Sweetsadgirl: Who's Klaus. Blues Clues ba ito??? Hahaha sorry nang istorbo lang. Sige na. Hindi na po ako mangugulo. >_>
Klaus' POV
May pasok ako ngayon araw pero hindi na lang ako papasok since may meeting daw kami. I was told that I really need to attend since ipapakilala mamaya ang mga bagong employees. Naghanap ako ng formal na masusuot ko. Ang tagal tagal na rin siguro simula nung huli kong pag-attend sa mga meeting nila. Buti na lang pala meron akong nadala dito na formal attire.
Pagkatapos kong suotin yung damit ay tinignan ko sarili ko sa salamin. I could see my father as I look into the mirror. Hawig na hawig ko talaga si Papa at marami rin ang nagsasabi nun sa akin.
"I Miss you Pa." sabi ko habang nakatingin parin sa salamin. Siya ang nakikita ko sa salamin, hindi yung sarili ko.
Biglang tumunog yung phone ko. May nagtext sa akin.
"Good morning po Sir Klaus. 10 AM sharp po ang meeting dun po sa Marpol Co. gaganapin ang meeting." pagbasa ko sa text.
"Antagal na rin akong hindi nakakapunta dun ah. Ano na kayang itsura ng companya? Malamang madaming binago si Mama dun. Tss."
Lumabas na ako ng kwarto ko.
"San punta mo? Pupunta ka sa school ng nakaganyan?" tanong ni Hana.
"Sa meeting." sagot ko saka bumaba para kumain.
Ayaw ko namang pumunta dun na walang kain tsaka ayaw kong hindi matikman ang luto ni Mint.
"Oo nga pala. Kamusta na si Mint. Nandito pa ba siya?" tanong ko.
"Kanina pa yun siya umalis. Meron ata silang OJT ngayon. Ewan ko lang." sabi ni Hana.
"Ahh. Sino nagluto ng ulam?" tanong ko. "Akoo~" biglang lumabas si Charmaine galing sa kusina. Nakasuot siya ng apron tapos nakatali pa ang buhok niya. What's with her??
"Kain ka muna Klaus bago ka umalis." sabi niya. "Oh? Bakit ayos na ayos ka ngayon? San lakad mo? Pupunta kang school na nakaganyan?" tanong ni Charmaine.
"Hindi. May family business lang na kelangan puntahan." sabi ko habang paupo na ako.
"Ahh. Kain na. Tikman mo niluto ko." sabi ni Charmaine habang nakatayo sa gilid ko.
"Ikaw Hana? Sabay na tayo." pagyaya ko. "Hindi na. Sa school na ako kakain." sabi ni Hana tsaka tinignan si Charmaine bago umakyat sa taas. "Pssh. Bahala ka. Ibig sabihin mas marami para sa amin ni Klaushie~" sabi ni Charmaine saka tumabi sa akin. May advantage rin pala kung babae mga kasama mo. Hahahaha hindi ko na kelangan magluto tapos nakaready na rin agad ang lamesa.
Tinikman ko luto ni Charmaine...
*cough cough*
"Oh! Okay ka lang? Eto tubig oh." inabutan ako ni Charmaine ng baso saka niya nilagyan ng tubig. Agad akong uminom ng tubig.
"Salamat." sabi ko.
Ngayon alam ko na kung bakit ayaw kumain ni Hana. Hindi ko maintindihan ang lasa ng niluto ni Charmaine.
"Ano ba lasa? Okay lang ba?" tanong ni Charmaine. Nginitian ko na lang siya. I don't want to be rude sa kanya since nagpakahirap pa siyang magluto.
"Masarap ba?" tanong niya uli. Bigla namang nagring ang phone ko.
"Hello?" pagsagot ko sa tawag.
BINABASA MO ANG
3 Girls, 1 Boy in a house
RomanceAnong manyayare kung nag-iisang lalake lang si Klaus sa kanyang tinitirahan na bahay? Magkakaaway-away ba sila o merong mabubuong isang bagong pagkakaibigan? Alamin natin ang kwentong puno ng romance at kaweirdohan. Subaybayan ang kwento ng buhay n...