Friday na ngayon at naglalakad ako papuntang classroom nang makita ko si Skyker naglalakad din magsolo lang. Siguro ay papunta na rin ito sa classroom namin pero bakit kaya hindi niya kasama yung mga kaibigan niya?
Dahil naman sa kabaitang ginawa niya sakin kahapon ay kahit papaano I consider him as an acquaintance of mine kahit pa nung first day ko dito ay masama ang trato niya sakin, binawi rin naman niya yon at nagkamali akong masamang tao siya, may kabutihan din naman siyang taglay.
"Skyler!" Tawag ko sa kanya.
May kaunting tao ang nakarinig at napatingin sakin kaya ayun nagbubulungan na sila ngayon. Pero wala akong pakielam sa kanila, may sarili akong buhay na dapat intindihin.
Tumigil si Skyler sa paglalakad niya pero hindi siya lumingon sakin kaya naglakad pa ko hanggang sa makarating ako sa tabi niya.
Pagkarating ko naman sa may tabi niya e saktong nagsimula na rin siyang maglakad. Sabi na mabait din 'tong taong 'to e, hindi lang showy. Buti na lang hindi niya ako tinaboy.
"Good morning." Nakangiti kong sabi.
For the second time, I'm being friendly to him again. Kahit na nakipag-friends ako sa kanya nung first day ko dito tapos pinahiya niya lang ako, wala namang masama kung kakaibiganin ko pa rin siya.
Pero kung hindi ko siguro siya nakausap at hindi niya ko natulungan kahapon siguro hindi muna ako makikipagfriends sa kanya ngayon. Oo ganun ako ka-friendly haha.
Hindi naman siya sumagot sa bati ko kaya hinayaan ko na lang. Alam ko namang ganun talaga siya, inasahan ko na yon.
Napatigil naman ako nang may humarang sakin. Si Skyler naman ay derederetso lang sa paglalakad, hindi niya ata napansin na wala na siyang kasabay sa paglalakad. Di bale na, hindi naman niya kailangan ng kasabay.
Hinarap ko naman yung mga nangharang sakin.
"Yes?" Tanong ko sa kanila.
"Napakapapansin mo talaga e no? Una, feeling close ka kay Kevin ngayon naman kay Skyler!" Sabi nung babaeng mukhang clown sa sobrang kapal ng make-up.
"Fyi, hindi ako feeling close kay na Kuya Kevin! Bata pa lang magkakakilala na kami." I don't even know why I'm explaining myself to these people tsss. Such a waste of time.
"So bata ka palang nilalandi mo na sila? Wow!"
Sa sobrang inis ko sa sinabi niya ay nasampal ko siya bigla. Minsan talaga hindi ko macontrol 'tong kamay ko, bigla na lang. Pero she deserves it! She doesn't have the right to tell me those words.
Mabigat ang kamay ko kaya panigurado kahit hindi ko man intensyon ay malakas ang pagkakasampal ko kaya nagsugat ang labi niya.
"How dare you!"
Sinugod nila ako at sinabunutan. Hindi na ako lumaban dahil lalala lang lalo, nabigla lang din naman ako sa pagsampal. Ayoko na rin namang ma-office. Kaya pilit ko sila nilalayo sakin.
"Ouch! Bitawan niyo nga ako." Sabi ko pero ayaw pa rin nilang tumigil.
"Stop!" Napatigil naman ang mga nananabunot sakin sa narinig nilang boses kaya sabay-sabay kaming napalingon.
"B-but that girl slapped me!" Protesta nung sinampal ko pero hindi siya pinansin ni Skyler.
Napatingin naman sakin si Skyler ng seryoso at saka ako hinila paalis sa crowd.
"T-thanks." Mahinang sabi ko sapat na para marinig niya habang nakayuko.
"Why did you slap her?"
BINABASA MO ANG
Friendly Demon
Teen FictionMabait at friendly si Stephanie gaya ng kanyang mga magulang. Naco-control niya ang sarili niya na huwag lumaban sa mga nangbu-bully sa kanya dahil kapag hindi niya na-control ang kanyang sarili, maaaring sa hospital ang bagsak ng mga ito. Hanggang...