Crizhel POV.
"Sino ba yung tumawag?" tanong saakin ni marvin habang abala kami sa pag iihaw ng barbecue.
"Si Ranz, Bestfriend ko." tipid na sagot ko.
"Ang sarap magkaroon ng bestfriend diba? Yung tipong nandiyan siya palagi sa tabi mo at hinding hindi ka niya kayang iwanan." nakangiting sabi niya.
"Oo ang masaya talagang magkaroon ng bestfriend. Kaya lang iniwan ako ni ranz." sagotko pero nakangiti parin ako sakanya.
"Iniwan? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Nasa California kase siya ngayon. Sabi niya hindi na niya ako iiwan pero iniwan na naman niya ako. Nakakainis diba?"
"Ano ka ba! Ang drama mo naman! Huwag mong iconsider yang pagpunta niya sa california na parang iniwan ka niya. May rason naman siguro yung tao. Tsaka tumatawag naman kaya huwag mong sabihin na iniwan ka niya."
"Pero kahit na. Nagpromise siya kaya dapat sundin niya yung pangako niya.!" naiinis na sagot ko
"Maswerte ka nga nakakausap mo pa, eh ako hindi ko alam kong makakausap ko pa siya o kung makakasama ko pa siya" bigla naman siyang naging seryoso
"May pinagdadaanan ka ba?" tanong ko dahil kita sa ekspresiyon ng mukha niya na malungkot siya.
"May bestfriend din akong babae. Sobrang mahal na mahal ko yung friendship namin, kaso naglaho nalang bigla." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"What do you mean na naglaho nalang?" naguguluhang tanongko.
"She like me more than a friend. Mahal niya ako hindi bilang kaibigan kundi mas higit pa bilang kaibigan." sagot nito.
"Talaga?? eh ano nasaan na siya? Kayo na ba? Wow naman marvin." tila nagtatatalon ang puso ko ng malamang may gusto ang bestfriend niya sakanya. Similar to the love i've gave to ranz.
"Hindi. Walang kami. She confessed all her feelings infront of me. But you know what crizhel?? Iba yung tinitibok ng puso ko at yun yung pinaka ayoko." natigilan ako sa pagiihaw ng barbecue ng sabihin niya iyon. Napatingin ako sakanya na nakatingin narin saakin.
"Anong ibig mong sabihin?? May gusto kang iba?" tanong ko sakanya
"Yes. May gusto akong iba. Tao lang naman ako, at hindi naman yung isip ko ang pumili ng taong mamahalin ko kundi itong letcheng puso ko." sagot niya habang turo turo ang kanyang dibdib.
"Eh paano yung bestfriend mo? Anong sinabi mo sakanya?" Tanong ko ulit. Na tila gustong gusto kong malaman lahat dahil baka may posibilidad na ganon din si ranz saakin.
"Sinabi ko ang totoo sakanya. Sinabi ko na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay at ayokong masaktan siya. Pero huli na dahil habang sinasabi ko ang lahat ng yun sakanya alam ko na nasasaktan ko na siya."
Wala akong mahanap na isagot sakanya kaya pinakinggan ko nalang ulit ang sumunod na sinabi niya.
"Kung kaya ko lang kontrolin ang puso ko, sana siya na lang yung mahalin ng puso ko. Pero alam mo ba? Yung taong gusto ng puso ko, eh ayaw naman ako at may mahal ding iba. Nakakatuwa diba? kaya sana yung bestfriend ko nalang sana yung laman ng puso ko atleast alam kong mahal niya rin ako at mutual yung feelings namin para sa isat-isa. Ang pag-ibig kailan may hindi natin alam kong ano at kung sino ang tatamaan nito. At kung tinamaan na, wala na tayong magagawa dahil andiyan na yan, its ethier we take it or leave it. Its ethier susugal tayo, O mananatili nalang na nakatiklop ang baraha mo. Nasa atin naman yun kung ipaglalaban natin, May mga bagay kase na kung hindi para saatin kailangan nating pakawalan para mahanap yung totoong atin." He tap my shoulder while he began to walk to aian's direction. I don't even know how to react on those words he just trew on me! So i just decided to continue what i'm doing and for such a reasons, napaisip na naman bigla ako sa mga sinabi ni marvin.

YOU ARE READING
A thousand years for us
RomanceSa unang pagkakataon na gumawa ako ng istorya dito sa wattpad,sana po'y suportahan niyo ang bawat karakter na bibigyang buhay ko.para po ito sa mga taong naghahangad ng totoong pagmamahal :) sa ating panginoon salamat po sa binibigay niyong chance n...