"And baby, it's amazing I'm in this maze with you. I just cant crack your code. One day you screaming you love me loud, the next day you're so cold. One day you're here, one day you're there, one day you care, you're so unfair--"
"Ano ba Trixy?! Hindi ko alam kung tumutula ka ba o kumakanta o ano mang ginagawa mo. Nakakarindi ka!" sita ko sa kanya. Kanta kasi ng kanta, hindi ko naman alam yung kinakanta niya. Para siyang baliw na nakangiti tapos kumakanta. Pero yung kanta niya, parang sapol ako. Inaasar nanaman niya ako.
"You're so hard naman, girl!" tapos sinamaan niya ako ng tingin. Si Rachel naman ay busy sa cell phone, malamang ka-text si Eric. Maya-maya'y kumanta ulit si Trixy.
"You get the air off my lungs, whenever you need it. And you take the blade right out my heart just so you can watch me bleeding. I still dont know why.. why I love it so much.. yeah!" feel na feel niya ang pagkanta, pilit na inaabot yung mataas na note. Sarap bigwasan nito.
Pero imbis na mairita dahil minsan sapol ako sa lyrics, tumatawa nalang ako. Kahit papano, napapasaya ako nitong babaeng 'to. Sa ganitong panahon na malungkot ako, andyan lang sila tapos patatawanin ako.
Ilang linggo na din simula nung candlelight dinner namin ni Josh sa rooftop. Simula noon, ewan ko pero naging aloof siya. Sabay lang kaming papasok pero pag uuwi, lagi siyang may lakad. Siguro thrice a week nalang kaming sabay umuuwi, tapos pag weekends, kaunting oras lang kaming nagkakausap dahil madalas, wala siya sa unit niya. Hindi man dapat pero nagdududa na ako. Kahit na palagi siyang nag-a-i love you, feeling ko may iba. May mali. Hindi na gaya ng dati. Hindi ko alam kung anong naiba. Basta ang alam ko lang, nalulungkot ako.
"Omg!" sigaw bigla ni Rachel tapos hinawakan niya ang pisngi niyang mamulamula.
"Bakit?" sabay naming tanong ni Trixy.
"Eric just invited me on a date tonight! Oh my gosh." sagot niya habang nagtetext ulit.
Tss, yun lang naman pala. Iniinggit lang ako nito eh! Ano ba... namimiss ko na si Josh.
"Naks naman Tado!" Trixy exclaimed. Tado?
"Sinong Tado?" tanong ni Rachel.
"Wala! Ang slow niyo." inirapan niya kaming dalawa ni Rachel. Malay ko ba sa pinagsasasabi nito? Parang ewan lang.
Wala pa yung prof. namin, 20 minutes late na 'yun. Tss. Nagbabayad kami ng matino sa school na 'to tapos late ang prof! How I wish sana dumating na siya para naman ma-divert 'yung attention ko sa lesson at hindi ko na maisip si Josh.
Napatingin ako sa likod ni Trixy, wala si Kier. Absent siya ngayon. Ilang linggo ko na din siyang hindi pinapansin. Hindi ko parin nacoconfirm si Dad. Sabi ng secretary niya, matagal pa siya sa ibang bansa. Si Alison? Wala pa naman siyang ginagawa. Pero malay ko, tahimik ang buhay ko ngayon eh. Yun nga lang, medyo malungkot. Si Josh kasi! Ano bang nangyayari doon? Nakakainis!
Nang mag-uwian na, I expected Josh outside our room. Pero... wala siya. Pangalawang araw na ngayon na wala siya. Kahapon, martes, wala din siya. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta, wala kasi siyang sinasabi sakin. Hindi ko na nga siya nakakasabay umuwi, minsanan nalang din kung magtext. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, sa amin.
Nag-commute ako pauwi sa condo. Napapaisip tuloy ako, ayaw niya na ba? Pero bakit sinasabi niya pa din na mahal niya ako? Masakit pag sinabihan ka ng mahal mo na hindi ka na niya mahal, pero mas masakit 'yung hindi niya nga sinasabi, ramdam mo naman. Hindi ko na siya maintindihan. Dapat hindi siya ganito! Dapat sobrang sweet niya! Yung tipong mauumay na ako. Dapat piniplease niya ako kasi nililigawan niya ako di ba? Dapat nageeffort siyang makasama ako kasi gusto niyang makuha ulit ang OO ko di ba? Pero bakit ganoon? Bakit parang baliktad?
BINABASA MO ANG
Neighbors With Benefits (COMPLETED)
Ficción GeneralThe genre of this story is General Fiction. Contains mature scenes and words that are not suitable for your conservative mind. Ps. UNDER REVISION. Tadtad ng grammatical and typo errors. Napost nadin yung mga BS na nawala. Enjoy reading. :) AliyahxJ...