KRYSTAL’S POV
Hay. Unang araw ng pasukan ngayon. Nakakatamad.
Nandito na ako sa school pero nagdadalawang-isip pa rin ako kung papasok na ba ako o hindi muna. Hindi pa kasi ako handa, eh.
Teka, ano nga bang kinakatakutan ko? As if naman hindi pa ako sanay.
Oh, hindi pa nga pala ako nagpapakilala, 'no? Ako nga pala si Krystal Aquella. Freshman student ako sa Seiran University. Private school itong school na papasukan ko.
Actually, ayaw ko naman talagang pumasok dito sa SU, eh. Sila Mama lang ang makulit. Dito kasi nag-aaral ang older sister ko na si Jessica. Psh. Eh, yun nga yung dahilan kung bakit ayaw ko dito, eh. Kasi nandito siya.
Uy, don’t get me wrong. I love my sister. Kaya lang, sa tuwing nalalaman ng ibang tao na magkapatid kami, lagi nalang akong kinukumpara sa ate Jessica ko. At iyon ang pinakaayaw ko, ang makompara sa kanya.
Kung ide-describe ko si ate Jessica, ito lang ang masasabi ko--à P-E-R-F-E-C-T.
Oo, siya na yata yung ideal girl ng lahat ng lalaki. Maganda, sexy, matalino, sporty at magaling makisama.
Samantalang ako?
Loner, maganda rin naman pero ibang level pa rin siya, mas gusto kong magbasa kaysa maglaro ng sports at mahihiya ang poste sa shape ng katawan ko.
Masyado ba akong nagse-self-pity? Naah. Hindi ko ugaling mag-self-pity. Pero ugali kong maging honest at prangka. Hindi ako ang tipo ng taong magsasabi ng maganda para lang i-please ang iba. Sinasabi ko kung ano talaga ang totoo.
Honesto, pramis.
BOGSH!
“Aray! Lintek! Ano ba 'yan!” Tsk. Ano ba 'yung tumama sakin?
Nilibot ko ang tingin ko saka ko nalamang bola pa pala yun ng basketball. Tsss. Paano nagkaroon ng bola ng basketball dito, eh, ang layo ko kaya sa gym! Nasa hallway kaya ako!
“Miss, sorry! Okay ka lang?”
“Ikaw kaya batuhin ko ng bola? Magiging okay ka lang? Ha?”
Siniguro ko munang masamang-masama ang expression ng mukha ko bago ko hinahanap yung nagsalita.
Pero syet! Parang nilipad ng hangin lahat ng sama ng loob ko nung makita ko yung mukha ng lalaking nakatama sakin ng bola.
Uwaaaa! Ang pogi niya!
“Naku, nadumihan pa 'yung damit mo. Sorry talaga, Miss.”
Syet. Speakless ako! Ang pogi talaga niya! Ang ganda pa ng boses! Parang boses nung mga DJ’s.
“Miss, may masakit ba sayo? Gusto mo dalhin kita sa clinic?”
“Ah, hindi. Okay lang ako.” Tiningnan ko yung suot kong skater skirt. Aaaah! Ang dating pink kong palda, naging dirty pink na sa may pwetan! Kainis. “Tsk. Ang dumi ng palda ko. Paano pa ako papasok nito?”
“Ah, here,” na-shock ako nung hubarin niya yung suot niyang jacket tapos binigay sakin. “Ipangtakip mo muna. Sorry talaga, ha?”
“Naku, nakakahiya naman sayo.”
“It’s okay. That’s the least I can do for you.”
“Thank you.” tipid akong ngumiti tapos sinuot ko na yung jacket na pinahiram niya.
“Wala yun,” lumingon siya nung tinawag siya ng kaibigan niya. “Sige, alis na ako. Sorry uli, ha?”
BINABASA MO ANG
MISSENT
Ficțiune generalăNaranasan mo na bang maging laging second best? “Stop belittling yourself. You’re much more you can imagine.” - Reid Villaraza Story Started: March 5, 2014 © Himitsu_Naishou