---ONSE---

266 7 7
                                    

TUNGKULIN, ANG AKING MISYON, ANG AKING PANGARAP MULI KONG BUBUOIN

 

 

 

Una

Ng dahil sa pangyayari, mas bumigat ang aking misyon. Mas madalas na akong nadestino sa lupa upang buo-in muli ang pakpak na sa matagal na panahon ay aking pinag-ipunan, kasabay nito kailangan ko padin bantayan ang kalagayan ni Nerrisa, at sa gabi naman kailangan kong tulungan ang mga kupido para sa pag-aayos ng magiging kapalaran ng kanilang kapareha kinabukasan.

 

 

 

Ikalawa: Paano ba yan Una? Mukhang aariin ko na ang magiging pwesto mo?

Tinignan ko lang siya habang ako ay kanyang iniinggit sa magarbo niyang pakpak.

Wala akong nagiging pagsisi sa lahat ng paglabag na aking natamo … kaya wala akong dapat ika-inggit.

 

Lumapit sa akin ang kupido na nagpahiram sa akin ng kanyang pakpak.

“Yumuko ka”

Una: At bakit?

“Basta!”

Yumuko ako.

“Hindi ganyan, lapitan mo ako! paano naman kita makakausap kung ganyan ka kalayo sa akin”

At ginawa ko na lang ang kanyang sinabi.

Hinalikan niya ako sa pisngi saka niya ako nginitian.

“Galingan mo sa magiging misyon mo”

Maliit ang batang lalaking kupido, maputi siya, may matambok ng pisngi, at may dimple pag ngumingiti. Ang kanyang puting buhok ay nahahaluan ng kulay ginto sa tuwing siya natutuwa.

NOTUS CERTANUS [season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon