Chapter 13: Teddy bear

39 0 0
                                    

Chapter 13: Teddy bear

---Adrian’s P.O.V.---

Pag-alis ni Mau, kaming dalawa nalang ni Louie ang natira kaya nag-usap nlang muna kami.

“Siya ba yung sinasabi moh Adrian?”

“Yep. Ok lang siya di ba?”

“Mas maganda pa si Angela sa kanya.”

Sumama loob ko sa sinabi niyang yun.

“Stop comparing them. They’re both different from each.”

“Sa bagay. Hindi naman importante ang pisikal na anyo kung love na ang pag-uusapan.”

Bigla siyang humalakhak pagkatapos niyang magsalita. Loko tong taong toh! Palibahasa walang alam sa LOVE. Lahat lang naman sa kanya laro eh!

“Anyways, ano ba magandang birthday gift? Balak ko sana siyang bigyan sa birthday niya. Alam ko naman magaling ka sa mga ganyang bagay.”

“Alam mo dude, kung girlfriend ko ang may birthday, isa lang binibigay ko sa kanilang gift….” (^__+)

“Ano nga?”

“Ang maganda kong katawan….. hahahhahah!!” ヾ(^

^)ツ

“ULOL! Oh siya! Ako na nga lang mag-iisip ng magandang regalo. Balak ko pa sanang humingi ng basbas mula sa parents niya. Di ba mas maganda kung magpapaalam muna sa parents niya na liligawan ko anak nila.”

“Paano mo naman yun gagawin? At, papayagan ka kaya?”

“Paano ko masasagot tanong mo kung hindi ko gagawin di ba? Marami akong plano eh. Gusto kong pormal na manligaw sa birthday niya. Kahit sa harap ng parents niya gagawin ko. Kahit maghintay pa ako ng matagal bago matanggap ang matamis niyang oo gagawin ko.”

Tumahimik bigla si Louie at naging seryoso ang mukha.

“Hey dude! What’s up? Tumahimik ka bigla? May naisip ka na bang magandang pang-regalo na magugustuhan ni Mau?”

“….Isa lang…. isa lang ang gusto niyang matanggap na gift sa buong buhay niya.”

“Ha? Eh ano?” (σ __σ)

“Teddy bear ang gusto ni Mau, Adrian. Yun ang ibibigay mo sa kanya.”

“OO nga noh? Mahilig sa teddy bear ang mga babae. Yun nalang ibibigay ko. Tnx bro huh.” (^__^)

Basta pagdating sa mga ganitong bagay, magaling talaga tong ungok na toh!

“Maswerte ka sa kanya bro.”

Tumayo na siya sa kinauupuan niya at umalis.

Loko tong batang toh! Umalis nalang bigla ng walang imik. Anong problema nun? Baka natatae lang. haha!

Destiny or a ChoiceWhere stories live. Discover now