Last 10 School Days

194 1 8
                                    

Grabe, parang kahapon lang ay June at ngayon March na at ilang araw na lang ay bakasyon na. Ako pala si Angelo, 3rd year student at malaking bagay sa akin ang nalalabing sampung araw sa school days para sa aking pagiging 3rd year.

Noong August 2013, nagsimula ang lahat. Nakilala ko ang mga ilang kaibigan na bago. Sabi nga nila, mas nakakainteres talaga ang mga bago kaysa sa mga luma. Marami na akong mga kaibigan, aking mga kaklase ngunit hindi ko inaasahan na makikilala ko sila.

Mga 4th year students, graduating sila ngayong taon at nakilala ko sila sa mga maraming activities sa aming school dahil magkaugnay lang ang 3rd year at 4th year pagdating sa mga activities. Nasa higher section din kasi ang aking kinabibilangan kaya maraming mga activities. Lalo na ang gusto ko ay Journalism na parehong tinuturo sa 3rd year at 4th year sa mga star section at mga science section.

Mayroong magaganap na press conference sa aming journalism kaya kailangan may i-represent ang aming school. Bago maganap ang contest ay nagkaroon kami ng trainings at sa mga trainings na ito ay doon ko nakilala ang mga kaibigan ko sa 4th year. Sila Jorelle, Angel, Camille, Michael, Eldon, Ardyln, Luigi, Nikka, Suzanne, Divine, Dustin, Kate, Bob na mula sa IV-Gold at IV-Rizal na mga kilala sa star section at science section sa aming school. Pasensya na kung hindi ko sila na matatawag na kuya at ate, natutunan ko lang kasi sa aking adviser sa journalism sa kanyang sinabi.

“Bakit mo pa silang sasabihan na kuya at ate, eh isang taon lang naman ang agwat mo sa kanila.” Sabi ni Ma’am.

Oo nga naman tama siya kaya mas maganda siguro kung pangalan nila mismo ang aking tatawagin ngunit para sa akin ay hindi naman ito kawalan ng respeto, ewan ko lang sa kanila. Akala ko silang mga 4th year students ay mga seryoso, dahil nga naman ga-graduate na sila at mas nakakatanda sila kaysa sa akin ngunit doon ko napagtanto na parang kagaya ko lang sila. Isang kabataan na ineenjoy ang buhay buhay at hindi maiiwasan ang kalokohan kahit man seryoso ang nagaganap sa aming trainings.

Si Jorelle ay isang malokong tao, yun ang tawag ko sa kanya dahil mahilig siyang magpatawa. Kasama pa ng kanyang kaibigan na si Ardylyn na nagulat akong alam niya ang pangalan ko. Nangti-trip pa nga na lagi akong kinakalabit at hindi ko matukoy kung sino iyon, salamat kay Jorelle dahil siya ang nagsabi kung sino ang nangangalabit sa akin. Magaling siya sa photojournalism at nananalo siya sa mga contest na super proud sa kanyang sarili. Sumali nga rin siya sa isang pageant sa school na tinawag siyang Mr. Japan at sa tingin ko siya ang founder ng K-Pop group sa aming school dahil mahilig siya sa K-Pop. Naging kaibigan ko rin siya sa Facebook at lagi siyang aktibo dito. Sporty naman si Ardylyn at strong women siya kumabaga, mahilig siya sa sports na basketball at sepak takraw ngunit lumalambot ang puso niya pag nakakakita siya ng poging lalaki na parang hindi siya basketball player o sepak player.

Si Camille, Angel, Michael, Eldon at Kate ay kasama ko naman sa isang team. Ang Collaborative na isang category sa press conference. Si Camille ay tahimik na tao, mahilig siya sa instruments lalo na sa electric guitar, mapapatunayan ito sa kanyang profile picture. Inaasar nga siyang isa siyang gumiho dahil kamukha niya ang gumanap na karakter dito. Inaasar nga rin siyang Minion dahil siya ang kilalang magaling magdrawing ng minion. Mahilig ako sa electric guitar batay sa aking mga paboritong kanta na ginagamit ay electric guitar lalo na ang Paramore. Sikat din ngayon ang karakter na si Gumiho dahil sa palabas na Tale of Arang na gusto kong panoorin at nangongolekta ako ng mga Minion figures dahil ang cute kasi nila. Ang malilikot na isip tuloy ng aking mga kaklase ay crush ko si Camille.

“Oooops, teka, hindi ko siya crush guys, sadyang pareho lang kami ng mga hilig.” Sabi ko sa aking mga kaklase.

Noong wala pa yang usap-usapan na crush ko siya ay lagi kaming nag-uusap ni Camille, dagdag nga dito ang aming pagsasama sa Collaborative team bilang bonding time ngunit ngayon ay bihira na dahil sa nakakainis na mga kaklase ko dahil sa rumor na kanilang ginawa. Si Angel naman, isa pa ito.

Last 10 School DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon