Gabi na rin naman iyon at kakatapos lang nilang maghapunan kaya diretso sila sa tindahan sa tapat ng bahay nina Vince. Bumili sila ng isang litrong Emerador Light at juice kasama ang mga kagrupo ni Vince kanina gamit iyong napanalunan nila. Anim lang silang iinom kasama siya.
"Ma, dito lang po ako kina Vince." Sigaw niya.
"Basta huwag kang gagawa ng gulo diyan bata ka." Sagot naman ng mama niyang nakatanaw mula sa terrace ng bahay nila. Magkapitbahay lang sila. Tanging bakal na bakod lang ang pagitan ng mga bahay nila.
First year highschool yata siya noong lumipat ang pamilya nina Vince sa kanilang lugar. At ngayo'y nasa third year na sila, ah, hindi, grade nine na pala. Hapon iyon noong una niyang nasilayan ang kakaisigan ng binata. Nakatanghod lang siya sa terrace nila habang naglalaro naman si Vince ng bola sa harap ng bahay nila. Nagkangitian sila at kumaway ito sa kanya. Wala siyang nagawa kaya't kumaway na rin lang siya. Kinabahan siya, pero hindi niya alam kung bakit. Siguro excited lang siya, o di kaya'y nasobrahan lang sa tuwa dahil may gwapong batang pumansin sa kanya.

BINABASA MO ANG
Mga Munting Paru-Paro | Rated SPG
Short StoryTAGALOG: Napakaikling kwento tungkol sa pagkakagusto sa kaparehong kasarian. BxB PARA LAMANG PO SA TAONG NAKAKAUNAWA AT NAKAKINTINDI NG MGA GANITONG URI NG DAMDAMIN AT PAKIKIPAGRELASYON.