Claire's POV
I'm on my way to the gym for my pe class. Nauna na yung mga classmates ko dun kasi dumaan pa ko sa restroom para mag-apply ng powder and lip gloss.
Today, is my 2nd month here in this school. Bilis no? Well, wala parin namang nagbago. Araw-araw pa rin naman akong buryo dito sa mga classmates kong mga alien.
Sa loob ng 2 months na Yun ay napakarami nang nangyari. Isa na dun ay ang patuloy na pangungulit ni Elijah sakin, pero infairness di ako masyadong nao-op sa school na to dahil sakanya. Pano ba naman eh kulang nalang ay magkapalit na kami ng mukha dahil lagi siyang nakabuntot sakin.
Nakakaasiwa siya, and I mean it. Pero di ko namamalayan na nagiging close na rin pala ko sakanya. Kaya ayun sa pagtagal, nasanay na rin ako sa presensya niya, or should I say.. 'nila'.
Why? Eh kadalasan kasi kasama niya si Matthew, Asher at Caleb eh.
And to tell you honestly, si Elijah talaga ang pinakamakulit sakanila.
Si Matthew naman ang pinaka..
matakaw? Haha. Last last week kasi ay nakasabay ko siya sa pagbili sa canteen and guess what? 3 large fries, 2soda, 2boxes of donut, and 3 pcs. of chicken lang naman ang order niya. Akala ko nga eh may ka-share siya dun pero sabi niya kayang lunch lang daw yun. Pero infairness, di siya tumataba. Sakto lang para sa age niya ang katawan niya. Kaya nga madaming nagkakandarapa sakanya eh.Si Caleb naman ang pinakamaingay. Siya talaga yung taong Hindi nauubusan ng kwento. Kulang nalang pati talambuhay ni Albert Einstein ikwento niya na sakin eh.
And, oh well, si Asher naman ang pinaka... you know.. slow. As in talagang slow. Yung kunwari may sinabi ka, hintayin mo muna ang 10 mins bago mo itanong kung nagets ka ba niya -.-
But you know, I still feel thankful because of them. They make me enjoy my life here in this school kahit na namimiss ko na ang best friend ko.
*kring* *kring*
Speaking of...
"Ash?" Bati ko sa kabilang linya.
"Err. Claire! Naiwan mo yung iPad mo dito sa bahay. Can I borrow it? May ichachat lang ako?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Wala ba siyang phone? Nasan na ang gadgets niya? Impossible naman atang sira lahat?
"Why?" May curiosity na tanong ko.
"Ah eh.. Basta! Dali na please?" Now I'm getting suspicious.
Wait... Is she...?
"Ashley are you grounded!?" Pasigaw na tanong ko sakanya.
Mahabang katahimikan ang namutawi pagtapos kong magtanong.
"What the hell did you do now?" Seryoso ko pang tanong.
Both of our parents work abroad pero marami parin naman nakabantay samin para alam nila kung Anong pinaggagagawa namin. And knowing tito Patrick and tita Cath, Hindi nila basta-basta ginaground si ashley hanggat di siya nakakagawa ng sobrang mabigat na bagay.
I heard her sigh over the phone at ilang sandali lang ay humihikbi na.
"H-he b-broke up with me.." Utal na sabi niya.
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Liam loves her so much! Bakit naman iyon makikipagbreak sakanya?
Nagtataka man ay nangibabaw parin sakin ang pag-aalala para sa best friend ko.
"Everything's gonna be alright, Ash. 2 subjects nalang and uwian na namin. I'll be there. Wait for me. Don't touch my laptop first!" Sabi ko sakanya. Panigurado kasing si liam na naman ang ichachat niyan. I don't want her to beg for Liam's love! Kung ayaw na sakanya, then fine! Makakahanap pa siya ng higit pa Kay liam. Hindi siya kawalan, no.
"O-ok. Ingat." Humihikbi paring sabi niya.
"You take care." At binaba ko na ang linya.
Nagdiretso na ako sa paglalakad ng biglang may namataan akong isang lalaking nandun sa ilalim ng puno, nakahiga.. Parang patay?
Bigla akong kinilabutan. Di ko na Sana papansinin, pero dun yung daanan papuntang gym eh! Wala bang ibang nakakita dito? Shizz. Natatakot ako pero di ko naman pwedeng basta nalang to iwan dito no! Di naman ako ganon kasama!
Malapit na malapit na ako dun sa lalaki ng biglang--
*plak*
"Aray!" Daing ko. Huhuhu ang sakit ng paa ko! Na-sprain na ata! Lecheng sanga to, di man lang nagsabi na nandyan siya napatid tuloy ako.
Pero... bakit parang ang lambot naman nitong binagsakan ko? Sadyang yung paa ko lang talaga ang masakit? Di ba dapat pati buong katawan ko?
Nag-anagat ako ng tingin at..
"What the hell are you doing?" Isang malamig na mata ang nakatuon saakin ngayon.
Siya pala yung lalaking nakahiga dito? Aish! Bat ba di ko manlang namukhaan! Magdidiwang na Sana ako at patay na siya kung nalaman ko lang ng maaga eh.. pero diba.. n-nagsalita siya?
WAAAAAAH! Zombie na ba siya? Nagambala ko ba ang kaluluwa niya dahil nadaganan ko siya? Waaah sorry na, sorry! Takot ako sa mumu huhu.
"Wala ka ba talagang balak umalis sa ibabaw ko?" Huhu ayan na nagsasalita talaga siya. At ano bang sinasabi niyang umalis sa ibabaw niya.. Sino ba kasing kausap niya--
Oh.
Dali-dali akong tumayo at nagsign of the cross sa harap niya.
"Waaaah. Sorry na! Sorry na kung nagambala kita! Tutulungan dapat kitang dahil sa hospital eh! Ayoko na waaaah takot ako sa mumu."
"What the fuck? Mumu? What mumu?" Huhu kakuluwa na nageeenglish pa, sosyalin.
"Mumu as in ghost, spirit, awoo?" Explain ko sakanya.
"Lunatic." Inirapan niya ako.
"Aba hoy ikaw! Wag mo kong iirapan! Walang pwedeng umirap sakin ng ganyan. At bakit ka ba umiirap, are you gay? "
"At Yun pa talaga ang ikinagalit mo imbes na ang pagtawag ko sayo ng lunatic? I let that damn chair issue pass and then you're here. Gumagawa ka na naman ng gulo. Do you really want a fight huh? Papansin ka ba? Kita mong may natutulog dito eh. Manyak kang babae ka no? May gusto ka sakin no? Oh well, hindi na nakapagtataka. But sorry miss, you're not my type. Dyan ka na nga. You're ruining my mood." Saglit naman akong napatanga dun. Aba first time Yun ha? Ang haba ng sinabi niya! Wow, improving! Bravo! Bravo!
At Hala? Natutulog lang pala siya? Omg pahiya ako dun ah. Ang anlakas naman kasi ng trip niya at dun pa siya sa ilalim ng puno na tulog at mukha pa siyang hindi humihinga!
Pero wait, ano daw? Ako? May gusto sakanya? Argh. This man is so full of himself!
Hahakbang na Sana ako para habulin siya at talakan siya pero...
"AW!" Shit. Shit. Shit. Bigla akong napabagsak sa sahig. Bumalik na naman yung sakit ng paa ko dahil sa pagkakatalisod ko kanina, and this time the pain is freaking unbearable!
Sa sobrang sakit di ko na namalayan na sunod-sunod na pala ang tulo ng luha ko.
Ang sakit shit! Feeling ko pinuputulan ako ng paa.
I heard somebody groaned. Kaya napaangat ako ng tingin habang puno parin ng luha ang mga mata.
Huminga siya ng malalim at talaga naman nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
This guy who has a cold pair of eyes, cold-personality and probably the rudest and heartless person I've ever met , carried me in a bridal style while wiping my tears away.
"Stop crying. You look like an idiot. Baka akalain nila ginahasa kita. " Sabi niya gamit ang napakalamig niyang Boses.
Bahagya naman akong napatawa sa sinabi niya.
This guy seriously has an attitude problem. One minute he's cold, then caring, then cold again.
BINABASA MO ANG
Never Enough
Teen Fiction"For the first time in my life, I've chose to risk my everything just to give you my all and that's what I regret the most Why do you always make me feel like I was never enough?"