Chapter 5

2.4K 109 19
                                    

"Ah.. eh... ano kasi, medyo na curious ako dahil kulay red yung door. Sorry talaga pre." Paghingi ko ng paumanhin.

"Wala ka bang nakitang kakaiba dito?" Medyo seryosong tanong ni Caleb.

"Ah bukod sa sexy anime posters, zombies at motor bike eh ang gulo ng kwarto hahahaha." Trying to avoid the tension.

"Fuck you Alex!, tara na nga sa kwarto ko. Talagang nilait mo pa yung room na yon." Medyo natatawang sabi ni Caleb sa akin.

Pagpasok namin sa kwarto ni Caleb, binuksan niya yung T.V. at sinaksak yung flash drive. Ako ang pinapapili niya ng movie at bababa lang daw siya sandali para kumuha ng chips at soda.

After kong mapili yung  50 first dates, nahiga muna ako saglit dahil hindi pa bumabalik si Caleb.

"Hey wag ka ngang humiga baka makatulog ka na naman" biglang pasok ni Caleb.

"Ang tagal mo naman, muntik na talaga akong makatulog dito sa kama mo. Ang lambot-lambot kasi."

"Nakapili ka na ba?"

"Oo romcom to, feeling ko maganda to." Medyo na-excite tuloy ako.

"Ano ba yan masyadong pambabae naman yung napili mo."

"Anong pambabae dyan eh kita mong may partner na lalaki yung bidang babae dyan." Depensa ko kanya.

"Edi gusto mo to dahil sa bidang lalaki?" Mapanghusgang tanong ni Caleb.

"Eh kung pinapanood na natin yan bago ka mang asar dyan."

At sinimulan na nga namin panoorin yung movie. Habang tutok na tutok ako sa tv, napalingon naman ako kay Caleb kung anong ginagawa niya kasi wala siyang imik kanina pa.

Nakita kong natutulog lang siya. Wow naman grabe yung friendship namin, tumaas nang level 99.

Hindi ko na siya ginising at in-enjoy ko mag isa yung chips at soda. Grabe yung story ng movie na to. Merong short-term memory loss yung bidang babae. Tapos lagi niyang nakakalimutan yung lalaki everytime na gigising siya. And yung ending, nagkaroon sila ng daughter.

Grabe ang galing naman ng gumawa nitong movie. Pinakita nila dito na powerful yung love. Na walang impossible kung parehas niyong mahal na mahal ang isat isa.

(Alarm clock ringing)

Wait bakit parang may tumutunog na phone. Pagcheck ko naman ng phone ko, hindi naman.

"Hayyyy! Tapos na pala? Sorry nakatulog ako." Naguunat pa niya sabi.

Nakita ko siyang kinuha yung phone niya at pinatay yung alarm.

And I was like.....

Seryoso ba siya? Nag-alarm talaga siya? Ibig sabihin nung una palang eh pinagplanuhan na niya matulog.

Tinignan ko siya ng seryoso. Tinignan niya rin ako na para bang tinatanong kung anong problema ko.

"Hindi nga? Talagang nag alarm ka pa."

"Sorry tol hindi ko kasi talaga hilig yung mga ganyang movie. Eh ayoko namang basagin yung trip mo." Paliwanag ni Caleb.

"Minsan hindi ko alam kung baliw ka ba talaga o baliw ka talaga"

"Hahaha oa mo naman, bakit gusto mo bang manood tayo ng sabay?" Heto na naman siya at nang-aasar.

"Kahit hindi na, mas na enjoy ko nga yung movie dahil solo ko yung food."

"Eh ano naman yung reaction mo sa ending?" Curious niyang tanong.

"Ahmm maganda siya, hindi ko ineexpect na magiging happy ending kasi diba parang napakahirap nang situation nila." Nagiging movie critic na ko sa part na to.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon