Isa lamang siyang taganood, isang kaibigan, isang tagahangang nagmamasid sa bawat kilos ng kanyang iniidolo. Alam niya ang paggalaw ng braso nito sa tuwing dumi-dribble ng bola, mga pagtanaw nito sa mga kasama kapag pumapasa, mga galaw ng mga daliri at kamay nito kapag umiiwas sa mga kalabang humaharang, ang pagtapak ng kanyang kanang paa, ang pagtulis ng mga labi nito kapag tumtira. Bawat kaliwat kanang areglo nito ay alam niya.Bakit ba hindi?
Simula yata noong unang nakita ni Andre si Vince ay hindi na niya mapigil ang sariling hindi ito titigan. Paano kasi matangkad ito, moreno man ay pantay ang kulay ng balat, palaging nakangiti, lumilipad-lipad ang unat nitong buhok sa tuwing tumatakbo ito sa loob ng court, at higit sa lahat, napakagwapo ng kanyang mukha.

BINABASA MO ANG
Mga Munting Paru-Paro | Rated SPG
Krótkie OpowiadaniaTAGALOG: Napakaikling kwento tungkol sa pagkakagusto sa kaparehong kasarian. BxB PARA LAMANG PO SA TAONG NAKAKAUNAWA AT NAKAKINTINDI NG MGA GANITONG URI NG DAMDAMIN AT PAKIKIPAGRELASYON.