Chapter 4

973 32 5
                                    

(A-Ches' P.O.V.)

/after three years/

Sa loob ng tatlong taon, ngayong importanteng araw ko pa ata mararanasang malate sa trabaho ko...

"Asaan na ba yung sapatos ko!?" Lumabas ako para hanapin ang sapatos ko

"Cheon Sa!!!" Tawag ko sa kapatid ko

"Ate, kumain ka kaya muna?" Sabi niya

"Ikaw kaya ang kainin ko? Male late na ako, nasaan na yung sapatos ko?" Patanong kong sagot

"Hindi ko alam! Sayo yan eh," sagot niya at nahanap ko na ang sapatos ko at dumiretso sa kotse

"Asar, aish, Cheon Sa! Yung susi nga!" Nakalimutan ko pa!

Nang maiabot sa akin ay agad akong nagmaneho

"Haaaaay," Buntung hininga ko at biglang naalala ang lahat

/Flashback/

"Ate, sige na please! Kailangan ko ng clinic, pangarap ko yun eh ate please, natapos ko na ang ten years ate please!" Pakiusap ni Cheon Sa

Sya rin naman ang dahilan kung bakit ako nagtatrabaho, para matulungan sya sa pag aaral, at ngayon nga, nagtapos na sya...

"Maghanap ka muna ng mapapagkitaan mo," sabi ko

"Ayoko ate, ito lang ang gusto ko," pilit niya at wala akong ibang magawa kung hindi ang mapahawak sa nakakunot ko nang noo

📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂📂

"Ano!?" Gulat na tanong ni TaeHyung

"Ayaw niyang makinig sa akin eh," sabi ko

"Baliw iyang kapatid mo!" Sabi niya, parang sya hindi eh...

"Dali na TaeHyung, tulungan mo lang ako, may kakaunti na ako at unti lang rin naman ang kulang," sabi ko

"Pero bes, milyon pa rin iyon,.. Sigurado ka? Hindi sa ayaw kitang pahiramin, mag do doble kayod ka nanaman," sabi niya

"Oo sigurado ako, kung paano mo pinapahalagahan si Sanyel, ganun rin naman ako sa kapatid ko," pakiusap ko

Nakita kong nag dadalawang isip pa siya pero mukhang naiintindihan niya naman ako

"Sige na nga," sabi niya

"Yes!" Sabi ko

"Basta ba habang binabayaran mo ako, sa MY Company ka lang magtatrabaho, walang lipat lipat! Tutulungan mo akong alagaan si Sanyel," sabi niya bilang kapalit

"Ano?" Masaya na malungkot kong tanong

"Please~," nakangiti at pacute niyang pakiusap, nakakaloka yung ngiti, kung hindi ko lang ito bestfriend naku!

"Matutulungan rin sya ni Cheon Sa," sabi ko at inabot ang kamay ko

"Deal," sabay naming sabi

/End Of Flashback

"Shocks!" Nabalik ako sa katotohanan nang biglang huminto ang sasakyan ko, aish! Mukhang nasiraan pa ako!

"Ayyy! Tanga!" Pinukpok ko ang sarili ko sa gigil dahil hindi pala ako nakapagpagasolina sa pagmamadali

Tumingin ako sa labas at nakikita ko naman na ang kompanya, ilang tawid nalang, sana abutan ko sa minuto...

"Aabot pa siguro ako," be optimistic!

Habang naglalakad ay tinawagan ko kaagad si Cheon Sa para kunin ang kotse

"Oo, basta pumunta ka na!" Utos ko at binaba ang tawag

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon