Chapter 9 - Naughty Hands and Lips

3.9K 216 129
                                    

"The worst battle you have to fight is between what you know and what you feel."

Sophia's POV

"O anak kamusta ang trabaho?" salubong sa akin ni nanay na nadatnan kong nagluluto ng uulamin namin ngayon gabi. Nagmano naman ako sakanya bago sumagot.

"Ayon po maayos naman, buti nga wala masiyadong pasiyente kanina." sagot ko naman at sinilip kung ano yon linuluto niya. Tamang tama, yon paborito ko at specialty ni nanay, tinolang manok!

"Saktong sakto anak, linuto ko yon paborito mo. Ang mabuti pa akyat ka muna sa taas at magpahinga. Tatawagin na lang kita pag tapos na to at pag meron na rin ang tatay mo para sabay sabay tayong kumain." utos niya sa akin.

"Tutulongan ko na lang po kayo nay." suhestiyon ko naman.

"Nako bata ka, ako na bahala dito. Yakang yaka ko to. Sige na akyat na kung ayaw mong paluin kita ng sandok sa pwet." pabirong turan nito na siya naman ikinatawa namin pareho. Buti si Nanay hindi siya yon striktong magulang at nakakasabay pa siya sa biruan, minsan nga siya pa ang pasimuno ng kapilyahan e. Sabi pa niya minsan sa akin, may tiwala naman daw siya sa akin at alam ko naman na daw siguro kung hanggang saan ang limitasyon ko. Matanda na daw ako, dapat alam ko na daw ang tama at mali. Masayang masaya ako at biniyayaan ako ng napakabait na nanay.

Natutuwa nga ako at maayos na si Nanay hindi katulad noon tumawag siya sa akin ng nasa restaurant kami ni Alexa na halos hikbi na lang ang naririnig ko mula sakanya. Hindi nga din ako makapagsalita noon dahil nagulat ako sa narinig na balita. Ang buong akala ko kasi nabayaran na nila yon inutang nila sa bangko para sa pampa opera at gamot ni tatay noon.

Nasabi ko din sa kanila noon na titigil muna ako sa pag aaral dahil hindi biro ang binabayaran sa kursong kinuha ko. Gusto kong magtrabaho muna noon ng may ipambabayad sa nautang namin pero ang sabi nila huwag ko na daw problemahin dahil nabayaran na daw namin. Nagdududa nga ako noon kung saan sila kumuha ng malaking halaga ng pera na pambayad, yon pala sinabi lang nila yon para di na daw ako mag alala pa. Pangarap daw nila ang makapagtapos ako at pumasa sa board exam kaya nila nagawang magsinungaling tungkol sa bagay na yon. Sa awa ng Diyos, nagbunga ang pagsasakripisyo nila kaya naman lubos ang pasasalamat ko sa Diyos at hindi niya kami pinabayaan.

"Sigurado po kayo diyan nay a?" pag uulit kong tanong sakanya.

"Oo nga saka kailangan mo magbeauty rest anak para maayos kang tignan kasi may bisita tayo mamaya." imporma niya sa akin.

Bisita? Sino naman kaya yon? At ano daw? Para maayos akong tignan aba grabe tong nanay ko a. Ang hard niya magsalita.

"Hindi ba ako maayos na tignan nay? Grabe kayo sa akin a." nagtatampo kong sagot sakanya.

"Sa ngayon hindi. Dios ko Sophia ang haggard ng itsura mo ngayon anak. Yan eyebags mo masiyado mong inalagaan. Yan buhok mo di pa maayos, bumagyo ba sa loob ng laboratoryo niyo at nagkaganyan?" pangprarangka niya sa akin.

Aray ko po. Na realtalk ako ng nanay ko.

"Hmp. Aakyat na nga ako sa taas nay baka kung ano pang marinig ko na nakakasakit sa damdamin. Ayoko na." pagdadrama ko naman pero siyempre kunwari nagtatampo lang ako.

Pataas na ako ng hagdan ng sumagot naman ang nanay ko.

"Anak ayoko lang magsinungaling, masama yon." at tumawa pa ito. Hindi man lang ako inalo, talagang dinagdagan pa ang pang aasar. Hay nako, hayaan na nga di rin naman ako mananalo sa kanya e.

Pagkapasok ko ng kwarto, ibinaba ko muna yon backpack at tumbler ko. Nagtanggal din ako ng sapatos at nagtungo na sa banyo para maligo. Nakasanayan ko kasi yon maligo pagkadating from work, siyempre nanggaling ako ng hospital hindi ko alam kung anong mga species at genus ng bacteria ang natipuhan na kumapit sa akin e kaysa naman mahawaan ko pa ang mga gamit ko dito sa kwarto na siyang pwedeng maging sanhi ng paglaganap ng terrorismo este sakit.

The Internship Syndrome Series: The Hot Resident Doctor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon