Wendyl's PoV
Natapos na ang mga parusa na ibinigay sa aming dalawa ni Al, Pumayag din si Ate Kath sa mga plano ko pero kapag nagkagipitan daw wala syang magagawa kundi ang tama. Tss... Mas mahalaga talaga sa kanya ang kanyang pwesto kaysa sa kanyang kapamilya.
Malapit na ang Intramurals kaya heto nanaman kami sa Field. Laking pasasalamat ko na lang at wala yung hinayupak na Hayme na yun. Maski ba teacher sya dito, hindi ko hahayaang masaktan si Ro.
Maalala ko lang, may panaginip ako e. Sina Al at Rhianna na daw. It Happeneds like this.
*Dream*
Matapos daw kaming parusahan ni Ate Kath kumain muna kami ni Al sa Canteen. Nagyaya sya e. Tapos noong oorder na ako, hinikit nya ako sa upuan at may hinihintay daw sya. Matapos ng ilang minuto may tumabi sa kanya. Si Rhianna. Iniabot nya agad kay Al ang isang Lunch box at pagkatapos ay nagsimulang kumain. Aalma na sana ako kung nasaan ang pagkain ko pero may isang lunch box sa harapan ko at lumingon ako sa kanan ko para malaman kung sino ang may bigay noon.
Si Ro.
Patuloy sya sa pagsubo at hindi ako pinapansin. Binuksan ko ang Lunch box at nakita kong may laman itong, hotdog na ginawang parang octopus tapos may itlog din na parang ginulo-gulo lang ang luto. Tss.. para namang may lason itong kakainin ko. Pero dahil si Ro ang nagprepare, may lason man o wala, lalamunin ko ito.
Eto na, ang unag subo.
Nguya, Nguya, Lunok
Subo, nguya, nguya, lunok
Anak ng tokwat baboy na may bangs! ang sarap!
Subo, nguya, nguya, lunok
Subo, nguya, nguya, lunok
Subo, nguya, nguya, lunok
"Oh, Dahan-dahan naman Wends" komento ng magaling na si Aldrin. Di ko sya pnakinggan hanggang sa nabulunan na nga ako.
Uminom ako ng tubig at nakabawi na ako ng hininga. Haitz. Buti na lang naikuha agad ako ni Ro ng tubig. Ang bait nya ngayon sa akin ah. Lumingon ako sa kanya at nakita kong galit ang mukha nya.
"Pwede bang magdahan-dahan ka. Hindi naman dapat madaliin ang pagkain." Inis na talaga sya. Siguro dahil sa hindi ko ninanamnam ang gawa nya. Siguro ipapatikim lang nya talaga iyon at hindi ipapakain sa kin.
"Wends, Alam mo bang kami na ni Rhianna." Masiglang singit ni Al sa amin ni Ro. Pareho naman kaming nanlaki ang mata ni Ro at napaangat sa upuan.
Nakahawak ang mga kamay namin sa dulo ng lamesa at hatang nabigla sa mga binitawang salita ng kaibigan ko. Nagkatinginan muna kami ni Ro bago sya magsalita.
"Kailan pa?" simpleng tanong nya na masaya namang sinagot ni Rhianna.
"Nung isang araw.(^_^)"
"WHAT?!" sabay naming naisigaw. Nakatinginan muli kami tapos tumingin ako kay Aldrin at sya naman kay Rhianna.
"Wends naman, release me na kasi. I love her and she loves me. Your just using lang me naman di ba girl. And you tell me that if she accept me then we're through." Sh*T an nanaman ba itong pinagsasabi nitong mokong na'to.
"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko at lumabas na ako ng Canteen. Di ko talaga maintindihan ang isang 'yun. Parang bakla pero masaya naman ako na naging sila na ni Rhianna. Matagal na nyang pangarap yun e.
"Umilag ka!" rinig kong sabi sa taas lumingon ako pataas at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Tapos na ata ang panaginip noon at nakita ko na lang si Ro na patakbo sa akin.
BINABASA MO ANG
Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)
JugendliteraturSi Wendyl isang lalaki na gagawing ang lahat makita lang muling tumakbo ang babaeng sobra nyang minamahal. Ika nga mga sinaunang mangingibig. "Gagawin ko ang lahat masunod ka lamang." Kaya naman sumunod nga si Wendyl. Sa pambabae nga lang na Eskwela...