Chapter 2
Tinitigan ko siya ng matagal, hindi ako nagsa-salita. Hinihintay ko siyang magpaliwanag kung bakit siya nandito..
"oh, bakit ganyan ka makatingin? hindi mo ba ko tatanungin kung bakit ako nandito?" sabi niya, tinitigan ko lang ulit siya
"okay sige, nakita kasi kitang tulog dito tas parang nangangawit pa ulo mo kaya tinabihan kita tsaka isinandal yang ulo mo sakin" sabay ngiti nya
"ah salamat." sabi ko sabay tayo at naglakad, di naman kami close para kausapin ko pa ng matagal kaya aalis na lang ako
"uy teka lang naman, napaka-cold mo naman! gusto ko lang naman talaga mag-sorry dahil sa nangyari kanina" habol niya sakin
"diba nag-sorry ka na? tapos na yon." sabay lakad ulit pero pinigilan nya ko
"diba sabi ko babawi ako? ngayon na yung chance para makabawi ako sayo, i'm gonna take it" at hinila nya ako pasakay ng jeep, di ko alam kung bakit nagpahila ako. shet baka rape-in ako nito
"hahaha, don't worry di kita re-rape-in. Kakain lang tayo, libre ko"
"uuwi na ko, kanina pa ako hinahanap ni Nica" oo uuwi na lang ako, papunta rin naman samin tong jeep na to hehe
"ah yun ba, tumawag siya sayo kanina hehe sorry sinagot ko tawag nya. Ipinaalam na kita" asdfghjkl bakit pumayag si nica???
"tss bahala ka" sabi ko sabay lagay ng earphones sa tenga ko, di ko naman napansin ulit na nakatulog ako, nagising na lang ako nung tinatapik niya ako sa pisngi dahil malapit na daw kami bumaba
"asan tayo? akala ko ba kakain tayo?" pagtataka ko dahil nasa harap kami ng isang malaking bahay, pang-mayaman mga mare di ko kinaya
"oo nga, sa bahay ko tayo kakain. Tara na!" hinila na naman nya ako sa loob, hindi na ko nakapalag kasi sobrang mesmerized ako sa ganda at laki-- magkano kaya to? pambayad na din to ng tuition at may matitira pa, siguro pwede na din ako magpagawa ng bahay hmm
natigil ako sa pagco-compute nang makarating kami sa may dining area-- daming foods!!!!!! kukuha na sana ako ng pagkain ng pigilan niya ako
"wag yan, sa amo ko yan" nanlaki naman agad mata ko kaya umayos ako ng tayo
"bakit mo pa ako dinala dito kung hindi naman pala sa inyo 'tong pamamahay na 'to." nilibot ko naman yung paningin ko sa bahay nung amo niya, grabe ang yaman talaga
Akala ko sa kanila 'to kasi nag-bow pa sa kanya kanina yung mga guards sa labas e hmm
"hehe sorry, ipagha-handa lang kita saglit. Dyan ka muna ha" iniwan niya ako sa tabi maya maya naman ay bumalik agad siya may dalang isang pinggan na pagkain
"ako lang kakain?"
"oo, busog pa kasi ako e. Tara dun tayo sa may garden, wala pa naman amo ko e" hinila na naman nya ako, wow kanina pa ako nagpapahila ah what's with me today?
"share na lang tayo, ako na rin maghuhugas nitong pinagkainan natin. Pa-thank you ko na din. Wag ka na umangal dyan" sinubuan ko agad siya ng isang malaking bbq para di na magsalita
TE ANG SARAP LIKE HUMAYGHAD. MAKA-KALTAS KAYA TO SA SWELDO NIYA?
"dito ka nagpa-part time?" out of the blue ko natanong, mukha namang nagulat siya sa pagtatanong ko pero agad din namang nakabawi
"ah oo, kailangan e. buti nga ang bait ng amo ko" tumango tango naman ako, siguro malaki sweldo niya kaya nakapag-aral siya sa saint elaine
"mag part time din kaya ako dito? mukhang malaki sweldo mo e" naubo naman siya sa sinabi ko
"h-hindi!! wala ng space!!"
"easy, nagtatanong lang e." pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko hanggang sa mapansin kong sobrang gabi na pala
tumayo ako at pumunta sa kusina para hugasan ang kinainan namin-- habang naghu-hugas ako nakita ko siya sa kausap yung isang maid na 25 years old ata base sa mukha niya pero hinayaan ko lang sila mag-usap don
"uy uwi na ko, tapos ko na naman hugasan yung kinainan natin tsaka baka pagalitan ka ng amo mo kapag naabutan niya ko dito" paalam ko sa kanya
"a-ah wait lang, hatid na kita" dali-dali naman siyang nawala sa paningin ko kasama yung maid na 25 years old lang, nginitian naman nya ako sabay pasok sa loob ng bahay
"samantha!! halika na!!" nagulat ako nung makita ko yung sinasakyan niya
"hoy di naman sayo yan bakit mo pinapakialaman!!" sigaw ko pabalik
"pwede ko naman daw gamitin to kaya halika na bago pa dumating amo ko!!" dali dali naman akong sumakay at pinaandar niya naman agad ito
"teka paano mo nalaman bahay ko? stalker ka ba ha!" nang marealize kong tuloy tuloy lang siya sa pagd-drive
"hindi ah! nakita ko kasi sa id mo" ay sorry na judgemental lang, nanahimik na lang ako
//katahimikan//
di ako awkward since sanay naman ako sa ganitong happenings hahaha used to it
"so.. bakit dun ka pala tuma-tambay sa may malapit sa cemetery? di ka ba natatakot?" tanong niya sakin pero naka-focus lang siya sa pagd-drive
"peaceful." one word siguro naman gets niya na yon
"tipid mo naman magsalita, gusto ko lang naman makipag-friends sayo" napatingin naman ako bigla sa kanya
"why do you want to be friends with me? why me of all the people?" first time na may magsabi sakin nyan, di ako sanay since lahat.. di naman sa ayaw pero nasu-sungitan sakin kaya di na lang nila ko kinakausap
"because.. you're you? bakit, hindi ba pwede?"
"is that supposed to be a reason? wow ha" anong klaseng reason yon
"basta, gusto ko lang. yun na yon"
"okay? baka out of guilty lang yan. Di mo naman kailangang pilitin yang sarili mo na maging kaibigan ako." inaayos ko na yung gamit ko since medyo malapit na kami sa bahay ko
"hindi nga, gusto lang talaga kita maging kaibigan. Wag ka ngang ganyan sa sarili mo" sabi niya sabay ginulo yung buhok ko gamit yung isa niyang kamay
"hey! di tayo close para ganyanin buhok ko!" hinawi ko agad kamay niya, e totoo naman di kami close ni-hindi ko nga alam pangalan niya e
LUH OO NGA NO, DI KO ALAM PANGALAN NIYA PERO SUMAMA AKO LUH
"ouch sakit naman non! yaan mo, magiging close na tayo soon!" itatanong ko pa lang sana kung ano pangalan niya ng biglang tumigil yung sasakyan.. andito na pala kami
"see you tomorrow sammy! nice meeting you, sunduin kita bukas kapag maaga umalis yung amo ko ha!! byee!!" sabi niya pagka-baba ko ng sasakyan at pinaharurot nya naman agad ito
"HOY ANO PANGALAN MO!!" sinigaw ko ng buong lakas pero di niya na narinig kaya napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa loob
"nic--"
"GURL ANO YON HA!! KAW HA LUMALANDI KA NA HA! SAN MO NAKILALA YON TE, NAKA-CHAMBA KA ATA TE" tuloy tuloy na sabi ni nica
and i don't know what the hell just happened.
--------
a