Walang hiya siya! Tama nga yung hinala ko na may babae siya! Ang lakas ng loob niyang ipagpalit ako sa haliparot na yan at isinama niya pa talaga dito sa kwarto niya?
Ikakasal na kami pero one month pa lang nambababae na siya!? Kapalit palit ba ko? Bakit niya to ginawa? Matapos ko siyang uggghh! Nevermind!
Basta hindi na ko papayag na pakasalan siya! Isa siyang middle finger! Manloloko! Playboy!
Ngunit ba hindi ako kagandahan ipagpapalit na niya ko?! I hate him! Noong una pa lang naman ayoko na sa kanya pero ngayon kinamumuhian ko na siya!
Naout of balance ako at nadapa dahil sa pagkagulat nang makita kong unti unting tinanggal ng babae yung butones ng damit niya.
Tumingala ako habang nakadapa sa sahig. Pareho silang natigilan sa ginagawa nila.
“Anong ginagawa mo sa loob ng cabinet ko!?" Pagalit na tanong niya.
Napapikit na lang ako dahil sa kahihiyan.
Wait lang! Sila dapat ang mahiya sakin eh!
Tumayo ako at pinagpag ko yung damit ko.
INHALE. EXHALE.
“Sige lang ituloy niyo lang yang ginagawa niyo. Nakakaistorbo ba ako? Sige aalis na ko BYE!" Nagawa ko pang ngitian siya bago ako humakbang pero naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko.
“Chally..."
“Nagawa mo pa talagang banggitin yung pangalan ko." Sabi ko at tuluyan na kong umalis sa kwarto niya. Kinalampag ko yung pinto.
You broke my heart.
I will break yours too.Revenge is revenge.
I will break your Icy Heart!
---------------------
AN:
New story na naman haayys! Sana matapos toh hahaha!
BINABASA MO ANG
Mission Impossible: Break his Icy Heart
Teen FictionWho can break the Prince's icy cold heart? A Princess? A Queen? A Goddess? Or an Ugly duckling?