[a/n: Sorry.]
Pafall
Pafall. One word. 6 letters. Two syllables. Adjective. Taglish slang. Synonyms: fuccboi, malandi, haliparot, papansin, epal, Keizzer Karlos Kuanco.
Siguro iisipin ninyo na kesyo feeler lang ako, assuming, at kung ano pa. Pero kung kayo kaya ang nasa posisyon ko, ano po? Bakit? Paano? Ano nga ba ang nangyari?
Nagsimula ang lahat noong Grade 10 kami...
It was summer before starting the new school year and we'd be Grade 10 students this coming school year. Usually around May na nagre-release ang school namin ng sections. So basically, mawiwindang na lang kami 'pag pasok at matagal-tagal pa bago kami makakapag-adjust.
And it was the very same summer that I didn't know how unlucky my life could ever be. That summer, I found out he's part of my new classmates, that I didn't know would be my first heart break too.
Minsan ko na ring inisip na sisihin ang school administration dahil sila ang nag-ayos sa sectioning. Which is wrong, very wrong. Hindi naman nila kasalanan kung malandi si Keizzer at nilandi niya ako. Or sadyang marupok lang ako, feelingera, assuming, name it.
Unang araw pa lang ng klase noon n'ung napansin na niya 'ko. 'Di ko inaasahan 'yun kasi hindi man halata pero ako yung tipo n'ung classmate na parang dead kid. Walang particular group of people na ka-close pero nakikisama naman sa klase.
Napansin niya 'ko dahil 'dun sa classmate pa namin na si Joshua.
"Si K, snob na 'di nag-fo'followback sa Twitter, hay nako," ani Joshua
"Akala ko ako," saad naman ni Keizzer sa malapit na upuan at tumawa pa. Teka, oo nga 'no? 'K' rin pala ang tawag sa kanya, o 'Kei' kasi nga Keizzer. Jusko, nagkapareho pa kami.
"Luh, gagi fan account kasi 'yun. Binlock ko na nga kayo, eh," sagot ko naman. Totoo naman kasi, fan account naman na talaga 'yun at ayokong may kilala 'ko in real life ta's mutual ko d'un. Kahihiyan y'un.
"Famous ata," si Keizzer. Simple. Dalawang salita. Pero dahil sa dalawang salita lang na iyan, diyan nagsimula ang lahat.
Hindi ko alam ang eksakto, kung paano, kung bakit naging close tayo. Close na nga ba tayo? O assuming na naman ako? Papansin ka kasi.
May mga pagkakataon na sobrang papansin na niya at lagi akong inaaway.
Paano nga bang pang-aaway?
Syempre, 'di mawawala 'yung pagtawag niya sa'kin ng kung anu-ano. Sa dinami rami ng salita at pang-asar sa mundo, Pwet pa ang napili. Minsan mapapadaan lang ako sa harap niya, ituturo na niya 'ko directly on my face, at tatawaging pwet, like what the fuck?
Isa pang pang-aaway? 'Yung busy ako sa pagbabasa sa phone ko, walang pakialam sa mundo, pero siya makikita ko sa peripheral vision ko, tinakbo na ang sapatos ko. Hilig ko kasing mag-indian seat sa upuan ko kaya tinatanggal ko ang sapatos ko. At oo, napakalupit niya. Anglupit niyang bwisitin ako. Tatakbo siya palabas ng kwarto, habang ako nakamedyas na lang na hahabol sa kanya. Minsan umaabot pa kami pababa ng second floor at makikita ni Mama N (adviser namin) at siyempre pagsasabihan pa kami na parang mga grade 1 imbis na grade 10 na naman kami hays ang childish niya kasi. Para pa siyang tanga n'un nag-m'make face habang nang-aasar at magpapahabol, hays.
Kulang pa ba? Sige isang halimbawa pa.
Pati mga inosenteng basahang bilog na eraser ng glassboard, 'di niya pinatos. Kunwari mabait at magpupunas ng board, 'yun pala may hidden mission at iyon ay ipunas naman sa'kin ang basahan na ginamit niya.
YOU ARE READING
Pafall [One Shot]
Novela Juvenil/adj/ yung taong papansin sayo, nilalandi ka at syempre pinapaasa ka synonyms; Keizzer Karlos Kuanco