PART 24: GETTING SERIOUS

4.9K 108 2
                                    

Karlas's POV:

Nang makarating kami sa Manila, agad kaming dumerecho sa Muntinlupa.

Pag baba ko ng sasakyan ang mga mahihigpit na yakap agad nila Mama at Papa ang sumalubong sa akin.

"Anak.. sobra kaming nag alala sayo.. Kung alam mo lang anak ang hirap bawat araw.." Bungad ni Papa.

"Wag na po kayong mag alala Pa.. At least ngayon malapit nang matapos lahat.. At finally naka uwi na ako.. magkakasama na ulit tayo.." Sagot ko.

Tumango siya.

"Anak.. kwento mo naman sa amin ang mga nangyari.. Last time na nag usap kami ni Dan ang sabi niya ikaw daw ang mag kwekwento sa amin ng lahat.." Pakiusap ni Mama.

"Sige po Ma.. Tara na po muna sa loob.. Doon ko na po kwe-kwento sa inyo lahat ng nangyari.." Sagot ko.

****

Nang nakapasok kami sa loob ng bahay, agad kaming nag tipon sa sala. Doon ko na nakwento ang lahat ng nangyari.

Sinumulan ko nung araw na nakuha ako ni Jacob. Hangang sa tinago niya ako. Pati na din ang pag tulong ni Paul sa akin. Pati ang ang punta ko sa Tarlac at pagkikita namin no Dan. Na kwento ko na din sa kanila ang pag baril sa akin ni Jacob sa airport. Hanggang sa na operahan ako at na admit.

"Anak pasensya ka na at wala kami nung mga oras na kailangan mo kami.." Pag papaumanhin ni Papa.

"Pa okay lang.. Sinadya po talaga namin ni Dan na wag munang ipaalam sa inyo ang mga nangyari.. Mahirap na po kasi baka makasama sa puso niyo ang mga balita.. Pero ngayon po.. okay na okay na ako.. At hawak na ng mga pulis si Jacob.. Kaya we can live peacefully." Paliwanag ko.

"Alam mo Karla Dominique.. Ngayon na malapit nang matapos tong problema natin.. Iwasan mo muna ang pakikipag relasyon.. Ipahinga mo muna amg sarili mo.." Pakiusap ni Papa.

Napatingin ako kay Dan na mukhang problemado. Tapos ay agad niyang kinausap si Papa.

"Tito.. seryoso po? Hindi niyo po papayagan si Karla na mag boyfriend?" Tanong niya.

"Oo.. Muntik na siyang mamatay ng dahil sa lalaki.. Kaya hindi na siya pwedeng mag boyfriend ulit.. Ipapasok ko nalanv siguro siya sa kumbento.. Para naman makapag pasalamat siya sa pagliligtas sa kanya." Pagbibiro ni Papa.

Napailing si Dan.

"Papa naman! Wag naman pong ganun.. Ang tagal na po ng inantay ko para kay Karla.. Binuwis ko na din pk ang sarili kong buhay para sa kanya.. Akala ko naman boto na kayo sa akin." Sagot ni Dan.

"Aba! Papa na ang tawag mo sa akin ngayon. Bakit? Tinatanggap na ba kita bilang manugang?" Dagdag pang tanong ni Papa.

"Pa naman.. Hindi pa ba ako pasado para maging manungang? Aba magandang lahi ang maibibigay ko sa inyo.." Pag bibiro ni Dan.

Binatukan siya ni Papa.

"Magandang lahi ka diyan! Hindi! Layu-an mo ang anak lo Dan." Pagbabanta ni Papa.

"Ayaw.. Mahal ko.." Sagot ni Dan.

Nginiti-an siya ni Papa.

"Sige na nga! Dahil mapilit ka sige na! Tinatanggap na kita!" Sagot ni Papa.

Ngumiti din si Dan.

"Oh wala nang bawian ha? Pumayag ka na! Madaming nakarinig sa sinabi mo! Seal na ang deal! Ipinapaubaya mo na sakin si Karla!" Masayang sagot ni Dan sa kanya.

"Oo na! Hala sige na at matulog na kayo.. Alam ko kailangan niyo ng pahinga.." Pag utos ni Papa.

Agad akong inakbayan ni Dan.

MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon