Major Turn Off!

166 2 0
                                    

Kung may 3 magic words sa pag-ibig ay mayroon naman sa kasawian sa pag-ibig. Sa dinami-daming mga tao sa mundo ay may isang tao na magpapaligaya sa’yo ng lubusan ngunit kailangan mo munang paghandaan, pag-aralan, at bigyan pansin kung sino ang tao na makakasama mo baling araw. Importante iyon para hindi magsisi kaya alamin mo ang tunay na siya.

Siya si Mary Joy, maganda ang kanyang pangalan at naangkop sa kanyang sarili dahil maganda siya katulad ni Maria at masayahing tao na ang katangian ay Joy. Naririnig ko na ang kanyang pangalan sa aming klase dahil may mga kaklase akong kaibigan si Mary Joy. Wala naman akong interes sa kanya kaya hindi ko pinapansin pag pinag-uusapan siya ng aking mga kaklase.

Hindi ko akalain na makikilala ko siya dahil isang araw ay gusto ko magdagdag ng mga taong finofollow ko sa Twitter at Instagram. Isa siya sa mga ka-mutual ko kaya madali kong na-access ang kanyang account at finollow ko kaagad si Mary Joy. Followback naman ang ginawa niya na nagkaroon din siya ng interes sa aking Twitter at Instagram.

Sa Twitter ko kasi ay hindi ako madalas magpost ng mga personal na tweets, karamihan dito ay mga retweets mula sa mga sikat na news twitter accounts sa bansa. Gusto ko lang din naman mai-share ang nalalaman ko na kaiinteresan ng mga taong finofollow ako. Halimbawa, tungkol sa mga updates sa sports, updates sa mga pangyayari ngayon sa government, sa weather, at marami pang iba. Magiging non-sense kasi ang aking Twitter account kung hindi ko ginagawa ang mga bagay na iyon. Yun ang aking paniniwala.

Sa Instagram naman ay hindi ako mahilig mag-selfie kahit man sa feed ng aking Instagram ay nakikita ko ang mga selfie photos ng mga taong finofollow ko na karamihan ay mga artista. Active naman ako sa Instagram ngunit ang mga pinopost ko ay mga bagay na bagay na kinahihiligan ko bilang magbigay buhay sa aking Instagram account.

Hanggang sa nabasa ko sa aking feed sa Twitter ang:

@vinz

Yes! Panalo ang paborito kong team sa PBA! Wohoooooooo!!

@maryjoy

Waaaaaaaah! May crush akong nerd!!!

Nababasa ko naman ang lahat ng mga tweets ng mga finofollow kong mga tao dahil hindi naman tataas sa 50 twitter accounts ang aking finofollow. Well, nerd kasi ako dahil sa lahat ng profile picture ko ay nakasuot ako ng eyeglasses ngunit baka naman hindi ako yun, maraming nerd sa mundo.

@vinz

#PrayForVizayas Grabe talaga yang si Super Typhoon Yolanda

@maryjoy

No! no! no! Hindi pwedeng magkacrush ako ng isang nerd!

@vinz

Sana makabangon sila kaagad at maraming tumulong sa kanila. #PrayForVizayas

@maryjoy

Emeghed!! Magkasunod lang ang tweet namin ni crush!!!

Yun na! Mas lalo tuloy akong naging kampante na baka ako ang taong tinutukoy niya dahil napansin ko na unti lang naman din ang mga taong finofollow ni Mary Joy kaya maaaring ako ang crush niya?!

@vinz

O.o

Ang emoticon na yun ang sunod kong tweet. Hindi naman ako isang taong feeler kaya hindi ako kaagad nagpakasigurado na ako talaga iyon, ngunit kung ako man yun ay may magbabago ba? Wala naman siguro. Ang hard naman!

Pagdating sa eskwelahan, yun na! Napansin kong lagi na niya akong binabati.

“Hi Kuya Vinz!” sabi ni Mary Joy

“Hello rin!” sagot ko sabay ngiti sa kanya.

Kailangan ko sigurong magtanong sa ibang tao dito ngunit bakit naman ako maco-concern sa isang bagay na hindi naman ako sigurado? Malaki kasi ang kutob ko at minsan lang sa akin dumapo ang salitang ‘pag-ibig’ at ‘pagmamahal’ hay buhay!

Major Turn Off!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon