Madaling-araw noon ng marinig ni Anna ang tunog ng gitara sa kalapit kuwarto niya kung saan naroon si Adrian. Sinilip niya ito at hindi nga siya nagkamali, ito nga iyong tumutugtog ng gitara, mukhang magaling na.
"Halika, lumapit ka." Ani Adrian.
Pumasok si Anna at umupo sa silya sa tabi ng kama.
"Dito ka sa tabi ko," aya niya kay Anna.
Lumapit naman si Anna at tumabi ito kay Adrian.
"Ang aga mo yatang nagising, okay ka na ba?" Tanong niya rito.
"Ayos na ako, simpleng sakit ng ulo lang naman iyon," ani Adrian.
"Anong simpleng sakit ng ulo, para kang baliw kagabi."
"Sa tingin mo, mukha akong baliw?" pagbibiro ni Anna.
"Hindi naman, pero iyung ginagawa mo, gawain ng baliw iyon, ikaw, tama ba namang iuntog mo ang sarili mo sa pader?"
"Ginawa ko iyon?" pa-ignorante niyang tanong kay Anna.
"Kunyari ka pa."
"Natakot ka ano," asar niya kay Anna.
"Sa totoo, hindi, naawa pa nga ako sa'yo."
"Hoy, iyan ang pinakaayaw ko, ang kinakaawaan. God give me good life, kaya hindi ko kailangan ng awa."
"Hindi ko naman sinabing kinakaawaan kita mismo, ang sinasabi ko, naaawa ako sa nangyari sa'yo, anyway, enough of awa, baka kasi kung saan na naman mapunta itong diskusyon natin, maya-maya lang ako na ang inaatake mo, change topic na, hindi ko alam, marunong ka pa lang mag-gitara."
"Tinuruan kasi ako ni Padre Gabriel."
"Si Padre ang nagturo sa'yo?"
"Bakit hindi ka naniniwala?"
"Hindi naman, pero parang sa tingin ko, wala ng panahon si Padreng mag-aral ng gitara sa dami niyang ginagawa."
"Well para sabihin ko sa'yo, siya ang nagturo sa akin ng gitara, at sa kanya rin itong gitara."
"Baka gusto mo akong bigyan ng sample diyan, tutal pinakanta niyo naman ako kanina, now it's your turn to impress me, so, sige na, impress me."
Tumingin si Adrian sa may labas ng kanyang bintana kung saan ay natanaw niya ang pagsikat ng araw at walang kahiya-hiya niyang tinugtog ang gitara. Morning Has Broken ang tinugtog niya. Hindi makapaniwala si Anna sa narinig, maganda rin pala ang boses ni Adrian, para siyang isang foreign folk singer.
"Pasiyensiya na, medyo paos pa ako," mayabang na sabi ni Adrian.
"Well, okay na rin, nasa tono." Ani Anna na ang totooy gandang-ganda sa boses ni Adrian.
"Hindi mo na kailangan sabihing maganda ang boses ko, nasabi na ng ibang tao sa akin iyon, at sincere sila ng sinabi nila iyon."
"Hindi rin makapal ang mukha mo an?"
"Hindi, bakit?"
"Okay, Sige na, maganda na ang boses mo, bakit hindi na lang kaya ikaw ang kumanta sa kasal."
"Hindi puwede kasi halos lahat ng alam kong kantang pangkasal, babae ang kumanta tulad ng Ikaw, or The Wedding Song ng Carpenters and besides, babae ang gustong kumanta ng ikakasal.
"Okay, isang kanta pa." Hiling ni Anna kay Adrian.
"Anong gusto mong song?"
"Bahala, kahit ano, basta madadala ako." Request ni Anna.
"Actually eto iyong song na gusto kong kantahin sa akin kapag namatay na ako, ito kasi iyong narinig kong kinanta ni Padre Gabriel ng mamatay iyung nanay niya two years ago, and ang ganda ng interpretation niya sa kantang ito." At pinitik muli ni Adrian ang gitara at tinugtog ang kantang Fire and Rain ni James Taylor.
"Well, pamilyar sa akin ang song na iyan, madalas ko ngang marinig sa radio na tinutugtog iyan, di ko lang pinapansin. Fire and Rain pala ang title niyan."
"Yes, at gustong-gusto ko ang lyrics niya, very heavy at talaga namang you'll feel the lost of someone you love." Pagpapaliwanag niya. "Ikaw naman, kapag namatay ka anong song ang gusto mong tugtugin."
Nabigla si Anna sa tanong na iyon ni Adrian. "Hindi ko pa napag-iisipan, wala pa akong balak mamatay, pero kung magkasama tayo bago ako mamatay, paki-paalala mo sa akin iyang themesong mo, iyan na rin siguro."
"Sige, kung mauna ka, o sige wag nang memorial song, wedding song na lang. Anong gusto mong wedding song?"
Lalong nabigla si Anna sa tanong na iyon ni Adrian, muling nanumbalik sa isip niya ang dahilan kung bakit siya lumayas sa kanila. Ayaw niyang maalala ang ginawa niya, at doon lang rin niya naalala ang tungkol sa kaibigan niyang si Elaine. "Alam mo, mas mabuti pang bumaba ka na, mag-almusal na tayo kasi ipapasyal mo pa ako dito sa buong Baguio."
"Ano?"
"Bakit nahihilo ka pa ba," naalalang itanong ni Anna. "Sorry nakalimutan ko, sige ako na lang pala ang mag-isang mamamasyal."
"Ano ka ba, kaya ko na, isang beses lang iyon, hindi naman siguro araw-araw sasakit ang ulo ko, at tsaka natatandaan mo ba iyong sabi ng doktor, sabi niya pagod lang daw to, wala naman akong ginawa buong magdamag, kaya wala akong rason para mapagod."
"Sige, bahala ka," ani Anna.
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
Teen FictionMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..