Allerya's POV
Nasan ako?
Bat ang daming tao?
Ano 'to?
Ilan lang yan sa mga tanong na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.
Purong pagtataka ang nakarehistro sa mukha ko habang pababa ng isang napakahabang hagdan.
Sa dulo ng hagdan ay may isang lalaking may malabong mukha.
Nakalahad ang kamay nito na tila hinihintay akong makarating sa kinaroroonan niya at abutin ko iyon.
At iyon nga ang ginawa ko pagkarating sa dulo. Agad niya akong inalalayan papunta sa gitna ng mga taong may malalabong ding mukha.
Kami'y nagsayaw hanggang sa matapos ang tugtugin nang akma niya akong hahalikan ay pinikit ko ng mariin ang aking mga mata.
Ghad! Perstkes ke te eh! Enebe! Hihihihi.
Teka nga, bat basa? Mamasa masa siya humalik na para bang dinidilaan na ko.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog ng alarm sa cellphone ko at dahil na rin sa pagdila sa mukha ng aso nung kasalo ko dito sa kwarto.
Bwisit na yan. Ganda na nung panaginip eh. Eepal epal talaga.
Agad kong kinuha yung cellphone kong nasa tabi ng tenga ko at tinignan kung anong oras na. Aga pa pala. 7:30 pa lang.
Loading . . .
Loading . . .
Loading . . .
Loading . . .
ANO!? 7:30 NA? 7AM PASOK KO! ANO BA NAMAN YAN!?
Agad kong tinungo yung banyo para maligo pero watanays! May naliligo pa!
Jusko! Lord, help. Baka matanggal ako sa trabaho neto huhuhuhu.
30 minutes nakalipas lumabas na din yung naliligo kong kashare sa kwarto. Pumasok ako agad at bilis bilis naligo. Nang matapos ay bilis bilis din akong nagbihis at nag ayos.
Hay nakaraos din! Palabas na ko ng bed space na inuupahan ko at sakto! May jeep sa kanto! Hahahahaha. Bihira lang to.
Tinakbo ko agad yung kinaroroonan ng jeep kahit pa kailangang tumawid para lang maabutan ko.
Sa wakas! Nakasakay din. Hehehe. Ilang minuto lang ay nakarating na ko kung san ang trabaho ko.
Isa kong real estate agent, benta bahay at lupa, benta doon, benta dito ganern. Employee of the month din ako dahil wala pa kong absent at magaganda records ko sa CEO ng kumpanya namin.
Pero ngayon? Heto late. What the fudge! Nakarating ako sa stool ko ng mabilis dahil baka mahuli pa ko ni boss na late yari ako.
"Huy girl, bat late ka? Anyare sa employee of the month?", si Carlito este Carla. Baklang kaibigan ko at magkatabi lang kami ng stool.
"Napanaginipan ko na naman kasi yun. Tapos nagkiss daw kami pero paggising ko aso pala humahalik sakin. Myghad!", maarteng pagkakasabi ko.
"Hahahahaha. Gaga ka talaga girl. Ilang gabi mo na yan napapanaginipan hah! Baka malapit mo ng mahanap prince charming mong knight in shining armor pa. Hihihihi.", sagot niya sabay hagikhik.
"Sana nga girl.", napabuntong hininga na lang ako.
Oo tama kayo, tumpak na tumpak! Ilang gabi ko na din yun napapanaginipan at sa bawat gabi ay nadadagdagan ang mga pangyayari tulad na lang kanina.
Hay nako! Malapit ka na kayang dumating prince charming slash knight in shining armor ko? Pakibilis naman oh!
Nagulantang ang diwa ko dahil sa malakas na ring ng cellphone na katabi ko. Mygoodness! Buti wala akong sakit sa puso! Magkakaroon palang.
Nag-aalarm pala dahil may meet up ako with a client sa may malapit na cafe. Kakarating ko lang alis na naman. Hay nako naman. Madali kong kinuha ang mga kagamitan ko at dali daling umalis.
Wala pang 15 mins ay narating ko ang Frappe. Pagkapasok ko ay agad may kumaway na matandang babae sakin at dinaluhan ko ito.
"Good morning. I'm Mrs Santiago you are?", ani nito na may karespetadong boses at tindig habang nakalahad ang kamay nito sakin.
"Ms Allerya, madam. Good morning too." , sagot ko at inabot ang pakikipagkamay nito.
"Nice to meet you ija, have a seat. Let's start na rin."
Tumagal din ng 1 oras ang pakikipag usap ko dito dahil sa pagpapakita ko ng mga real estate sa kung saan saang lugar dito sa Pilipinas na nasa brochure na dala ko.
Sumakay na ko ng taxi para bumalik sa opisina dahil may naghihintay pa saking trabaho dun.
Nag uumpisa pa lang ang araw ko pero pagod na pagod na ko. Ikaw ba naman kasi mag isa na sa buhay at mag isa ring binubuhay ang sarili.
Namatay sila mama at papa noong 7th birthday ko dahil sa isang car accident. Si lola naman namatay noong 18 years old ako dahil sa sakit sa puso. Eh buti na lang kamo nakapagtapos ako ng kolehiyo kundi ay san na lang ako pupulutin diba?
Naninirahan sa maliit na bed space ng 5years, kapag pauwi na galing opisina raraket pa. Ewan. Nauuwi lang din sa bayad utang sweldo ko. Hirap ng ganito.
Napabuntong hininga na lang akong napalabas ng taxi. Sa drama ko ay nandito na pala ko.
Inayos ko ang pencil cut kong palda at 3/4 kong polo saka naglakad papasok ng building. Di pa man din ako nakakarating ng elevator ng biglang kumulo tiyan ko. Di pa pala ako kumakain.
Nagpasiya akong tumungo sa canteen para kumain. Pagdating ko doon walang katao tao. Naks! Solo ko. Hehe
Naglalakad ako papuntang counter ng bigla na lang may isang taong bumunggo sakin sa likod at may kung anong mainit na natapon sa likod ko. What the! Argh! Patay sakin to!
- -
Kai's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng aso sa tabi ko, si Basti. Ganito siya lagi sa tuwing gutom na o di kaya naman gustong ilabas ko siya.
"Good morning Basti. Gutom ka na?", tanong ko sa aso na para bang sasagot ito.
Nagtungo na muna ako sa banyo upang maligo. Panibagong araw, panibagong pagod sa trabaho.
Pagkatapos ng tatlumpung minuto lumabas na din ako ng kwarto nakaligo at nakahandang umalis.
Dumiretso ako sa kusina upang lagyan ng dog food at tubig ang dalawang bowl ni Basti. Wala na kong panahon pa para sa umagahan magkakape na lang ako pagkarating sa opisina.
Agad akong lumabas ng bahay patungong garahe. Sumakay ako sa sasakyan ko, agad itong pinaandar at nagmaneho patungong opisina.
Nang makarating sa paroroonan ko ay wala sa labas ng opisina ko ang sekretarya ko. "Ano ba kasing trip ko at ang aga ko pumasok?" Sabi ko sa isip ko.
Bumaba din ako mula sa 15th floor patungo sa cafeteria upang bumili ng kape.
Laking tuwa kong makita na walang katao tao sa loob ng cafeteria, agad akong bumili ng espresso at akmang lalakad na ko paalis ng may bigla akong nabunggo at natapon lahat ng kape na hawak ko.
"Shit!", malakas kong sambit. Kung minamalas ka nga namang ngayong araw.
"Ano bang problema mo ha!? Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?", ani ng isang galit na galit na halos umusok na ang ilong ng babaeng nasa harapan ko ngayon.
Oo nga naman di ako tumitingin sa dinadaanan ko. Magsosorry ba ko o ano? Aalis na nga lang ako.
"Hoy! Ano na ha!? Mang-iiwan ka na lang!? Wala ka man lang sorry? Hoy bumalik ka! Di pa tayo tapos dito!", patuloy pa din siya sa pagsigaw. Baka mapatid na ugat nito sa leeg tsk.
Hay ano ba naman yan umagang umaga, aakyat na lang ulit ako di na ko magkakape nawalan na ko ng gana.
- - -
A/N: eto muna sa ngayon, unang story kong mapapublish dito sa watty. Vote and comment guys. Thanks.
YOU ARE READING
Your Modern Cinderella (On Going)
Romance"Hanggang tingin na lang ba ako sa aking prince charming." - Allerya Gracia