Chapter 1 "Lost"

20 0 0
                                    

Umagang-umaga pero parang ayaw ko na bumangon. Mas gusto ko pa dito sa kama e. I feel free. I feel wanted. Diba kama ko? Hays. Heto na naman ako. Buang na, pati kama kinakausap. Paano ba namang hindi e andito nga ako sa bahay pero pakiramdam ko naman na hindi ako belong at loved dito. Umaga pero paggising ko puro puna bunganga maririnig ko. Hays wala na talaga akong nagawang tama.
"Dudaaaaay! Bumangon ka na! Maglinis ka ng kwarto mo dyan!!" Sigaw ni mama sa baba habang kinakatok ang pangalawang palapag ng bahay gamit ang panungkit namin. Kahoy kase ang second floor namin at madali lang abutin ng panungkit.

"Oo na! Kakalinis ko lang kahapon linis na naman!"

"Talaga! Maraming gawain dito sa bahay kaya ikaw ang babae dapat palagi kang maglinis"

"Ang laki laki na ng mga anak mo pero sila di mo pinaglilinis ng sarili nilang kwarto? Pati paglalaba ng damit nila satin pa umaasa! Magkanya kanya na lang kaya tayo ng laba para naman fair!" Sagot ko kay mama. Totoo naman kase e. Porke lalaki sila di na sila gagawa ng gawaing bahay? Unfair yun! Totally unfair!

"Kumaen ka na nga! Magtira ka ng ulam sa mga kuya mo!"

"Hindi pa nga ako nakakakain akala mo naman uubusin ko to!" Minsan naiisip ko kung ganyan din kaya sinasabi niya sa mga kuya ko kapag ako na lang yung hindi pa nakakakain. Kaso parang malabo. Asa pa ako.

Somewhat, i don't feel the love from them. From my parents, from my siblings or maybe di lang sila ganun ka showy. May mga parents kaseng showy at hindi showy. Maybe super lucky and blessed nung may mga parents na kahit 20 na sila e super caring and sweet parin ng parents nila sa kanila.

Palibhasa, ampon lang ako....

Oo, nakaka-inggit. Sobrang nakaka-inggit yung may ganung parents. Lagi akong naiinggit lalo na sa mga friends ko na super bait, kulit, at cool ng parents.
Siguro nung unang panahon sobrang sama ng ugali ko at eto yung parusa ko dahil sa hindi ko paggawa ng tama noong mga panahon pa ng hapon. Kagaya nung sa The Legend of the Blue Sea? Yung tipong narirepeat lang yung sequence of events. Hehehe yan kase kakanood ko ng kdrama kung ano ano na iniisip ko. ^-*

Kailangan ko nga palang magpakilala muna sa inyo! Well, ako si Duday from the root word Doona Salvetre.

Kagandahan? Hmm, medyo? Hindi ako sigurado e. Pero magtiwala na kayo sa medyo atleast may mukha. Hehehe ^~^ 5'3 lang ang height ko at ang weight ay? Let's say below 50kgs. Hahaha petite ako e. Sobrang bilis ng metabolism ko. And I have a fair complexion. Hips-length hair na willing magpa boy-cut. (A/N: Yeeey! Gusto kase ni author ng boy cut na hair e hihihi) Tall nose, chinitang eyes and a small lips.

Ps: mataba ang pisngi wew! So that's me Duday at your service na may galis na tinatago sa walis hehehe

Kidding aside, tapos na ako maligo at inaayos na ang mga gamit ko pang school sa backpack kong music notes ang print, color black and neon green. Mahilig kase ako sa earthly colors like green. 😊😊

"Ma! Alis na po ako ah tapos na ako kumaen at mglinis ng kwarto. Everything is done!" -bati ko kay mama. Malay mo, magbigay ng extra baon hahaha 😁
"Hmp! Sige magingat ka magdala ka na rin ng payong" sabay abot ng payong sakin "mukang uulan e"

Kinuha ko na ang payong at inilagay na ito sa bag ko
"Thanks ma! I love you bye!" Nagwave na ako at umalis.

Kahit ampon lang ako I can say na super swerte ko sa mama ko kahit mabunganga siya. Mahal na mahal nya kase ako. 😊😊😊

Habang naglalakad ako, sinusubukan kong pagsabayin ang dalawang kamay ko sa paggalaw. Hahaha ang hirap pala ^_____^

Nakasakay nako sa jeep ng biglang may nakita akong panyo sa sahig.

Kulay puti ito na may burdang di ko maipaliwanag.

Para syang....

Chaaaar!! Simpleng rosas lang sya pero kulay green.

Hahahaha may rosas bang green? 😂
(A/N: OO! AYAN OH KAKAKITA MO LANG WAG KANG TANGA)

Pilosopo author? Masyado kang hb ah! Hahahah oo na! I mean bat kaya green? Hahaha sakto fav color ko ang green. :)

Since ako lang magisa sa jeep tinago ko na ito at nilagay sa bag ko. Labhan ko nalang later muwahahahhaha

-------------------------------------------------------
A/N: Hi! Ano kaya ang meron sa panyo na yun and ano kaya ang mangyayare pagdating nya sa school? Is it going to be a good luck or a bad luck?

First time kong gumawa ng story and sana may mag read mwahahaha

And sana sipagin ako ^....^

Spirito ng kasipagan, sapian mo ako hahaha

I'll continue writing the story para naman magkaroon kayo ng idea sa plot ng story mehehehehe *=====*

A/N: HI GUYS IT'S 2019 NA AND COMMENT KAYO IF NABASA NYO TONG PART 1. I WILL BE CONTINUING THE STORY AFTER A VERY LOOOOOOOONG (OA NG LONG HAHA) TIME. 😚😊

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon