"Salamat sa tulong mo miss," ani ng lalaki kay Anna ng makalabas sila ng hospital.
"Wala iyon, bilib nga ako sa'yo, hindi mo naman kaano-ano ang matanda pero inasikaso mo siya."
"Kawawa naman kasi, patay na nga, pababayaan mo pa." Ani ng lalaki.
"Mga walang-puso kasi iyang mga hold-upper na iyan, matanda na, pinatulan pa."
"Sinabi mo pa, mabuti na lamang at ang matanda lamang ang sinaktan nila, kung hindi siguro, kawawa tayong lahat na pasahero ng bus, lalo na iyong mga bata."
"Salamat nga pala kanina, naitago ko tuloy itong kuwintas at singsing ko sa may medyas ko kahit papaano may maipapanggastos pa rin ako, ikaw pala, paano ka pala makakaupunta sa pupuntahan mo, hindi ba kinuha lahat ng pera mo ng magnanakaw.?" tanong ni Anna.
"Tumawag na ako sa amin, maya-maya lamang ay may susundo na sa akin dito. Eh ikaw, tinawagan mo na ba ang pupuntahan mo ng masundo ka nila dito."
Nahihiya mang aminin ni Anna ay napilitan na rin niyang sabihin ito sa lalaki. "Bakasyonista ako, at first time ko pa lang pumunta ng Baguio, aaminin ko na, wala akong kakilala sa lugar na ito at dahil nga sa nangyari, hindi ko alam kung saan ako pupunta."
"Ganoon ba, gusto mo tumuloy ka muna sa amin, mukha kasing gutom na gutom ka na at pagod na rin," alok ng lalaki sa kaniya.
Nahihiya man si Anna ay hindi na rin niya tinanggihan ang alok ng lalaki.
"By the way, ako nga pala si Anna." Pagpapakilala niya sa lalaki at sabay niyang inabot ang kanyang kamay.
"Adrian," pagpapakilala ng lalaki sa sarili.
"Bakasyonista ka pala, parang ang malas mo naman," nangingiting sabi ni Adrian.
"Hindi ba nakakahiya sa pamilya mo kung doon ako tumuloy sa inyo?" nag-aalinlangan niyang tanong.
"Huwag kang mahiya, sa simbahan kita dadalhin." Ani Adrian.
"Sa Simbahan!" nagulat na sabi ni Anna. "Bakit doon?" nagtataka niyang tanong."
"Doon kasi ako nakatira."
"Sa simbahan?" muli niyang tanong sa lalaki.
"Oo, bakit?"
"Hindi nga?" balik na tanong ni Anna.
"Semenarista ako," ani Adrian. "Pari ang kumukupkop sa akin, kaya sa simbahan ako nakatira."
Ayaw mang ipakita ni Anna ang kanyang reaksiyon pero talagang nagulat siya sa sinabi ng lalaki. Noon niya lang naisip kaya pala may Bibliya ang bag at masyadong matulungin, isa pa lang alagad ng Diyos ang kaharap niya.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay, maya-maya lamang ay dumating na ang hinihintay nilang sundo.
..........
"Adrian," sigaw ng pari ng makita siya nitong bumaba ng sasakyan.
"Padre," balik niyang bati sa pari.
Nagulat ang pari ng makita si Anna na bumaba ng sasakyan.
"Padre, siya po si Anna, mabuti pong ikuwento ko na lamang po sa inyo pag-pasok natin ng bahay." Ani Adrian.
"Mabuti pa nga," sabi ng Padre.
At nang makapasok sila ng bahay sa tabi ng simbahan ay sinimulan ng ikuwento ni Adrian ang buong pangyayari.
"Ganoon ba? Kawawang mga bata, at kaawaan sana ng Diyos ang mga taong gumawa ng mga ito sa inyo. Kaya naman pala natagalan kayo may nangyari na pala sa inyong hindi maganda."
"Ganoon na nga po, kaya po niyaya ko po si Anna na tumuloy muna dito sa atin hanggang sa makahanap siya ng matutuluyan."
"Kung okay lang po sa inyo iyon, Padre?" Ani Anna sa pari.
"Naku iha, walang ano iyon, dumito ka hanggang kailangan mo ang simbahan, napakabuti ng ginawa mo sa kapwa mo, dapat lang na gantihan kita ng kabutihan din."
"Salamat po, Padre."
"Walang anuman. Buweno, mukhang gutom na kayo, ang mabuti pa ay magpalit na kayo ng inyong mga suot at ng makakain na kayo." Sabi ng pari.
"Padre, ninakaw po pati ang damit ni Anna," ani adrian.
"Ganoon ba? O siya sige, kumain na kayo, at ako'y lalabas muna sandali at manghihiram ng damit kay Rosita, para may masuot naman ikaw iha," sabi ng matandang pari.
"Salamat po," iyon na lang ang nasabi ni Anna.
Makalipas ang kalahating oras ay dumating ang pari na may dala-dalang mga damit.
"Iha, pagpasensiyahan mo na muna ang mga damit na iyan at iyan lamang ang nahiram ko," sabi ng pari ng iaabot niya ang mga damit kay Anna.
"Naku, wala pong anuman ito, salamat po," pagpapasalamat ni Anna sa pari. Matapos kunin ang mga damit ay sinamahan siya ng pari kung saan maaari siyang makapagpahinga pansamantala.
"Pagpasensiyahan mo na ang maliit na kuwartong ito iha."
"Naku, okay na po ito, maraming maraming salamat po talaga."
"Sige, ang mabuti pa ay magpahinga ka na at mukhang pagod na pagod ka na iha, bukas na lang uli tayo mag-usap, gusto ko kuwentuhan mo ako ng kahit anong ng tayo'y magkakilanlang mabuti." Sabi ng pari.
"Opo, salamat po sa uulitin."
Dahil na rin siguro sa pagod, pagkatapos niyang magbihis ay humiga na si Anna. Hindi pa siya gaanong inaantok, malalim ang kanyang iniisip, iniisip niya ang nangyaring kamalasan at kung paano siya makakatawag kay Elaine ngayong wala siyang kahit na singko. Kailangan niya kasing ipaalam kay Elaine ang nangyari ng matulungan siya nito, at ng hindi rin ito mag-alala sa kanya dahil nangako siyang kapag narating na niya ang Baguio ay tatawagan niya siya. Sabik na rin si Anna na malaman kung ano na ang nangyayari sa Maynila, sa bahay nila, at kung anong reaksiyon ng kanyang pamilya.
----------
May sikat na ang araw ng magising si Anna. Lumabas siya ng kanyang kuwarto upang hanapin si Adrian. Naisip niyang magpasama rito sa sanglaan ng maisangla niya ang kanyang mga alahas. Kinakailangan niyang gawin ito dahil kahit singko ay wala sia ngayon. Sa may hardin, doon niya natagpuan si Adrian, nagwawalis.
"Magandang umaga." Bati nito sa kaniya.
"Magandang umaga rin, gusto ko sanang magpasama sa'yo, kailangan ko kasi ng pera, isasangla ko sana itong mga alahas ko." Pakiusap niya.
"Sige, pero kumain ka na muna ng almusal at magpapaalam tayo kay Padre ng hindi niya tayo hanapin." Sagot ni Adrian.
"Salamat."
Matapos mag-almusal ay nag-paalam ang dalawa sa pari na aalis muna sandali.
"Mag-ingat kayo," sabi ng pari. "Bumalik kayo agad."
"Opo Padre," sagot ni Adrian. At lumakad na ang dalawa.
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
Teen FictionMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..