A/N: DI KO AKALAIN NA 5K READS NA 'TOH???? HHAAHAHHA SO AYUN HAPPY 5K READS ATSAKA #109 IN HUMOR AS OF MAY 8, 2017 <3 <3 maharr na maharr ko kayoooo.
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
SinB's POV
//Five months later (January 2017)
"Ano, Eunbi, kelan ka babalik dun?"
Pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok ko, "Bukas din, appa," sagot ko.
"Kararating mo lang, aalis ka na agad?" tanong ni eomma at nilagyan ng tea yung cup ko.
"Malapit na kasi kami mag-comeback eh, kaya magiging busy na," binitawan ko yung blonde strand ng buhok ko at kinuha yung coffee cup.
"Palagi ka namang busy eh," naka-ngiwing sambit ni oppa at humigop ng tea.
"Eh busy naman talaga"
"Dapat mas maaga ka pumunta, diba yung last na award show niyo last week pa?" tanong nanaman ni appa.
"Kasi appa andaming inaasikaso sa company, may magde-debut na bagong boy group sa Source Music eh, atsaka nagkakaron pa ng last minute adjustments atsaka---"
"Oh, tama na, sige na, oo na busy ka na," pagpigil sakin ni eomma habang umiiling.
Tinikom ko na ang bibig ko at hindi na ulit nag-salita kaya binalot kami ng katahimikan.
Nasa garden kami ng bahay namin sa Busan, dinalaw ko sila bago kami mag-comeback dahil hindi ako nakauwi nung holidays.
First week na ng January at sobrang pagod ako nang dahil sa events pero pinilit ko pa ding pumunta dito para naman makita sila dahil nung huling nag-kita kami... Nung huling nag-kita kami...
Aish.
Pinasadahan ko ulit ng kamay ang buhok ko at napatingin dun sa tatlo, lahat sila naka-tingin lang sakin na parang napaka-weird ko. Siguro nga ang weird ko ngayon.
Kinuha ko yung cup at di sila pinansin.
"Kamusta na si Jungkook?"
The cup stopped in midair. Para akong nabato sa kinauupuan ko. Halos pati pag-hinga ko tumigil na.
Kelan ba nung huli kong narinig ang pangalan niya na hindi sa speaker galing?
Ilang segundo pa ang lumipas bago ko nakayanang ma-compose ang sarili ko at gumalaw ulit.
I just shrugged bilang sagot sa tanong ni eomma.
"Mahal mo pa?" tanong ni oppa.
Kahit na expected ko na simula na 'to ng usapan about sakaniya, hindi ko pa din mapigilang mabigla at matigilan.
Hindi ako nag-salita at tinrace lang yung rim ng cup sa table.
"Tapos na kami," mahinang sabi ko. Kahit na yun naman ang tamang sagot, it tastes wrong in my mouth. Na para bang ipinilit lang sakin.
"Pero mahal mo ba?"
"Eomma," sambit ko lang para mag-silbing warning na ayaw kong pag-usapan.
Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko na kanina pa paikot ikot sa rim ng cup.
Gamit ang isa niyang kamay, she lifted my face para magkatinginan kami.
Nang mag-tama ang tingin namin, all I see is concern.
"Ang sinasabi ko lang naman, Eunbi, if you love him---if you truly love him, fight for him," mahinang sabi niya.
BINABASA MO ANG
"I Do" [finished]
HumorDalawang idol na galing sa dalawang magaling na kpop group. Dalawang idol na ubod ng galing. Kanta? Check. Sayaw? Check na check. Visual? Mas lalong check. Paano kapag malaman nila na ikakasal silang dalawa? Dalawang golden idols... getting married...