Promise 16- Almost the Ending

2 0 0
                                    

[Mikasa Point Of View.]

Nandito kami sa loob ni nanay at kinakausap si rin na nakahiga at ang daming nakaano sakanya kaya lalo akong napaiyak miski si nanay naawa kami sakanya pero hindi alam ko na mabait ang Panginoon hindi niya hahayaan na iwan kami ni miku ng ganon kadali hindi niya pa panahon alam ko na magigising pa siya, kahit na kinakabahan ako ay patuloy padin akong magdadasal na magising siya.

"Rin anak gumising kana madami kaming nagaantay sayo dito, anak patawarin mo sana ang nanay sa nagawa niya alam kong sobra kung hihilingin pa ko pero para din toh sakanila at sayo gumising kana anak. Marami kaming nagmamahal sayo dito at hindi namin makakaya kung mawala ka, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng nanay hah." Nakayakap si nanay kay rin habang umiiyak kaya lumapit ako sakanya at niyakap silang dalawa

"Rin gumising kana hah, please gumising ka." Sabi ko sakanya

Nagintay pa kami ng ilang minutes bago kami lumabas at nagpasalamat kay len sinabi ko na iuuwi ko muna si nanay at babalik na lamang ako bukas.

Panginoon pagalingin nyu sana siya dahil kahit hindi kami magkadugo hindi ko kakayanin na mawala siya dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko, kaya nagmamakaawa po ako kahit ngayon lang po pagbigyan nyu na kami wag nyu pong hahayaan na mawala si rin gabayan nyu po siya.

[Len Point of View.]
Hindi padin nagigising si rin mamaya daw ililipat na siya sa kwarto nandito padin kasi kami sa emergency room kagagaling ko lang sa simbahan at nagdasal sa Panginoon na sagipin si rin. Dahil hindi ko makakayanan na mawala pa siya sakin sa ikalawang pagkakataon. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko na pumasok si mom at Ivan hanggang ngayon hindi padin pumapasok ang dad dito dahil hindi niya daw kaya tignan si rin, sinisise niya ang sarili niya sa nangayari kung di daw siya nagkasala di daw sana mangyayari ito pero sinabi naman namin na pinagsisihan niya na yun at past na yun kaya dapat ng kalimutan ang mahala ipagdasal na lang namin ang paggising ni rin.

"Wag kang magalala len magigising din ang kapatid mo, magdasal lang tayo." Sabi ni Ivan at hinawakan ang balikat ko

"Tama siya anak may awa ang Panginoon." Sabi naman ni mom at hinawakan ang kamay ko

Lumabas nadin kami dahil ililipat na daw si rin sa kwarto.

•5 days forward•

Hindi padin siya nagigising kaya nagaalala na kami pero hindi kami titigil na umasang magigising siya.

Nagising ako sa paggalaw ng daliri ni rin dahil hawak ko ito tinignan ko ang mata niya pero nakapikit padin ito kaya agad akong tumakbo palabas at tumawag ng nurse. Nandito naman kami sa labas at nasa loob ang doctor upang suriin siya, maya maya lumabas na ang mga nurse at ang doctor lumapit ito samin ng umiiling kaya napakunot noo ako.

"I am sorry but it only make her worse her body depends on the machine now if we turn it off she might die, I am truly sorry but the only thing we need now is a miracle." Sabi ng doctor kaya tumakbo ako at umalis.

No she can't die! She can't!

[Third Person POV.]

Tao po! May tao ba dito?- sigaw ni rin habang naglalakad lakad sa isang magandang garden

Gising kana pala- sagot sakanya ng may ari ng garden na ito ang kanyang ina

Teka mama?- tanong ni rin pero ngumiti lamang ang babae at nilapitan siya at niyakap. Para kay rin ay napakasaya niya dahil sa wakas nayakap niya na din ang tunay niyang ina pero meron sa isang parti niya ang nababahala at nalulungkot.

May problema ba?- tanong ng kanyang ina. Alam niya na nababahala ito pero gusto niya ay dito manggaling.

Patay napo ba ako? Magkakasama napo ba tayo?- tanong ni rin sa ina, ngumiti ito at hinaplos ang kanyang mukha

Yun ba ang gusto mo?- tanong niyo, ngumiti ito pero agad ding nawala

Gusto ko po ang kaso meron po akong mga naiwan- sagot nito at nalungkot, imbis na malungkot ang kanyang ina ay ngumiti ito.

Magkakasama tayo pero kung ito'y gugustuhin mo, hindi kita pipigilan sa kung anong maging desisyon mo- sabi ng kanyang ina sakanya kaya agad na lumiwanag ang mukha ni rin sa nalaman

Ang ibig nyu pong sabihin pwede ko papo sila makasama?- tanong ni rin sa ina, ngumiti lang ito at tumango. Niyakap niya ang kanyang ina kaya agad din itong niyakap siya.
"Mama mahal na mahal kopo kayo at gustong gusto kopo ang makasama kayo pero hindi papo ako handa na iwan ang iba ko pang mahal sa buhay kaya sana intindihin ninyo ako" sabi ni rin habang umiiyak sa kanyang ina hinaplos lang nito ang kanyang buhok at hinalikan siya sa ilong

"Anak ayos lang kahit ako ay hindi hahayaan na ikaw ay dumito na dahil hindi mo pa oras at mahal na mahal din kita anak" sabi ng kanyang ina at niyakap siya ng mahigpit

"Mamimiss kita mama" sabi ni rin sa kanyang ina  habang hinahaplos padin ang kanyang buhok

"Kapag ako ay iyong hinahanap ay tumingin ka lamang sa lamgit at ngumiti, lagi lamang akong nasa puso mo at gagabayan ka sa mga pangyayari mo sa buhay masaya man o malungkot lagi lamang akong nanjan aking anak. Basta maging masaya ka at mabait sa iyong kapwa" sabi ng kanyang ina at hinalikan ang kanyang noo

"Mama mahal na mahal kita" sabi ni rin, ngumiti ang kanyang ina at niyakap ulet siya at hinaplos ang kanyang buhok.

"Mahal na mahal din kita anak, sige na matulog ka na at hinahanap kana nila" sabi ng kanyang ina kay unti- unti siyang pumikit habang magkayakap sila ng kanyang ina at hinahaplos nito ang kanyang buhok.
"Mahal na mahal din kita mama" sabi ni rin at tuluyan na siyang nakatulog.


Pinky Promise To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon