Bang! Bang! Baril!
Wag mo itutok ang baril, baka gatilyo'y mapisil

Baka gatilyo'y mapisil, baka gatilyo'y mapisil
Sawa ka na bang makita mga pamilyang nagluluksa?
Nasirang pangarap sino ba ang pumuksa?
Mga batang nawalan ng magulang,
Mga magulang na nawalan ng anak
Isang buhay na masaya, isang tingga lang ang sumira
Wag mo itutok ang baril, baka gatilyo'y mapisil
Wag mo itutok ang baril, baka gatilyo'y mapisil
Baka gatilyo'y mapisil, baka gatilyo'y mapisil
Ganid sa kapangyarihan ano ang naging resulta?
Malalapit mong kaibigan ikaw din ang tumira!
Kung gusto mong maupo at makatulong,
Bakit kailangan pang maging gan'to?
O puso mo ba'y naging bato?
Wag mo itutok ang baril, baka gatilyo'y mapisil
Wag mo itutok ang baril, baka gatilyo'y mapisil
Baka gatilyo'y mapisil, baka gatilyo'y mapisil
Nasilaw sa pera nawala na ang hustisya?
O ngayon ako'y gumawa ng tula,
Wag ka sanang matulala, wag ka sanang matulala
Instrumento sa pagpatay, kailan ba ito mamamatay?
Kung ako ang papipiliin gitara ko ang aking dadalhin
Di man ako magaling, mensahe ko sana'y maiparating
Wag mo itutok ang baril, baka gatilyo'y mapisil
Wag mo itutok ang baril, baka gatilyo'y mapisil
Baka gatilyo'y mapisil, baka gatilyo'y mapisil
Ilan pa kayang magdadanak ng dugo?
Ilan pa kayang kakain ng lupa?
Ilan pa kayang iiyak?
Ilan pa?
Ilan?
Ang nabubuhay sa baril, sa baril din mamamatay...
-monte carlo dadula