First year college tayo noon. Noong namalikmata ako kasi akala ko, ikaw yung kaklase ko. Pero ng titigan kita ng mabuti, ang laki pala ng pagkakaiba niyo.
Maputi ka, samantalang yung kaklase ko ay moreno.
Mas matangkad din ng di hamak yung kaklase ko kesa sa'yo.
Bagama't parehas kayong payat, pero sa tingin ko, ay di hamak na mas payat ka kesa sa kaklase ko.
Sa totoo lang, kung ikukumpara ko yung pagmumukha niyong dalawa, ay mas may itsura pa yung kaklase ko kesa sa'yo.
At ang pinakahuling kong napansin, naiiba nga pala ang uniform niyo sa amin, kaya imposible talagang maging ikaw yung kaklase ko.
Noong time na yun, nang dahil sa pagkaka-malikmata ko ang dahilan kaya ka nag-eexist sa paningin ko.
Second year college, yung time na kinababaliwan ko ang isang lalaki na ahead sa atin ng 1 year, na same course mo lang din.
Nang mga panahong ito, alas 8 ang simula ng klase ko, pero sinasadya kong pumasok sa school ng mas maaga ng bahagya, para lang mahanap ko kung saang classroom nagkaklase si crush.
Isa-isa kong sinisilip yung mga pinto ng mga classroom habang naglalakad ako sa hallway. Kaya lang sa kasamang palad imbes si crush ang makita ko, ay ikaw ang nakikita ko kasi nakapuwesto ka sa may pinto, kaya sa t'wing sisilip ako ay napapatingin ka sa akin.
First day ng preliminary exam natin nun, bandang ala una ng hapon, sa foodcourt ng isang sikat na mall. Busy-busihan kaming magbabarkada sa pag-aaral kuno.
Sila, halos memorize na yata lahat ng words sa reading materials, samantalang ako, hindi ko maintindihan kung bakit, kahit anong basa ko, eh tila wala talagang pumapasok sa utak ko. Idagdag mo pa yung ingay sa paligid na nagmumula sa mga taong nakapalibot sa amin.
Sa hindi kalayuang table naman, meron ding magbabarkada (at kasama ka po dito koya) na busy rin, pero hindi sa pagrereview kundi sa pagdadal-dalan. Kase naman kase koya, i-share mo ba naman kasi sa kanila yung about sa crush mo. Tapos nagkataon namang napatingin ako sa paligid, ay nahagip ng paningin ko kung saan kayo nakaupo, well since kayo yung pinakamalapit na pinagmumulan ng ingay so malamang mapapatingin talaga ako sa inyo. At nang dahil doon, ay mas lumakas pa ang ingay na nagmumula sa mga kasama mo. Panay pa ang pagpaparinig nila na, kesyo mukhang kabayo daw, mukhang suplada, hindi naman masyadong kagandahan at marami pang iba.
Ang hindi ko lang maintindihan, oo nga't masyadong kayong maingay, pero bakit ako lang yata yung nakakarinig ng ingay niyo dahil ang mga kaibigan ko ay patuloy pa rin sa kanilang pag-aaral na parang walang ibang maingay. Gusto ko sanang isipin na bulong lang yung naririnig ko mula sa inyo, dahil parang wala naman yatang reaksyon yung mga kasama ko, pero sadyang hindi ako makapag-concentrate sa sobrang ingay.
Ngayon koya, assuming na ba ako, kung iisipin ko na ako yung crush mo, kung nung tumingin ako ng pangalawang beses, ay lumakas na naman yung hiyaw na nagmumula sa mga kaibigan mo?
College day namin nitong araw na'to ang daming activities, may zumba, at parlor games bandang alas syete ng umaga at nag-break muna ng alas onse, mag-reresume ang program mga alas-singko ng hapon. So tumambay muna kaming magbabarkada sa canteen para magpalipas ng oras.
Alas singko ng hapon, abala na ang lahat para sa program. Yung section namin naghahanda na rin para sa Christmas Carol Presentation, kasi kasali kami sa contest na ito.
Noong kami na ang magpi-present sa harapan, tumingin ako sa mga tao na manonood sa amin, at sa hindi kalayuan ay nahagip ka na naman ng aking paningin. Nakatitig ka. Koya may tanong ako ulit, "What are you doing here? Hindi naman tayo same course, so hindi mo kailangan panoorin yung program namin." Koya, assuming ba ako kung iisipin ko na nanonood ka para suportahan ako, or para makita ako? (assuming!)
Month of February, busy kami para sa thesis namin sa Filipino. Ng hapong ito, naghahanap kami ng mga taong pwede tanungin tungkol sa topic na napili namin. Ikaw at ang kaibigan mo ay kabilang sa mga piling tao na kinausap namin.
Ako ang kumakausap sa'yo, tinatanong kita ng mga tanong para sa survey namin. Koya, assuming ba ako kung iisipin ko na, palihim mo ako tinititigan habang sinusulat ko ang mga sagot na sinabi mo para sa mga katanungan ko? Kasi sa totoo lang, nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig ka at biglang iiwas kapag titingnan na kita pabalik. Dapat ko ba talagang isipin na may gusto ka sa akin, ngayong nakita ko yung reaksyon ng kaibigan mo na para ba syang kinikilig, tapos ikaw sasawayin mo s'ya kasi nahihiya ka, at kung hindi ako nagkakamali sa nakita ko sa mukha mo, ay parang bahagya yatang namumula ang yung pisngi mo.
BINABASA MO ANG
Manhid ka ba?
General FictionGustong-gustong kita ahh... Ba't ba 'di mo makita Na iniibig ka, puso salita't gawa Kailan ba may tayong dalawa... Akin ka sa'king imahinasyon, Sana nama'y hindi lang hanggang doon... Ikaw lang sapat na.