Ako'y nag-aaral, ika'y nagbabanat ng buto
Pang-tuition ko'y mula sa pawis mo
Oo, pasaway ka't matigas ang iyong ulo
Pero hindi ang iyong pusoSa tuwing nakikita ko ang pumapayat mong katawan
Gusto kong maiyak, at sa iyo ay yumakap
At sabihing, "Tol, salamat sa lahat."
Salamat at ako'y iyong tinutulunganPangako sa oras na ako'y nakapagtapos na
Papag-aralin kita
Kahit ano pang kurso ang kunin mo,
Ako naman ang sasalo sa iyo..---
Para sa kapatid kong si Gio. At para sa mga kapatid o kaibigan nating laging nakaalalay, tumutulong at gumagabay sa atin. Maraming salamat!
BINABASA MO ANG
Poems of Lilaurcas
PoetrySamu't saring tulang sa puso't isipan ko nagmula. Nawa'y inyong magustuhan! Ingat!