Madami nang kulang sa buhay ko. Maraming naiwan na puwang dito sa puso ko. Pero naniniwala akong madami pang mangyayaring maganda sa buhay ko.
"Mom wake up. The breakfast is ready!" I flashed a big smile when her eyes open. Napakaganda talaga ni Mom. She looks like someone. Pero mahahalata mo ang pagod sa mukha nya.
"Why are you here? YAYA! I told you dont let her enter here." agad agad nagpunta si Yaya sa gilid ko.
"Maam Hope ayaw ko po mawalan ng trabaho kaylangan ko ito maam para po sa anak ko." naawa naman ako sa kanya kaya naman lumabas na ako.
"Sorry Yaya ha. When she wake up please tell her na pumasok na po ako ha. Tsaka po yung mga niluto ko ibigay nyo po sa kanya."
"Anak naman sabi ko sayo diba wag ka na magluto kasi di naman nya kinakain. Nasasayang lang lahat ng mga niluluto mo tsaka hindi ka nama nya hina...."
"Yaya okay lang po yun. Yun nalang po ang effort na magagawa ko. Yaya yang mga pagkain pede nyo pa po yang kainin pero yung effort ko po di po yun mapapalitan. Tsaka lahat gagawin ko po para kay Mama ." sa totoo lang nahurt talaga ako. Kaya pinatigil ko na yung mga sinasabi nya. Tapos niyakap ko sya.
"Nako anak ang init mo ah. May lagnat ka. Uminom ka ng gamot halika na at bumaba."
"Yaya okay lang po ako. Puyat lang po ako kasi nag aral po ako kagabi para sa Exam ko. Alis na po ako Yaya." Sabay maaga pa ako nagising para mag luto ng breakfast ni Mama. Kaya ayon Lagnat ang abot ng Ate nyo.
"Mang Rene tara na po!" Agad nya naman akong nginitian. Napakaganda talaga ng ngiti nya.
"Okay po Maam Hope. Okay lang po ba kayo? Mukha po kayong may sakit maam." bakas sa mukha nya na nag aalala sya.
"Okay lang po ako. Medyo puyat lang po ako Mang Rene magdamag po kasi akong nag aral eh."
"Nako sigurado ako maam ay perfect nyo na naman ho ang exam nyo. At magiging top 1 na naman ho kayo. Sigurado hong proud na proud na ang Maam Celine sa inyo." medyo nalungkot ako sa mga sinabi nya.
"Sana nga po Mang Rene. Tara na po." Agad naman kaming umalis. Para pumunta sa school ko. Oo school ko. Regalo yun sakin ni Dad nung 13 ako. Kaya mahalaga yun sakin. Kasi yun talaga ang nagpapa alala sa kanya sakin. Ay di pa pala ako nagpapakilala pero andami ko ng naidaldal.
Im Lightning Hope Lim. Yun ang binigay sakin na identity ng Mom ko since nung nag 14 ako. Magulo ba? Sorry HAHAHAHA Sabi nung iba di daw ako maganda. Maputi lang daw. Pero para sakin maganda ako. I do belive. If you believe that youre beautiful you will be. Ako na nga lang naniniwala na maganda ako eh. Di ko pa ba ipagmamalaki? Hahaha All woman out there are beautiful they deserve to be beautiful.
"Hope! Hope! Hopia!"
"Ano ba Dae ang ingay mo aga aga oh?" Di na nagbago to si Dae kakadating lang dadakdak agad.
"May gwapo daw tayong kaklase Ace. Omg baka sya na ang para sayo! Kinikilig ako pag naiisip ko."
"Shut up. Dont call me Ace. Im Hope. Tsaka ano ka ba di mo pa nga nakikita eh diba? Pano mo nalamang gwapo?" Grabe talaga tong babaeng to eh. Bilis makasagap ng mga chismis dito. Daig pa ako. Eh akin to.
"Ay sorry hehe Sa labas narinig ko kaya no. Excited na ako." Halata mo sa kanyang kilig na kilig sya grabe.
"Alam mo namang wala akong time sa ganan diba? Kaylangan ko mag aral. Kaylangan ko ipakita kay Mom na dapat syang maging proud sakin."
"Hay nako kahit anong gawin mong puyat at ilan pang medal ang iuwi mo di ka papansinin ni Tita Celine. Kaya ikaw Ace ay Hope pala itigil mo na yan."
"Ay ewan ko sayo. Nag aaral ako. Shhhhhhhhh!" Pero naiisip ko din yung mga sinabi nya. Pero aasa pa din ako. Gagawin ko pa din yung best ko.
Dae's P.O.V
"Grabe muntik na akong mahimatay at manosebleed don sa Exam na yon grabe. Nakakapanlumo talaga."
"Yes tama ako sa 17! Dae tama ako. Yehey!" buti pa tong si Hope isa lang problema ako halos lahat eh.
"Buti ka pa. Alam ko namang kaya mong iperfect kahit di ka pa mag aral."
"Hala uy di ah. Dinaan ko lang lahat sa aral. Sabi ko naman kasi sayo mag aral ka diba? Ano ba kasi pinag gagawa mo?"
"Ay hehe. Nagcompose pa kasi ako kagabi tas ayon nakatulog ako. Haha pag gising ko umaga na ayon nganga."
"Ayan ang sinasabi ko sayo eh. Wag ka mo pa din dapat kalimutan mag aral nako."
"Opo na madam." Kasi naman naexcite ako sa new guitar ko kaya nagcompose ako. Haha Madami akong talent. Puros lang ako talent talaga. Hahahahaha I can sing , can dance and yeah I can compose and I can act. Tsaka pala Im a model. Ay speaking of model.
"Hopia may shooting pa pala ako. Una na ako ha? See you tom. Ingat ka ha. And magpahinga ka."
"Aw okay. Uwi na din ako. Magluluto ako for Mom." yan na naman sya sa pagluto na di naman kinakain ng Mama nya. Sarap sarap pa naman nya magluto.
"Pagtira mo ako dun ako mag dinner ha." Ayako kasi masayang mga niluto nya eh.
"Sure. See you." Ang saya nya pa din despite ng mga napagdaanan nya. Shes really strong. Not like me.
YOU ARE READING
Filling the Gaps
RandomPano mo nga ba pupunuin ang maraming kulang sa buhay mo ng mag isa? Mga materyal na bagay ba o mga tao mong minamahal? Sama sama nating hanapin ang kulang sa buhay ko. Filling the Gaps. Please vote kung itutuloy ko pa ba salamat po ❤