Sa nagdaang isang linggo, halos hindi ko sya kinikibo. Alam ko na dapat hindi dinadamay, ang trabaho sa personal na buhay but I can't help it. Umaatake ang pagiging siga ko sa mga sinabi niya. Nababanas akong kausap sya.Tuwing malamig ang pakikitungo ko sa kanya. Umiigting lamang ang kanyang panga. Kapag nakikipagtitigan ako sa kanya, bumubuka ang kanyang bibig na tila may gustong sabihin pero hindi maituloy.
"Cassandra pasensya kana ah. I need you.." Ani ni Ron. Nasa condominium na ako at kauuwe ko lang ng bigla syang kumatok.
He asking me to taking care of Ziel for a while.
"Anytime Ron. Bakit saan ka ba pupunta?"
"Hi-his mother is here."
Nanlaki ang mata ko. "What?!" Oh diba panalo ang reaksyon ko. "I mean, where? Kukunin na ba niya si Ziel?"
He sighed. "I won't let her to do that. She just want to talk to me."
"Good then."
He smiled. "No worries, Ziel never leaving you. He will stay with us."
Nag init ang aking pisngi. Pero hindi ko pinahalata sa kanya. "A-ah oo naman. Baby ko din si Ziel eh."
"Baby natin." Sambit niya habang nagpipigil ng ngiti. Nakakainis bakit ang gwapo niya kapag ganyan sya. Is he flirting with me?
Teka nga, kung makikipagkita sya sa Mommy ni Ziel.. ibig sabihin nasa pilipinas na ito!
"Teka.. makikipagkita ka diba.. so--"
"Yes, she is here now. After a year and more." Sambit niya na may lungkot ang mga mata.
"Are you okay? I mean, inantay mo ang araw na ito."
"Of course i am fine. Honestly, I don't know what to feel. Im mad at her but damnit she is the mother of my child I can't hate her."
I bit my lower lip. Wala akong masabi. Wala ako sa lugar para magkumento ng kahit ano. Pero ramdam kong mahal pa niya ito.
He smile weak. "I have to go now. Mamaya kukunin ko din si Ziel."
Agad akong umiling. "Huwag na, dito na sya matutulog." sabay ngiti.
"You sure? Baka mapuyat ka." He sounds concerned.
"Okay lang." sabay ngiti muli.
"You don't have a office tomorrow?" Nakakunot noo niyang sabi.
"Meron pero--" Ayoko lang sa office nakakastress ang makita sya. "Wala wala, oh sige na. Ako na bahala kay Ziel." Sabay ngiti ko ng matamis.
Ngumiti din sya. "I know you will take care of him very well." Sabay tingin sa anak. Nasa harap kami ng aking pintuan. Si ziel ay tahimik lang na nagmamasid sa kanyang ama.
Nakashort shorts lang ako at over size tshirt. Kahit kay Ron, hindi na ako nahihiya dahil madalas naman akong nakikitulog sa kanya. Kahit kailan hindi ako nakaramdam ng takot kay Ron. He never take advantaged on me. Minsan nga feeling ko hindi niya ako type.. pwe. Kasi para bang kapatid lang ang tingin niya sakin. Hindi ko naman sinasabing dapat maging type niya ako pero kasi.. para bang hindi sya attracted sa katulad ko.
YOU ARE READING
He's not my Gangster anymore
Narrativa generaleLove is Sacrifice. You can do all things even the hardest one to your love one. You can sacrifice your own happiness for him. To make him life become better, successful and contented. Pero sa kabila ng lahat, handa mong tiisin ang ginawa mong pagsas...