Proposal

12 1 0
                                    

Crizhel POV.

Ilang linggo narin simula noong naging parte ako ng pamilya pro brothers. Sila yung dumamay saakin sa bawat kirot at sakit na nararamdaman ko, sila yung bumuo ulit sa kung ano ang nawala saakin.

Alam ko nagtataka kayo kung bakit ang bilis kung napalapit sakanila. Hindi ko rin naman kase maikakaila na masaya akong kasama sila. Iba yung pakiramdam kapag sila yung kasama ko.

"Ms.Medina!!" Napatigil ako sa pag mumuni-muni ng sumigaw ang aming instructor.

"Yes sir?" tipid na sagot ko. Hiyang hiya ako sa mga kaklase ko dahil nakatingin na silang lahat sa direksiyon ko. Ano ba naman!! Kung ano ano kasing iniisip ko!

"Are you listening ms. medina?" tanong saakin ni sir.

Namilog naman bigla ang mga mata ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi nga kase ako nakikinig! Naku!! siya si Sir kaii, instructor namin sa General Mathematics! siya pa naman yung instructor na sobra kung magalit. Nasa 50 na ang edad niya kaya lang wala pa siyang asawa! Kaya Highblood siya palagi sa mga estudiyante niya! Walang lovelife!Tssssss!

"I am asking you Ms. Medina? are you listening?!" Sabi na diba?? masiyadong highblood si sir -_-

"I'm sorry sir, may chineck lang kase ako sa notepad ko about sa schedule ko ngayong second sem.!" pagdadahilan ko sakanya.

"Ok then, let's continue our lesson.! the arithmetic of chu chu and chu chu chu is the chu chu...." Gustong gusto kong makinig pero taliwas naman yung isip ko sa subject! i love math kaya lang, hindi ako gusto ng math!!

Ilang minuto na akong nakatitig sa orasan at hinihintay na matapos na ang klase ko dahil hindi naman ako makapag concentrate ng maayos.

------------------
Ranz POV.

Its been two months since we move here at cali. Dalawang buwan na rin na puro papel ang hinahawakan ko at babad ako sa mga projects at seminars. Mahirap pero kinakaya ko. Lubog na rin ang kompanya namin sa utang. Kinakaya ko naman ang mga gawain sa kompanya but still i cant even handle those fortfolio. Ilang araw narin akong hindi nakakatulog.

Naaawa narin ako kina daddy at lolo dahil bukod sa stress sila sa pagkalugmok ng kompanya, puro alak na lang ang hawak nila. Akala kase namin noon kapag nandito kami sa california mas focus kami mula sa pinaka maliit na detalye hanggang sa pinakamalaking problema ng kompanya. Pero nagkamali kami, mas naging aggresibo lahat ng mga papeles at dokumento ng aming nilalakad para lang mailigtas ang kompanya. Hindi ko sila masisisi dahil pare pareho lang kaming nag expect na magiging successful ulit ang business namin. Kaya halos gabi gabi na silang magbabad sa alcohol.

Siguro nga tama si daddy, kailangan ko ng pirmahan ang kontrata na offer ng Madrigal Company para sa ikakabuti at para maiahon ang kompanya namin. Kapag nakipag negotiate ako sakanila matutulungan nila akong masagip pa ang natitira kong pag-asa para sa kompanya. But on the other hand, para ko naring isinakripisiyo ang sarili ko. Marami ang magbabago kapag nagkataong peperma ako sa kontrata. Malaki ang magbabago at makukulong ang kalayaan kong magmahal sa taong minamahal ko.

Pero bago ako magdesisyon at bago pa ang lahat kailangan ko munang sabihin kay crizhel. Kailangan siya muna ang unang makaalam ng lahat dahil ayokong masaktan siya. Ayoko din na pagdating ng panahon na sisisihin ko ang sarili ko dahil pinag kait ko mismo ang kasiyahang hinahangad ko.

Naisip ko bigla si crizhel. Kumusta na kaya siya. Siguro nagtatampo na siya dahil hindi ko nasasagot ang mga tawag niya at mga chat niya. Sabi ko nga masiyadong akong busy. Hindi ko na namamalayan na may naghihintay pala saakin.

I grab my phone from my desk then i started calling crizhel. God know's how much i miss her! I wanna hug her right now! I wanna be with her again! I just dont know where will i start.

A thousand years for usWhere stories live. Discover now