Chapter Nine

2K 43 0
                                    

AJ POV

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Tinatamad pa akong kumilos kaya hindi ko sinagot yung tawag at natulog ulit. Maya maya ay nagring ulit ito kaya no choice ako kundi sagutin.

Psshh. Istorbo. Tsk tsk.

"Hello!!" Pagalit na sagot ko. Hindi na ko nag abalang tignan kung sino yung natawag.

"Ohhwa? Relax dude. High blood ka ata ngayon?" Sagot nung nasa kabilang linya.

Nabosesan ko naman agad kung sino sya.

"What the hell Gab??!! Ang aga aga mong mang istorbo!! Natutulog yun tao eh tawag ka ng tawag!!" Kainis! Ayoko pa naman ng maiistorbo ang tulog ko. Ngayon nga lang makakabawi ng tulog eh may istorbo pa.

"Hoy AJ!! 12 na kaya ng tanghali. Natutulog ka pa din??" Sagot nya.

Napatingin naman ako sa wall clock ko dito sa kwarto.

Oo nga nu. Tanghali na pala. Pero pakiramdam ko antok na antok pa din ako eh. Kainis talaga.

Bumangon na ako.

"Hoy AJ!! Hindi ka na nakapagsalita dyan. Wag mung sabihin nakatulog ka na dyan!!" Nakalimutan kong may kausap pa nga pala ako.

"Istorbo ka talaga. Ngayon na nga lang ako makakabawi ng tulog kasi holiday inistorbo mo pa ako. Ano bang problema mo at binubulabog mo ako ha??" Sabi ko.

"Yayayain kasi sana kitang mag mall ngayon."

"What?? Langya ka! Yan lang pala yung itinawag mo. Inistorbo mo pa ako. Nasan yung mga babae mo bakit hindi na lang sila ang yayain mo."

"Ayoko silang kasama ngayon. Sige na dude. Samahan mo na ko kundi pupuntahan kita dyan para bulabugin. Don't worry. Ililibre naman kita kaya hindi mababawasan yang kayamanan mo. Hahaha."

"Fine! Maliligo lang ako. Text mo sa akin kung saan mall tayo magkikita."

Lanyang to. Tinakot pa talaga ako. Hayy kainis. No choice tuloy kundi sumama. Alam ko naman tototohanin nya yan at kapag ginawa nya yan ay talagang hindi ako patatahimikin nyan. Hay naku. Di bale libre naman daw. Sige na nga.

*****

Mall

Gab POV

"Ang tagal mo naman." Bungad ko kay AJ.

Almost 1hr kasi syang late sa usapan namin.

"Ikaw na nga tung nang istorbo nagrereklamo ka pa." Sagot nya sa akin.

Tsk. Napailing na lang ako sa sinabi nya. Knowing her, laging nagpapalate yan kapag napipilitan lang pumunta sa isang lugar. Tsk tsk. Tumalikod na ko sa kanya saka naglakad.

"Oy Gab. Libre mo na muna ako bago tayo mag ikot dito. Hindi pa ako nakain." Sabi nya na ikinalingon ko.

"What? Sa tagal mong yun hindi ka pa nakakain bago umalis?" Sabi ko sa kanya na naiinis. Ang tagal tagal nya kasi tapos hindi pa sya kumain. Ibang klase talaga to. Tsk tsk

"Diba sabi mo ililibre mo ko?" Sagot nya.

"Oo. Pero mamaya pa sana. Mag ikot muna tayo." Balak ko muna kasing maglibang bago kami kumain.

"Ngayon na. Maya na tayo mag ikot. Nagugutom na ako. Kung ayaw mo uuwi na lang ako." Sabi nya.

Tsk. Wala talaga to. Kainis tinakot pa ako. Wala na kong nagawa kundi pagbigyan yung gusto nya.

I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon