"Anak kahit anong mangyari wag na wag kang lalabas dito." Naiiyak na sabi ng aking ina. Kasalukuyan akong pinapatago sa malaki naming cabinet. Naguguluhan man ay pumasok pa rin ako at pumwesto sa may sulok.
"Ma bakit po? Ano po bang nangyayari?" Naguguluhan kong tanong, natatakot ako sa mga ikinikilos ng aking ina. Tila ba may kung anong mangyayari na di ko dapat masaksihan at malaman. Nababakas ko sa mukha niya ang takot at pangamba. At tinitingnan niya ako na para bang ito na ang huli naming pagkikita.
"Ano mang mangyari anak lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at di yun magbabago" Umiiyak na sabi ng aking ina sabay halik sa aking pisngi.
"Ma-ma wag niyo po akong iwan, dito ka na lang p-po" umiiyak kong sabi, at pilit siyang niyayakap. Bigla akong pinaharap ng aking ina at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"Makinig ka Andrea, wag na wag kang gumawa ng ingay at wag na wag kang lumabas. Ano mang marinig mo ay wag mong intindihin. Para to sayo kaya kailangan mong magpakatatag" may nilabas na kwentas ang aking ina mula sa kanyang bulsa sabay soot sa akin. "Ito ang gagabay sayo kaya ingatan mo ang kwentas na to"
"P-pero mama" pigil ko sa kanya.
"Wala na tayong oras anak, mangako ka ma-mangako kang susundin mo ang mga sinabi ko" pinahid ng aking ina ang mga tumutulong luha mula sa aking mata.
"P-pangako po" matapos kong bitawan ang mga salitang yun ay kasabay ang pag sara ng cabinet at pag alis ng aking ina. Di ko naiintindihan kung bakit kailangan kong magtago. Gusto kong lumabas at sumama sa aking ina para malaman kung ano talaga ang nangyayari ngunit nangako na ako at ayokong sirain yun. Hinawakan ko ang kwentas ng aking ina isang babaeng may pakpak na tila ba isang anghel ay nakayakap sa isang lalaki. Natigilan ako ng makarinig ako ng mga kalabog at ingay sa labas. Kinabahan ako ng marinig ko ang natatakot na sigaw ng aking ina.
"Aaaaaaahhhhh tamaaa naah, pa-patayin nyo man ako pero hi-hinding hindi kayo magtatagumpay sa mga binabalak niyo" nahihirapang sabi ng aking ina, gusto kong lumabas at tulongan siya. Natatakot ako sa maaring mangyari. Bigla akong natigilan ng may marinig akong parang sinaksak ng anumang bagay. Ayokong isipin na aking ina yun pero di ko mapigilang umiyak. Tinakpan ko ang aking bibig dahil baka marinig ako ng sinuman sa labas. Kinakabahan ako ng may papalapit na yabag. Tumigil ito sa harapan ko at di ko alam ang susunod na mangyayari pag mabuksan ang cabinet na tinataguan ko anumang oras. Kinakabahan man ay ipanagdarasal ko na sana di nila bubuksan. Papalapit ng papalapit ang mga yabag sa harapan ko at di ko mapigilang magdasal na sana'y di nila buksan na sana'y aalis na lamang sila. Naaaninag kong hahawakan na ng isang malaking lalaki ang pinto ng cabinet ng biglang may pumasok na babae. "Alius umalis na tayo dito sa tingin koy nakatakas na ang bata" ani ng babae na tila magmamadali. "Sandali lang Alora titignan ko lang tong sa loob ng cabinet na to iba kasi ang kutob ko eh" "Ano ba Alius halika na wala ng oras baka magalit na naman satin si Marcus" nagagalit na saad ng babaeng Alora ang pangalan. "Oh siya sige tara na" paalis na si Alius ng tumigil siya sa harapan ni Alora. "Oh ano pang hinihintay mo tara na Alora" "Sige mauna kana may kukunin lang ako sandali sa loob" "Ano bang kukunin mo dyan? Akala ko ba nagmamadali tayo?" Naiinis na saad ni Alius. "Pwede ba Alius andami mo namang satsat mauna kana don at susunod ako agad. Utos to ni Marcus kaya pwedi makinig ka naman" nagagalit na sabi ni Alora. "Sige basta bilisan mo diyan ha" at umalis na ang lalaki. Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na ang Alius na yun pero biglang sumiklab ang aking kaba ng papalapit dito ang babaeng nagngangalang Alora. Dali-dali niyang binuksan ang cabinet na kinalalagyan ko. Napapikit ako sa kaba dahil di ko alam kung ano ang maari niyang gawin sa akin. Napamulat ako ng hawakan niya ang magkabilang balikat ko. "W-wag wag niyo po akong papatayin" umiiyak at nagmamakaawang sabi ko sa kanya. "Sshh wag kang maingay Andrea" sabay tingin niya sa likod na animoy tinitingnan kung may iba pa bang tao sa labas. At tiningnan niya ulit ako. "Ako si Alora at kaibigan ko ang ina mo andito ako para tulongan ka" "Si m-mama po si mama nasan po siya? Okay lang n-aman po siya diba?" Naiiyak kong tanong. "Wala na akong oras Andrea makinig ka sa mga sasabihin ko puntahan mo tong lugar na to at masisiguro kong ligtas ka dun" may ibinigay siyang papel sa akin. "Ano po bang nangyayari di ko po naiintindihan"
"Malalaman mo rin yan sa tamang panahon pero sa ngayon puntahan mo muna ang lugar na binigay ko sayo aalis na ako at tandaan mo to palagi Andrea sarili mo lang ang aasahan mo sa ngayon kaya tibayan mo ang loob mo at lalong wag na wag kang padadaig sa mga emosyon mo yan ang papahamak sayo naiintindihan mo ba?" "O-opo" nagtataka man pero sumang ayon nalang ako
"Sige na aalis na ako kaya sundin mo ang mga sinabi ko, okay" pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya. Naiwan akong naguguluhan at puno ng katanungan. Anong nangyayari? Sino si Alius? Sino si Alora? Sino si Marcus? May tinatago ba ang aking ina sa akin? Ano ba talaga ako? Ba't nila ako hinahabol? Naguguluhan na ako pero aalamin ko ang lahat aalamin ko ang lahat lahat at sisiguraduhin kong ipaghihiganti ko ang pagkamatay ng aking ina.
BINABASA MO ANG
The Hidden Identity
Mystery / Thriller"Bali baliktarin mo man ang mundo di mo pa rin mababago ang katotohanang anak ka ng isang demonyo" "Hindi, hindi yan totoo. Nagsisinungaling ka lang." "Darating ang panahon na malalaman mo rin ang Hidden Identity mo. Ang hidden identity na maaaring...