01. Heartbreak Girl (Part One)

10 1 0
                                    

01. Heartbreak Girl (Part One)

NASA kalagitnaan ako ng mahimbing na pag-tulog ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko iyon sa ilalim ng unan ko saka sinagot ng hindi tintignan kung sino ang tumatawag.

"H-hello?" garalgal na sabi ko. I cleared my throat then spoke again, "Hello?" I said with a clearer voice.

Biglang natahimik ang kabilang linya at ang tanging naririnig lang ay ang malakas na party music kaya kunot noo kong tinignan ang screen ng cellphone ko. Biglang nanlaki ang dalawang mata ko ng makita kong si Sky pala ang tumatawag. Nagising ang buong diwa ko, "Sky? Hello?!" natataranta kong sabi. Gabi na. Ano naman kayang problema nito?

"Eli..." humahagulgol na sabi ni Sky sa kabilang linya kaya lalo akong nataranta, "Bakit Sky? Anong problma?" tanong ko habang umuupo at nagkukusot ng mata.

"N-nakipag-break sakin si Drew, Eli. A-ang sakit!" umiiyak paring sabi niya. Napabuntong ako at kumalma. Napakamot ako sa noo. Well, siya si Skylar Quintana. Bestfriend ko simula pagkabata. Hindi na bago saakin ang pagtawag niya ng umiiyak. Lagi namang ganyan kapag broken hearted siya. Minsan ako na nga ang nasasaktan para sa kanya. Mahal ko kasi e.

Bumangon na ako at kahit malalim na ang gabi, nagdesisyon akong puntahan siya. Alam ko naman kung nasaan siya ngayong sinabi niyang nakipag-break sa kanya si Drew. Loko yun. Pinapangarap ko, pinapaiyak lang niya. Naku! Pag nakita ko lang siya, baka masapak ko pa. Tsk.

"Dyan ka lang. Papunta na ako," sabi ko habang nagpapalit ng damit.

Binaba na ni Sky ang tawag kaya dumiretso na ako sa basement kung saan nakaparada ang kotse ko saka nagmaneho papunta sa Classique: ang bar kung nasaan ngayon si Sky.

MAINGAY at medyo madilim ang loob ng Classique nang makapasok ako. Magaalas-dose na pala ng gabi. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga party people sa gitna kung nasaan ang dance floor, mayroon ding mga tao sa gilid nito na halos magkapalit na ng mukha sa kakamake-out. Nasaan na ba ang Sky na 'yon?

Dumapo ang paningin ko sa bar counter malapit din sa dance floor, at doon ko nakita ang halos wala ng malay na bestfriend ko. Nilapitan ko agad siya at umupo sa tabi niya.

"Sky..." marahang bulong ko sa kanya, sabay ng pagkuha ko sa hawak niyang bote ng Jack Daniels. Oo, bote na mismo. Tsk, ang babaeng 'to. Masamang mabroken heart. Naku! Bakit kasi hindi mo ako makita, Sky? Promise, pag ako minahal mo...

"Sir, kanina pa po siya dito. Ayaw nga po mag-paawat sa pag-inom," sabi ng bartender.

Sinulyapan ko siya, "Ganun ba? Salamat sa pagbabantay sa kanya ha?" ngumiti naman ang huli, "Ayos lang po, sir. Mukhang broken hearted po kasi si Maam. May binabanggit po kasi siyang pangalan kanina nang paulit-ulit,"

Nginitian ko nalang ang bartender at humingi ng paumanhin saka ko binalingan si Sky, "Huy, Skylar Quintana. Balak mo bang magpakamatay at lumalaklak ka ng alak? Parang-awa mo na... nineteen years old ka palang! Hindi na ko magtataka kung bukas wala ka ng kidney't atay," sermon ko kahit parang tulog na siya.

Napapangiting dinutdot ko ang pisngi niya, "Ako nalang kasi mahalin mo," bulong ko. Nagulat ako ng biglang gumalaw siya. Narinig ba niya ang sinabi ko?!

"D-drew..." napabuntong hininga ako. Kahit panaginip, yung taong nanakit pa rin ang hinahanap mo? Kailan ba magiging ako, Sky? Ha?

"B-bakit ka ba nakipagbreak saakin? K-kulang pa ba ako? H-hindi pa ba ako sapat? Ha? B-bakit?" hagulgol niya. Hinimas ko ang likod niya at pinatahan siya.

"B-binigay ko naman lahat ah? B-bakit kulang pa rin?" patuloy pa niya habang umiiyak. "B-bakit lagi na lang akong iniiwan?" sa sinabi niyang iyon ay kinabig ko siya para mayakap.

{ SHORT STORIES }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon