Resha's*Kriiing kriiing*
Ayan na naman yung orasan ko. Tinignan ko sa alarm clock ko kung anong oras na, 5:26 am palang pala eh? Ang aga naman ng alarm ko. Kinuha ko yung cellphone then pinatay yung ringtone. hay... pinikit ko na nga ulit yung mata ko.
" resha!! Gising na!". Pag karinig ko nun napaupo na lang ako sa kama ko. Tinignan ko yung alarm clock ko. Ha? 5:36 am palang... iiiihhh....
"Rrrrrr" sigaw ko pabalik. Nahiga uli ako.
Bago ko pa man mapikit yung mga mata ko. Narinig ko na bumukas ang pinto. Pumasok si mama at humarap sa akin ng nakapamewang.
" resha? Tanghali na. 6:35 na. 7:30 ang pasok mo." hinila ni mama yung dalawang braso ko at pinilit akong umupo. Nagpadala na lang ako kay mama.
" ano mama? Eh 5:36 palang kaya" sabi ko kay mama na may halong pagtataka.
"ha? 6:38 na nga eh"kinuha ni mama yung alarm clock ko syaka hinarap sa akin yun. " tama naman yung oras sa alarm mo."
Tinitigan ko yung alarm. Ang labo. Kinuha ko muna yung salamin syka sinuot ko yun. Pakinteyp?! Akala ko 5:36 palang kanina. 6:35 pala yun. Late na ko.
"maaa!!! Late na po ako!". agad akong tumayo. Nakoo!! Late na ko.
"bilian mo nakahanda na yung pagkain sa baba!" sigaw sakin ni mama.
Mabilis lang naman akong maligo kasi wala naman akong nilalagay sa katawan ko na kung ano ano. Pero syempre nag sasabon at shampoo din ako noh?
Nagtapis ako ng towel tapos lumabas na. Nag bihis na ko ng uniform ko. Kahit nerd ako na may malaking glasses. Kapareho ko ang uniform ng mga schoolmates ko. Long sleeve polo na fitted with red vest na may red ribbon at knee lenght red na skirt din. Half sock at nag flat shoes lang ako. Karaniwan o sabihin na nating halos lahat ng babae sa school namin naka 4-6 inches na heels shoes.
Sabi kasi sa school eh. Tsk. Ayoko nga sana ng gantong uniform at mas gusto ko ang mga kumportable at maluwag pero nasanay na rin naman ako. Hindi naman ako nag aayos kaya bumaba na ko kahit hindi pa ko nag susuklay. Nag headband na lang ako basta basta.
" kumain ka na anak. Dalian mo. Anong oras na" ayan agad ang bungad sa akin ni mama pagkababa ko. Umupo na oo syaka kumain ng mabilisan.
"ma tapos na po ako. Alis na po ako! " kinuha ko na agad yung gamit ko.
"hatid na kita resh?" tanong sakin ni mama.
"hindi na po mama. Gawin nyo na po yung mga gagawin nyo. " sabi ko atsyaka lumapit sa kanya para hakikan sa pisngi.
"okay... I love you. Ingat ka. "
" I love you too mama" lumabas na ako kaagad. Tumakbo na ko. Malapit lang naman eh. Wala na kong paki kung sa tabi o sa gitna ako natakbo. Wala namang sasakyan eh. Subdivision kasi to eh. Go resha! Aja!
Silver's
"ang gwapo mo talaga..." kinakausap ko lang naman yung pinaka gwapo na lalaki sa buong mundo. " ikaw na talaga." narinig kong nagriring yung phone ko. May natawag.
"hello?"
'hey babe!'
Oh... Shiiit... "ah... Hey..."
'ahm... babe are you still there? '
"ah yeah..." whats her name again?
' hey tricia lets go to school na! ' may bigla na lang akong narinig na nag salita sa kabilang linya. So its tricia. I cant really remmember her.
YOU ARE READING
👉 MU (The Unspoken Feelings)👈
Teen FictionAnong bang ibigsabihin ng MU? Mutual Understanding MisUnderstanding Magisang Umiibig Maraming meaning yan. Sa mga tauhan sa story na to. Hindi rin alam kung ano bang meaning para sa kanila ng MU. Para sa inyo? ano nga ba? P. S. sorry kung p...