Ang episode na ito ay Rated PG! Or SPG na ba? Hahaha Malay ko.
Year 2012 (PAST) - Part XI
Nagpatuloy si Edward sa pagiging ma-effort kay Maymay. Kung dati hanggang sakayan lang ng jeep hinahatid dahil hindi siya nagdadala ng sasakyan, ngayon hatid-sundo niya ito araw-araw. Sabay din lagi maglunch, kahit pag short break lang magkasama parin. Naging normal sakanila ang ganitong sistema kaya naman walang naiilang sa dalawa. Kadalasan din naman, kasama nila sila Marco at Vivoree.
Kung tutuusin, napaka-obvious na nitong si Edward sa feelings niya. Yun nga lang, humahanap siya ng tamang timing. Alam niya kasing hindi pa handa si Maymay. Si Maymay naman, ramdam naman ang mga pahiwatig ni Edward. Yun nga lang din, hindi siya makapaniwala dahil nga para sa kanya, eh hindi naman siya maganda. Tsaka, wala namang sinabi si Edward. Alam mo na, babae kasi, mapapaniwala mo lalo pag may kasamang mga salita. Sa lalaki naman, effort lang sapat na.
--
Napapadalas si Maymay sa Science Laboratory ng school dahil dun ang mini office ng club nila, kung saan president siya. At dahil last year na niya, sobrang nagiging busy nadin siya. Hindi na siya mabakante sa daming ginagawa. Pero si Edward, consistent. Kahit abutin pa ng gabi, inaantay niya ito.
--May meeting ang teachers ngayong araw kaya naman nag-iwan lang ng classroom activities para sa kanila. Hindi alam ni Edward kung bakit tahimik si Maymay ngayong araw na to kaya naman nangulit siya.
"Hey. You look sad. I'm not really used to it. May I know why?"
"Ahh. Wala, nastress lang siguro ba. Dami kong kailangan gawin eh."
"I can help you out, just allow me to."
"Naku, hindi na. Trabaho ko yun."
"I understand. But can I ask for one thing?"
"Ano yun?"
"Can you smile for me?"
Napangiti naman si Maymay sa simpleng sinabi niyang ito. At dahil nga arm chairs ang upuan nila, may butas ito sa gilid. Nagtetext si Maymay sa ilalim ng table niya, nang nagulat siya sa ginawa ni Edward.
Hinila ni Edward ang kanang kamay niya mula sa may butas sa gilid ng upuan. Dahil sa kanan niya si Edward nakaupo, natatakpan ng table niya ang mga kamay nila, kung baga sila lang nakakakita. Isa pa, dahil sila ang pinakamatangkad na dalawa, nasa pinakalikod ang upuan nila. Hindi din naman pansin ni Marco dahil busy siya kay Vivoree.
"Hala. Edward? Ano to?"
"Nothing. Just keeping you company."
"Bakit kailangan--"
Hindi na nakapagsalita si Maymay dahil nung hinila niya para tanggalin ang kamay niya, mas lalo pang hinigpitan ni Edward ang hawak nito.
"Just for now, okay?"
"Anong trip nanaman to? Kaloka."
"Just let me hold your hand until break, please? Just wanna let you know I'm here for you."
Unti-unting binuksan ni Edward ang palad ni Maymay at ininterlock niya ang kamay niya dito. Nagulat siya, dahil hindi niya inaasahang aayon si Maymay dito. Ang higpit ng kapit nilang dalawa sa kamay ng isa't isa.
Hindi mapigilan ni Edward ang kilig at napapangiti ito. Hindi sila nag-uusap pero alam niyang sa paghawak ng kamay nilang yun, maaaring nagkakaintindihan na sila. At hindi lang nung araw na iyon natapos ang ganung eksena, dahil naulit-ulit pa. Hindi na tumatanggi si Maymay kapag nakikipagholding hands sakanya si Edward.
"Ano nga ba kami? Ang landi ko na ba?"
Kinakausap ni Maymay ang sarili niya dahil hindi siya makatulog kakaisip kay Edward at ang mga simpleng galaw nitong pinahihintulutan niya.
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanficSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕