Wrong Send? (One-Shot)

591 18 14
                                    

Da'ef! Yung feeling na andaming nawowrong send! 

Sarap hampasin ng monitor eh!

Yung may nag-chat sayo ng..

"Condolence sa tatay mo"

"Nagpadala ako ng 5k. Ito yung MTCN #"

at ang masaklap pa.

"I love you babe. Good Nyt!"

Oh diba? Sino ang hindi mabwibisit dun? 

Day 1.

Masaya akong naglalaro ng candy crush sa fb account ko ng biglang may nagpop-up sa monitor ng computer namen.

FROM: Silent Dead

Sorry na babe. Mag-usap tayo bukas pls.

Hmm? Babe? Silent dead? Sino to? Mareplyan nga.

Ako: 

Hoy! Leche ka! Sino ka ba? Babe mo mukha mo!

yan. Nareplyan na. Nyeta! Level 115 na ako eh. Nadead tuloy >_<

Nagreply naman siya.

FROM: Silent Dead

Alam kong ikaw si Kendra kaya wag ka na magsinungaling. magkita tayo bukas please.

halla! Kilala niya ako! No no no. Baka naman may nanloloko lang sa akin. Lakas ng trip ha.

Ako: 

Leche ka! And so kung ako si Kendra? Ako lang ba ang may pangalan na ganun? Naku naku! Kung niloloko niyo lang ako, tigilan niyo na yan dahil nakakabwisit!!! Leche!

At nag-out na ako. Banas! Hindi ko na tuloy natapos ang paglalaro ko! 

Day 2.

Nag-open ulit ako ng acc. ko. Online si Silent Dead. Ma-off ko nga ang chat ko.

i-ooff ko na sana kaso nagpop-up nanaman pangalan niya.

FROM: Silent Dead

Hindi mo ako sinipot kanina. Ano bang problema mo? Nakikipag-ayos na nga ako sayo eh!

Errrrr!!! Nakakabanas na siya ah!! Lokohan pala gusto mo eh.

Ako:

Eh ano naman kung hindi kita sinipot? Problema ko? Ikaw! Ayaw ko na sayo kaya tigilan mo na ako!

Enter.. Hmm. Tingnan natin. Kala mo ikaw lang may trip? XD

FROM: Silent Dead

Sorry na babe. Hindi ko sinasadya yun! Mag-usap tayo pls.

hindi ko na siya nireplyan. Manigas ka jan! Peste ka!

@School.

I'm Kendra Arellano. 1st year college and taking up BSAC at malelate na ako!!

Agad naman akong pumara ng jeep. Banas naman! Kung hindi dahil sa Silent Dead na yun hindi ako malelate ng ganito eh! Psssh.

"Kendra!!" tawag sa akin ni Lizet.

"Oh, ano problema mo?"

"May naghahanap sayo kanina pa. At ito pa, ANG GWAPO NIYA!!" sabay tili. Ang sakit sa ilong -_-

Wrong Send? (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon