Tumigil ako sa pagkain.
“Ah. Eh. Baka maguusap kayo.. uwi na kaya ako?” naiilang na utas ko.
Jusko.Eh, pakiramdam ko babalatan na ako nang buhay nang mestisang hilaw na ‘to eh.
Kinuha ko ung bag ko pero agad akong pinukol nang pamatay na tingin ni Brian.
“Subukan mong umalis, itatanan na talaga kita para di mo na ako maiwan ulit.” Seryosong tugon nya sakin.
Uminit ang pisnge ko sa sinabi nya! Peste talaga ‘to!
Nakita kong niyugyog ni Angelie ang balikat nya.
“hey, what are you saying? I can’t understand!” angal nya.
Umirap ako kay Brian. “Asikasuhin mo muna yan, Next time nalang ako. Tss” utas ko pagkatapos ay tuloy-tuloy na naglakad pero agad na hinila ni Brian ang kamay ko.
Halos madapa ako sa kanya dahil doon.
“hey!” utas ni Angelie nang matapakan ko pa ang paa nya.
“Shet brian! Im so sorry!” utas ko kay Angelie. Umirap sya sakin.
Whoa! Taray! Bakit hindi si Brian ang sisihin mo? Sunugin kita diyan eh!
“Common Bri! Let’s go home together.” Malanding utas nya sakin.
Tumaas ang kilay ko. Bri? Wow! May nickname talaga ha? Galeng!
Pilit kong hinila ang kamay ko kay Brian pero hindi nya ako pinayagan. Anakngtinapa!
Binalingan nya sa angelie pagkatapos ay tinanggal ang kamay nyang nakapulupot sa kanya.
Napanganga ako nang makita ang halos maiyak nang itsura ni Angelie.
“Listen up! I not going anywhere Angelie,” utas nya. Hinapit ni Brian ang bewang ko pagkatapos ay hinalikan ako nang mabilis sa labi.
“My Home, My Life and My Love is here.” Dugtong nya. Sabay na nalaglag ang panga namin ni Angelie, siguro sa kanya ay dahil sa gulat, Pero ang akin. Langya! Dahil sa hiya syempre.
Mahina kong hinampas sa balikat si Brian. “bwisit ka! Hindi ka na nahiya. Bitawan mo nga ako!” utas ko sa kanya.
Ngumese lang sya sakin. “No way. I will keep you house arrest. Dito sa bahay ko.” Bulong nya pabalik at.. Putang*na lang! Ang sarap magmura nang bongga! Tama na ang pagpapakilig brian Jusko. Hindi na kaya nang puso ko.
Napatingin ako nang madinig ang pagsinghot ni Angelie. “i-I thought.. were o-okay?” tanung nito.
Napangewe ako pagkatapos ay tumingin kay Brian. I knew it! Pinaasa nya ung tao. Ang sama talaga nang ugali nang taong to.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove
فكاهةSi Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng...