CHAPTER 27

1.2K 80 87
                                    

CHAPTER 27

Pagdilat ng mata ko, wala na si Suga sa tabi ko. Sanay naman na akong walang katabi matulog pero kagabi, yun na siguro yung pinakamaayos kong tulog.

Aalis na sana ako sa kama nung napansin kong may pagkain na nakalagay sa tray sa paanan ko. Hinatak ko yun palapit sakin at may nakita akong note.

'I have to get ready for my shoot today. Eat your breakfast first. Have a nice day, Jimin.

Ps: You're smiling like an idiot when I woke up, why? Did you have a good dream? Or did you dream about me? -Suga'

Nakangiti ako habang natutulog?

Nagulo ko yung buhok ko sa sobrang inis sa sarili ko. Bakit ako nakangiti? Tanga na ba ako?

"Bakit ako nakangiti ngayon?" Sabi ko saka pinilit yung labi ko na wag ngumiti. Bakit ang saya ko ngayon?

Nababaliw na siguro talaga ako.

Kumain muna ako bago ako naligo. May nakahandang damit sa sofa kaya yun yung sinuot ko. Bumaba na ako dala yung tray nung nakita kong sobrang daming tao sa bahay.

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Alys nung napadaan sya sa harap ko.

"Dito magsho-shoot si Suga. Sa garden. Pwede ka namang manuod kung gusto mo. Punta ka na lang don." Sabi nya bago nagmamadaling umalis.

Dito pala sya magsho-shoot kaya maaga silang pumunta dito kagabi. Dumiretso na ako sa kusina para hugasan yung pinagkainan ko. Kumuha rin ako ng banana milk sa fridge bago dumiretso sa garden.

Nakita ko si Suga na nakaupo lang habang nag-aayos yung staffs para sa shoot. Sumandal lang ako sa pader habang tinitignan sya.

Sa apat na buwan na wala ako sa tabi nya, ano kayang nangyari sa kanya?

May lumapit kay Suga na babae na nakabikini kaya biglang kumunot yung noo ko. Napangiti naman bigla si Suga kaya mas lalong kumunot yung noo ko. Hinalikan pa sya nung babae sa pisngi at nag-usap silang dalawa.

"Hah! Akala mo walang girlfriend kung makalandi." Bulong ko. Pinanuod ko lang silang mag-usap nung babae at may pahampas hampas pa sya sa braso ni Suga.

Kung nandito siguro si Gabrielle, sobrang nagseselos na yon. Buti na lang ako yung nakakapanuod neto kaya walang magseselos.

Nabitawan ko yung banana milk nung niyakap ni Suga yung babae kaya napatingin sakin yung ibang tao. Nagkalat yung banana milk sa tiles kaya napasapo na lang ako sa noo ko.

"Sorry! Sorry! Lilinisin ko na lang." Sabi ko saka tumingin ulit kay Suga pero hindi man lang nya napansin na nandito ako.

Inis akong bumalik sa loob ng bahay para kunin yung mop. Pumunta ulit ako doon sa pwesto ko para linisin yung natapon kong banana milk.

"Mapuputol na yung stick ng mop sa sobrang lakas mong mag-mop." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Suga. Hindi ko sya pinansin at nag-mop na lang ako ulit.

"Badtrip ka ata." Sabi nya, "Sige, hindi muna kita kukulitin."

Tinignan ko sya at naglalakad na sya palayo sakin, "Bakit hindi mo ko babadtripin? Hah! Bakit? Yung babae ba na yon yung gusto mong badtripin? Babaero kang gilagid ka." Sabi ko saka nag-mop ulit.

May payakap yakap pa sa babaeng model na yon akala mo naman straight!

Bumalik na ako sa loob ng bahay saka sinoli yung mop. Umupo ako sa sofa para magpahinga nung may humintong babae sa harapan ko.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon