CHAPTER 11

122 41 44
                                    

Humahangos ako nang makarating sa condo, hawak-hawak ko ang sugat na tila kahit nakabenda ay ramdam na ramdam ang pagkirot. Damn that woman, makakaganti rin ako. Hindi ito biro!

Pagbukas na pagbukas palang ng pinto ay tumambad na sa akin ang nakaupong si Lindon. Nakaharap siya sa verendra kaya naman napalingon siya sakin at agad tumayo.

Napangiti ako nang tulungan niya 'ko sa bitbitin ko at ilapag iyon sa mesa.

"Anong nangyari sa 'yo?"

Umupo ako at napapikit. Masakit ang sugat ko.

"Wala. Don't mind me."

Pero nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nakatakip sa sugat at tanggalin iyon. Kunot-noo niya yung pinagmasdan.

"Sa’n ka nanggaling? Ba’t may gan‘yan ka?" halata ang pag-aalala sa mukha nito. Ngumiti na lang ako tumingin sa sariling sugat, kahit nakabenda ay halatang-halata ang dugo.

"That stupid girl... may araw din siya sa ‘kin," sabi ko habang diretso ang tingin sa aking harap at inaalala ang mukha ng babaeng iyon.

"Sino?"

Bumuga ako ng hangin at umiling na lang, pinilit kong ngumiti. Tumayo ako at inabot sa kan'ya ang mga pinamili kong gamit.

"Lahat 'yan ay para sa'yo, wala kang gagamitin kung ‘di kita ibibili," sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niyang tinignan yun isa-isa, "Ito?! Pero..."

Tinapik ko nang marahan ang balikat niya, "Nah... no buts, okay? Just say thank you," nakangiting tugon ko.

I'm seeing something in this guy, alam ko magiging kaibigan and kapatid ko rin siya at the same time.

"Nakakahiya pero salamat, Queenie." nhihiyang sabi nito. Tinawanan ko naman siya. He really don't know how to say 'Ate' and 'Po'.

Dummy.

"Alright, I'll be back."

Dumiretso ako sa kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama, napatingin ako sa sugat ko at magaang hinaplos 'yun. Hindi naman gano'n kaganda maglagay ng benda si Devin kaya naman alam at ramdam kong nagdudugo pa rin 'to.

Naligo at nagbihis ako bago magpasyang lumabas, pinalitan ko lang ng benda ang sugat ko dahil puno na ito ng dugo. Pagbukas ko palang ng pinto ay may naamoy agad akong masarap. Tinungo ko ang kusina at doon ay nakita ko si Lindon na nagluluto.

Nakatalikod siya, napangiti ako nang makitang basa ang buhok nito, bago ang damit, malinis ang balat, at naka-tsinelas. This is what I want too see...

Lumapit ako sa mesa, "What are you cooking?" Sambit ko dahilan para mapa-harap siya sakin. At talaga namang namilog ang bibig ko sa nakita, yung kaninang Lindon na madumi, walang kaayos-ayos, maraming dumi sa mukha at... err, mabaho... ay Lindon na malinis na ngayon. Maayos ang itsura at hindi ko maitatanggi na gwapo siyang bata.

"Pasensya na ginalaw ko yung ref mo, gusto ko lang makabawi sa ginawa mo." matipid siyang ngumiti.

Nagsalin siya sa mangkok at dinala ito sa harapan ko.

"Ano 'yan?" Natatawa kong tanong habang nakatingin sa sabaw.

"Consomme soup. Natutunan ko 'yan sa lola ko no’ng hindi pa 'ko napupunta kina Sir Grey---"

Natigil siya. Alam kasi niyang galit ako sa mga dati niyang kasama. Pero imbes na magreact ng kung ano ay nginitian ko na lang ito at pumwesto sa upuan. The smell is so delicous... pakiramdam ko kumalam ang tyan ko.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now