Chapter 2 - Cellphone

202 9 1
                                    

[ Krystel's POV ]

"Babs may good news ako"

Lei na kanina pa ako bwinibwisit.

di ko nalang pinansin,eh sa nakakainis ang pagmumukha niya.Tapos na pala kaming magpacheck ng attendance at kasalukuyang tinutulungan niya ako para makahanap ng part time job.Kung tatanungin niyo kung bakit ako naghahanap ng part time job?mahirap na kasi ang buhay ngayon.Lalo na kapag NAGIISA ka lang sa buhay.

Hindi naman ako totally nagiisa dahil may ate pa ako pero hindi ko alam kong saan nagpupunta.

At itong kasama ko.Wala ng ginawa kundi kulitin ako ng kulitin,mabuti pa sana kung tinutulungan niya ako.

"Ano na?gusto mong malaman?oh curious na yan"

tinignan ko na lang siya ng "tumigil ka hindi ako interesado" look.

Nako mapapatay ko na talaga to.

"Dali na masaya yon.haha siguradong ikatutuwa mo."

arrrgggg ! ang hirap naman nitong patigilin.Nakakairita pa naman ang boses,bwisit nakakainis talaga.

"Bahala ka kung ayaw mong pakinggan.Bye--"

akmang aalis na sana siya pero hinigit ko nga.

"At saan ka naman pupunta?"ako

"Paki mo?"aba,tinatarayan pa ako.

"Paki ko kamo?eh sa may paki ako kung aalis ka wala akong kasamang maghahanap ng trabaho.Okay?"

yan ang gusto ko kong minsang kasama ko siya,ang maki pag prangkahan at bangayan sa kanya.

"Hey,bitiwan mo nga ako.Eh sa ayaw mo akong pakinggan.Promise ikakatuwa mo yon"

"Parang awa mo na,ayaw mo talaga ako--"

"ayaw"

gagi talaga to,pano nila nagugustuhan ang isang gaya niya napaka arggghhh bwisit!

Kanina pa ako nagtitimpi sa kanya!

"SABI NANG H-I-N-D-I A-K-O I-N-T-E-R-E-S-A-D-O SA SASABIHIN MO EH.MAY SASABIHIN KA NA NAMAN NA AYAW KO?PARANG AWA MO NAMAN G-U-S-T-O K-O N-G M-A-P-A-Y-A-N-G B-U-H-A-Y"

Sobrang nagiinit na talaga ang ulo ko kaya napasigaw ako.Bago ko pa siya mapatay ako na ang nag walk out.Ayoko kong magkasala,magkikita lang din kami sa impyerno kaya ayoko.

Bago pa ako makalayo sa kanya,bigla nalang akong may nakabangga.Sobrang bilis nang pangyayari,akala ko may nabangga lang ako pero mukhang natalisod pa ako.

Napahiga ako dahil sa sobrang impact,tumatakbo kasi ako.Napahawak nalang ako sa paa ko,na sprain na ata.Masakit eh.

"TANGANG BABAE,TINGNAN MO NGANG GINAWA MO SA AKIN!!"

napatingin ako doon sa lalaking nagsalita.Natapon yung ice cream sa damit niya.

"Ah sorry"

"T@**i**,anong magagawa ng sorry mo?tingnan mo nga tong damit ko!!"

hihingi pa ulit sana ako ng sorry pero bigla niyang inilahad ang kamay niya.Hayyy akala ko masama siya,may kabutihan naman pala.Iniabot ko ang kamay ko sa kanya pero hindi ko akalain ang sumunod na nangyari.

"Tanga ka talaga no,yung cellphone mo sabi ko"

Hinila niya ako tas binitaw kaya natama ako doon sa nakakalat na malaking kahoy sa harap ko.Masakit nga ang pagkatama ko tas yong pagkatalisod ko kanina.

Pero ang mas hindi ko inakala ,noong dumating si Lei at biglang sinuntok yong lalaki.Pero nakabawi yung lalaki kaya naman nagsusuntukan na sila.Hay bakit ba bigla siyang umatake?

"Itigil niyo na nga yan" pero wahh epek.No choice kundi

"Babs masakit yong paa ko"

Talaga namang masakit na yung paa ko.

Tumigil siya sa pakikipagsuntukan at pumunta agad sa akin.

"are you okay?"

"tinatanong pa ba yan..Try mo kayang tingnan ang kalagayan ko"

Pangpraprangka ko ulit.

"eh sa ga--" Lei na susugod na naman sana pero piningilan ko

"Lei kasi okay na ako,yung ang ibig kong sabihin,bat ka ba sumusugod bigla?"

"Tanga kasi,pareho lang kayo"

Sa halip na si Lei ang sumagot,yung lalaking nakabangga ko ang sumagot.

"Anong sabi mo?"Lei na namumula dahil galit na din.

"Unang una tanga siya,pangalawa tanga parin siya.Pangatlo tanga siya"

Aba ! Ako ata ang ginagalit ng isang ito

"Kasalanan ko ba kung lampa siya?May pagka ambisyosa rin pala siya,inilahad ko lang ang kamay ko hahawakan na?alam kong gwapo ako pero di kita type."at ang yabang pa

"Gago ka pala.Ikaw ang ambisyoso,hindi ka din type ng girlfriend ko.Ulol na aso ka lang pare,at ang mga ulol na aso sobrang tayog ang pangarap.At alam mo ba ni isang pangarap walang natutupad?Kaya wag kang ambisyoso baka masaktan ka lang.Sa itsura mong yan gwapo na?eh mas gwapo pa ako sayo eh.Kung ayaw mo ulit masuntok magsorry ka"Lei

anong sabi niya? girlfriend?Psshh sanay na ako na sabihin niyang girlfriend niya ako.

"Ako bang tinatakot mong lampa ka?Tingnan mo ngang ginawa ng babaeng yan sa damit ko?At tingnan mo rin yang cellphone ko na inupuan ng tangang yan.Siya ang may atraso"

napatingin naman ako sa nakakalat na cellphone.Nabasag ang screen.Sayang mukhang bago pa naman.Pero naguilty tuloy ako,akong nakasira ng S5 niya.Lagot mahal kaya to at baka pabayaran niya sa akin.Hoho wala akong pero tas yung katumbas na presyo niyan,kaya ko nang mabuhay ng Limang buwan.

"G@** alam mong tumatakbo siya humarang ka sa daan?Tanga lang?Sinadya mo yon.Tas sinadya mo rin na bitawan siya"Lei

"At ako pa ngayon ang nanadya?Tanga ka talaga no?Mas pipiliin ko pa bang madumihan ang damit ko at masira ang Cellphone ko?kasalanan ng babaeng yan"Mukang kasalanan ko nga talaga.

"Kitang kita ko--"Lei

"Tama na nga yan Lei.Bakit ka ba nakikipag away sa kanya?Ako ang may kasalanan kong bakit nalagyan ng ice cream ang damit niya at nasira ang cellphone niya dahil nabangga ko siya.Bat ka ba nangingialam?problema ko to,tulungan mo na nga muna akong tumayo"

"Ah ganun?ikaw na nga tong pinagtatanggol sakin ka pa magagalit?galing mo rin ano?"

Ang sama na ng tingin niya sa akin.Kung nakakamatay lang ang tingin,siguradong paglalamayan na ako mamaya.

Tinulungan naman niya akong tumayo at nakaalalay lang siya sa akin dahil di ko na talaga kayang tumayo mag-isa

"Kuya sorry na.Di ko naman sinasadya eh sorry na talaga .So--"

napatigil ako nang inilahad na naman niya ang kamay niya

"ha?"ako na clueless

"Tanga na nga,slow pa.Palitan mo yong cellphone ko"yung lalaki

"N-naku kuya.He-he peace na tayo okay?sorry na ha?eh kasi--"
Pinutol na naman niya ang sasabihin ko.Mahilig sa putulan ng linya eh.

"kasi wala kang pampalit?Palitan mo yong cellphone ko ng cellphone mo"sabi niya

Agad agad ko namang binigay yung cellphone ko At umalis naman siya kaagad.

-------

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon