AN: Yuli is real❤❤ Kwon Yu Li po ang real niya. And smh, I think, may hawig siya kay Jiyong.
**
Jiyong's POV
"No, Daddyyy...ehh!"
"Wait, bab--Yu-YULI!!" Napatakbo ako papalapit kay Yuli at kinalga siya.
Nasa bahay lang naman kami. Ito yung bahay na pinagawa namin ni Chae last 4 months. Nasa may pool area kami at si Yuli, nagpupumilit na magswimming daw siya.
Nagsimula na namang magmaktol nang makuha ko ulit siya. "We'll wait for Mommy first.." Sabi ko kaso walang epekto at nagpupumilit pa rin siyang bumaba mula sa pagkakalga ko sa kanya.
"But..but Daddy! I want to go swimming na!" Sabi ni Yuli habang hinihila-hila pa ang suot kong tshirt.
"Wa--"
"Oppa!" Natigilan kami pareho ni Yuli. Binaba ko na lang siya at hinayaang tumakbo papunta kay Chae.
"Mommy, I want to swim na! But, Daddy didn't make payag pa!" Dinig kong sumbong ni Yuli sa mommy niya. Aish~ bakit ba naging ganyan magsalita ang anak ko?
"It's okay. Don't cry, just go to Tita Jennie first, she'll accompany you.." Ngumiti naman si Yuli at tumakbo papunta kay Jennie.
"Tita Jen-Jen!"
"Waaa!! Yuli~"
Natawa na lang ako nang makita kong magyakapan yung dalawa. Sobrang close nila, minsan nga naiisip ko, mas close pa yata yung anak ko kay Jennie kaysa sa amin ni Chaerin.
"Oppa," napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. "Pinahirapan ka na naman ni Yuli 'no?" Natatawa niyang tanong sa akin.
Napasimangot na lang ako. Tss. Totoo naman kasi, hindi ko talaga kayang pasunurin si Yuli. Si Chaerin lang ang sinusunod niya sa aming dalawa. "Yah! Don't pout!" Sabi ni Chaerin at pinisil-pisil pa ang pisngi ko.
"Nakyukyutan ka na naman sa akin--ahh! Aish, Chaerin!" Tuluyan na niyang kinurot-kurot ang pisngi ko.
"Hey, akala ko ba bagong polish lang yang kuko mo?" Tanong ko kaya naman napatigil siya. Tinignan pa niya ang mga kuko niya at sumimangot.
"Ang pangit mo kasi, Oppa eh! Ayan tuloy.." Sabi niya at nagwalk out.
Oh teka! Ano na namang ginawa ko doon at nagkaganoon yun?
Ang hirap talagang intindihin ng mga babae...
*phone rings*
Taeyang calling..
"Hello?" Sagot ko sa tawag.
[Nakapagpaalam ka na ba, sa mag-ina mo? Pfftt... Haha!]
Tinignan ko si Chaerin na tinuturuang lumangoy si Yuli. They look so happy..
"Tantanan mo ako, Taeyang."
[Ikaw ang magtigil, sabihin mo na sa kanila. May isang linggo k--]
Binaba ko na ang tawag at naglakad papunta kina Chae at Yuli.
Chaerin's POV
"Baby, let's go inside na?" Tinawag ko na si Yuli. Kanina ko pa kasi napapansin na di mapakali tong si Oppa. Mabuti nang pumasok muna kami sa loob.
Nang makapasok kami sa loob, pinaliguan ko muna si Yuli.
"Jennie, aalis ka na agad? Dito ka na kumain." Sabi ko kay Jennie, nag-aayos na kasi siya ng mga gamit niya.
"Hindi na, Unnie. Katatawag lang sa akin ng secretary ko, nagkakagulo na naman yata sila sa opisina." Sabi niya.
Tumango naman ako, "Sige, ingat ka ah?" Ngumiti lang siya at humalik sa pisngi ni Yuli bago umalis.
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanficName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)