Chapter 24
Kung iniisip nyo na sobrang saya ko nung nagbreak sila, inaamin ko sa inyo OO. Wahahahahahaha! Ayoko namang maging plastic. Totoo naman na natuwa ako pero hindi naman yung sobra-sobra. Syempre nalungkot din ako, kahit naman papano bagay din naman si Frina at Ramon pero syempre mas bagay kami ni Frina :>
Isa pa, medyo ayoko rin nung nangyari kasi sobrang nalungkot si Frina after. Kung makaemtoe nga ilang araw pagtapos ng break up parang nakipagbreak na sa kanya ang pinakagwapong tao sa planeta. P!@#$% lang talaga. Di pa rin kaya nya nakikita na NANDITO AKO?
Oha. Nakacapslock pa yan!
Sobra-sobra talagang nabasag ang puso ni Frina dahil sa break up na yun. Pero dahil na rin dun, naging mas malapit kami. Lagi ko syang sinasamahan dahil alam ko kailangan nya nun. Baka kasi di na nya kayanin tapos bigla na lang nyang maisapang uminom ng muriatic acid sabay bigti sa puno na kasuy. Kawawa naman si Frina pag nagkataon.
Hindi ko nga sya iniwan :) Medyo hindi na sya malungkot nung mga sumunod pa na araw. Lagi kaming magkasama. Parang nabalik nung mga bata pa kami.
Hanggang magsimula yung enrolment sa pinapasukan naming university.
Pagala-gala ako kasi hinahanap ko si Patrick na classmate ko dahil nasa kanya raw yung classcard ko dun sa isa naming major subject nang makita ko si Frina na nakaupo sa hagdan ng College Building namin. Wow. Ano kayang ginagawa nya dito? Hinihintay nya kaya ako? O.o
Pupunta na sana ako sa kanya kaso nakita ko yung grupo nung Maraneta na naglalakad. Di ko alam kung pupunta kay Frina pero syempre, nagulat ako tumakbo na lang ako papunta kay Frina. Mamaya magbreakdown pa yun at the sight of the bamboo.
“Frina..” sabi ko tapos umupo agad ako sa tabi nya.
“Oh Blue! Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Frina sa akin na obviously, wala sa sarili.
Ngumiti na lang ako, “Journalism yung course ko di ba? Building kasi namin ‘to.”
“Ahh! Oo nga pala!” Bigla nyang naalala. “Sorry ha?” Sabi nya tapos biglang mapapatingin sya sa direksyon ni Ramon na kausap naman si Chelsea. Nasaktan si Frina don. Nakita ko sa mata nya. Kaya para din a madagdagan pa ang sakit..
“Frina! Tara punta tayo sa canteen. Treat kita.”
“Ha?” Tanong nya tapos linayo na ang tingin sa dalawa. “Sorry. Ano ulit yon?”
“Sabi ko punta tayo sa canteen..” Yaya ko.
Tumingin si Frina sa akin tapos napangiti. Minamanyak kaya ako neto? De joke lang! Hahahahaha
“Sige ba! Basta libre mo a?” Tanong nya sa akin.
Napangiti na rin lang ako, “Oo..”
Tapos sabay kaming naglakad palabas sa Masscom Bldg. Nganga si Ramon nung makita nya kami! Wahahahahahahaha xD Me is evil.
The next day..
Hindi ko pa rin nakikitta si Patrick meaning di ko pa rin nakukuha yung classcard ko.
Tapos magkasama na naman kami ni Frina sa canteen. Lunch time na nun e!
Nakapila na kami sa register para magbayad ng binili namin. Tapos may nareceive akong text na nasa Bldg daw namin si Patrick.
“Frina! Pupuntahan ko muna si Patrick. Sandali lang ‘to.” Paalam ko sa kanya.
“Ha? Oh sige!” Kinuha nya yung tray ng pagkain namin. “Ako na lang magdadala nito sa table natin”
“Slamat! Babalik rin ako agad.” Tapos nagmamamdali na akong pumunta kay Frina. Iniwan ko si Frina na mag-isa! Sana naman di nya maisipang saksakin ang sarili nya ng tinidor? Ay nako. Paranoid na ako.
Siguro effort na ako sa pagtakbo kaso
*BLAAAAAG!*
“Ay p&^%! Mag-ingat naman!” Sigaw sa akin nung babaeng nakabangga ko pagliko ko sa corner papuntang building namin.
“Wooow! Ayos ka rin ‘no? Kasalanan ko pa?” inis ko na tanong. Sinamaan nya ako ng tingin tapos umupo sya para kunin yung mga gamit nyang nagkalat.
Umupo na lang rin ako para tulungan sya kasi nga gentleman ako di ba?
“Wag na!” Bulyaw nya sa akin.
Ay tengene. May gana pa syang sumigaw.
“Edi wag!” Sigaw ko rin sa kanya. Hahahahaha. Tapos, iniwan ko na sya sabay pumunta kay Patrick para kunin ang classcard ko. Leche. Ang angas masyado. Panira ng tanghale!
Buti na lang nakita ko agad si Patrick bago pa ako makarating sa bldg namin! Sa wakas nakuha ko na classcard ko. 1.25? Di na masama. Pagkakuha ko, bumalik na ako kay Frina kaso nung papasok na ako sa canteen nakita ko naman na palabas sina Ramon. Leche. Isa pang panira ng araw.
Nagkita kaya sila ni Frina sa loob? Aynakooo. Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain. Daming panira e.
Pagdating ko sa table namin, makikita ko si Frina na nakatunganga na naman sa kawalan. Kawawa naman ‘to o.
“Frina, are you okay?” Tanong ko agad sa kanya.
“Ha?” Nagising naman sya agad. “Oo..”
“Nakita ko si Ramon sa labas kanina.” Sabi ko sa kanya. “Nagkita ba kayo?”
“Oo.”
“And then?” Pasensya na a? Masyadong mausisa e!
“Tapos nainlove na sa akin si Minho!” Ngumiti sya saka nagsimula nang kumain.
Si Minho talaga? Di pwedeng ako na lang? :|
“Kumain ka na nga, gutom lang yan!”
Pagtapos namin kumain, nagyaya na si Frina na umuwi. Paalis n asana kami nung may mapansin akong notebook sa upuan malapit sa table namin. Pamilyar yung notebook. Tapos ewan ba, bigla ko na lang kinuha. Dinala ko yun pauwi sa amin.
Pag uwi sa bahay.. Binuksan ko ang notebook.
Taena. Ang sarap itapon. Ang ganda ng writing e! hahahahahaha Pasensya naman. Pinagkaitan kasi ako sa kagandahan ng sulat kamay. Ay nakooo
Hindi ko na binasa-basa pa ang laman kasi baka isipin nyo chismoso ako masyado tapos tinatamad din kasi ako.
Nag-scan2x lang ako tapos nabwisit lang ako sa nakita ko. LEche. Kay Ramon ‘to e! Journal ata ‘to tapos ang daming tula saka drawing. Tapos yung drawing puro si Frina pa. Bakit ganito? Totoo nga kaya na may gusto na sya kay Frina? O.. Mali yung tanong ko e. mahal na nga kaya nya yung babaeng yon?
Nung hawak ko na yung notebook, isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Nasa kamay ko na ang nakasalalay kung magkakabalikan ba sila o kamina ni Frina until the end. Ano sa tingin nyo ang ginawa ko?
Sabihin nyo na na tanga ako kaso yon naman talaga ang totoo. Ito na nga siguro ang isa sa pinakatangang bagay na magagawa ng siang tao. Binigay ko kay Frina yung notebook.