po.." pagtatakang tanong niya na para bang ito ay nanaginip pa.

"I said now! Get out of my class!" galit na galit na sigaw ng propesor nila.

Agad-agad naman na lumabas ito sa room nila. Naisipan na lang niya na pumunta sa library at doon ipagpatuloy ang naudlot niyang tulog kanina. Pagdating niya sa library nila ay walang katao-tao dahil classes hour pa kaya naman pumunta siya doon sa pinakasulok na bahagi ng library para doon ay matulog. Kapag doon ka rin umupo ay natatanaw mo ang playground ng school dahil katabi nito ang bintana. Iyon ang paboritong spot ni Angela at ng kaniyang mga kaibigan.

Nakasuot siya ngayon ng isang maganda't eleganteng damit at may kasayaw na matipuno't gwapong lalaki ngunit hindi niya makita ang kanyang mukha dahil sa nakasuot siya ng mascara at maski siya ay nakasuot rin ng ganoon. Ang sarap pakinggan ng musika habang kasayaw niya ang matipunong lalaking ito. Ang ganda ng mga mata niya na kung titigan siya ay parang gusto nitong higupin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon