Pagkatapos magjogging ng mga girls ay napag usapan namin mag punta sa River Adventure. Dito lang naman din iyon sa Bulacan, ang sabi ni Luther ay sa San Rafael daw which is 45 minutes drive from Baliuag. Everyone's excited. Kahit ako ay nasasabik.
Hindi naman kasi ito ang usual na napupuntahan namin like pools and beaches. Literal na ilog daw ito na pinaganda lang. Lalo pa akong nacurious ng sabihin ni Luther na sa floating reastau kami kakain mamaya habang inililibot kayo nito sa kahabaan ng ilog.
Ako ulit ang nakatoka sa lunch. Nagrocery kasi si Draco at Darton kasama ang dalawang girls para sa food na dadalin mamaya. Kami lang ang naiwan ni Luther dito sa bahay. Si Luther naman ay abala sa pag check ng mga gagamitin na sasakyan.
Abala ako sa pagbabantay ng sinaing kahit sa rice cooker ako nagsaing. Ayoko naman kasi lumabas para samahan si Luther at paniguradong babahugin lang ako 'non. Chineck ko pa ang nilaga ko tsaka ako naupo sa stool para itext si Kristele. Pasukan na kasi sa susunod na araw. Ang sabi ko kasi sa kanya ay siya na ang magpa-enrol sa akin dahil bukas palang kami makakauwi.
"Ano ulam?" Napaangat ako ng tingin kay Luther ng bigla itong pumasok at dumiretso sa ref para uminom ng tubig. Napatitig pa nga ako sa kanya dahil sa hubad niyang katawan na medyo pawisan.
Nang bigla siyang humarap sa akin ay nagpanggap ulit akong nagtetext. Kumunot kasi ang noo niya ng makita akong nakatingin sa kanya. At bakit ba kasi nakahubad na naman siya? Inaakit niya ba ako?
"Sasha," tawag niya ulit sa akin. Pumikit ako ng mariin at inayos ang sarili. Bakit ba kasi hindi ko matagalan tignan si Luther na walang pang itaas? Hay nako!
"Oh, bakit?" Poker face akong humarap sa kanya. Ang totoo ay sa ref ako nakatingin.
"Are you in earth? Sabi ko, ano ulam?" Medyo natawa siya. Ngumiwi ako dahil sa joke niya. Ayoko ng tumawa o magbigay ng emosyon about sa mga jokes or so whatever! Baka sabihan na naman ako niyan ng inlove thingy niya.
"Nilaga," sagot ko ng hindi pa din siya tinitignan. Kumuha pa ng bimpo si Luther tsaka lumakad sa tapat ko at nagpunas ng pawis. Lumunok ako ng dumapo ang bimpo sa abs niya na pawisan. Kailangan talaga sa harap ko pa magpunas?
"Great, is it cooked? I'm kinda hungry.." umupo siya sa stool sa harap ko. Sumunod na ang mata ko sa kanya. Kakainis! Akala ko kaya kong hindi siya tignan pero hindi pala.
Pumangulambaba ako sa harap niya at ngumiti. " Yeah, it's cooked."
"Nilagang baboy o nilagang baka?" Excited na tanong niya. Napakunot ang noo ko. Anong sinasabi niya? Baboy? Baka?
"Huy!" Napasinghap ako ng pumitik siya sa harap ko.
"Anong baboy? Anong baka?" Nagtatakang tanong ko. Kumunot ang noo ni Luther na tila ba nagtataka.
"Diba nilaga ang ulam? I'm asking if it is pork or beef.." umirap siya. Nalaglag ang panga ko hanggang humahalpak ako ng tawa.
"Bakit ka tumatawa?" Nakakunot pa din ang noo niya. Ako naman ay nakahawak na sa tyan ko kakatawa.
"Anong baboy at baka ang sinasabi mo kasi?" Lalo akong natawa. Nakakaloka siya. "None of the above.." pahabol ko.
"Then what?" Tanong niya ulit na mukhang iretable na. Tinagilid ko pa ang ulo ko para tignan siya na mukhang any moment ay sasabog na.
Tumayo ako at lumakad papunta sa side niya habang naiiling. Pumwesto ako sa likuran niya at bahagyang yumuko para maabot ang tainga niya at bulungan siya.
"Nilagang itlog, andon ang kamatis nakababaw sa sinaing." Tumalikod ako na humahagalpak sa tawa.
"What the fuck?" Panay ang pagmumura ni Luther hanggang makalabas na ako sa kitchen. Nilaga? Eh hindi kaya ako marunong mag nilaga. Hanggang piri pirito lang ako noh! Tsaka, hindi paba sila nadala nung breakfast?
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
General Fiction(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..